Alden's POVThe Aeta community is very dear to my grandmother kaya naman kahit wala na siya, ipinagpatuloy namin ang pagkupkop sa tribu. My grandparents bought a piece of land for them and made sure na hindi ulit mababawi sa kanila ng mga gahaman sa lupa. Sa ngayon, a clinic was inaugurated. Baka next year, makapagpatayo narin ng daycare center dito.
"Thank you, Alden," saad ni Ashley. We just finished packing up the things we used during the food giving. Lahat ng gamit inilagay namin sa food truck which Oli hired. He also hired the driver.
"Naku. Mas nagpapasalamat nga ako sayo, Ash. Nadagdagan yung pagkain na ipinamahagi natin, all thanks to your generosity."
"Ang sarap pala sa feeling na mag give back, noh?"
"Oo naman. So paano, next year ulit?"
"Next year ulit and then next, and next, and forever," she smiled.
"Kahit na divorced na kami ng best friend mo?" I cringed after I said that. It just came out my mouth. Fudge.
Ash smacked her lips. "You guys have a foolish contract."
"It serves us well," I shrugged.
"Pretty pretty well, to be honest."
May tumapik sa likod ko. Si Kathryn pala. "Dude, can we join you and Oliver pabalik ng hotel? Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kay Lolo eh. Paulit-ulit na yung tanong nya eh."
"Let me guess. Kailan sya magkakaapo?"
She sharply breathed. "Please, give me a break."
"Mawalang galang na," sabat ni Ash, "pero are you guys doing it?"
"No!"
"No!""Okay chill! Grabe naman makatanggi."
Ganito kami nang maabutan ni Oli. "Guys, kanina ko pa kayo tinatawag eh. Ayaw nyo bang umuwi? Nag-aaway ba kayong tatlo? Kasi kung oo, stop na muna yan, resume nalang mamaya."
Binato ko sya ng sombrero ko. "Walang nag-aaway. Tara na nga." Nagpatiuna na ako kung saan nakapark ang sasakyan.
"Eh bakit namumula ka at lumalaki butas ng ilong mo? Ganyan ka lang naman kapag galit o kinikilig," he nagged behind me.
"Ay!" Ashley perked. "So kiniki— aray!!!" Napalingon ako sa kanila. Huli ko pa sa akto na sinabunutan sya ni Kath. "Sabi ko kiniki-liti ang ilong ko ng alikabok! OA ka bestie ha!"
"Andaming alam! Sakay ka na dun!"
Napapailing nalang ako sa dalawang to. I told Oli naman na ako na magmamaneho kasi sya nagmaneho kanina eh. "Buti naman. Ang sakit kasi ng braso ko." Derideritso naman syang sumakay sa backseat katabi ni Ash. Kinukutuban talaga ako sa lalaking to. Feeling ko nagpapaka nonchalant lang to with Ashley around eh. Galawan talaga...
"Alden."
"Bakit?"
"Daan tayong KFC."
"McDo nalang."
"KFC nga... nagki-crave ako ng original recipe ng chicken nila."
"Mas ok kung McChicken kasi malaki ang manok tsaka Mcdo ang malapit sa hotel where we stay. Nasa kabilang way ang KFC. Pwede naman bukas...?"
"Hmm.. sige na nga. Tara na."
I opened the door for her. Nang makasakay nako sa driver's seat and started the engine, she opened naman the stereo. "I hope you don't mind but it helps kung may music para makatulog ako sa byahe."
"Whatever pleases you, Ma'am."
"Thanks."
Sa aming apat, ako talaga ang may sapat na pahinga kaya ayos lang sa akin magmaneho pabalik at tulog lang sila. They made the event easier for us this year kaya sisiw lang to. Although nasa dalawang oras din ang byahe, makokontento nalang ako sa magandang tanawin na dadaanan namin.
Oliver and Ashley will be back in Manila tomorrow morning. Kathryn naman will leave for Japan sa makalawa. Nauna na yung team nya lumipad sa Japan. Ewan ko kung ano ang binigay nyang excuse sa kanila this time around.
.
.
.After almost two hours, nasa high way na kami. Ewan ko ba. Bigla akong nag U-turn at nag drive-thru sa KFC.
"One bucket of 10, original recipe. Pakisamahan nalang ng nasa platter nyo na coleslaw, buttered corn and mashed potato. Thanks."
I glanced at the person beside me. Mahimbing parin ang tulog.
Sleep well, Kathryn Chandria.
______
A/NThanks for reading!
YOU ARE READING
They Don't Know About Us
FanficThe heir and the heiress who are extreme opposites found themselves in an absurd arrangement. How long are they going to play along?