Part 25: Kamao

318 13 5
                                    


Alden's POV 


Kathryn is playing with the pigeons in Notre Dame and ngayon ko mas narealize kung bakit paborito sya ng brands back in the Philippines. Sobrang ganda ng rehistro nya sa camera eh. The last time I was here, my camera captured everything but portraits. Now, I see nothing but her.


 "Love, look oh!" She yelled as a pigeon landed on her palm but flew right away. Nagulat ata sa sigaw nya. The look on her face when she realized what just happened was gold kaya I couldn't help but take continuous shots of her. "Oh no..." she frowned. Nilapitan ko sya and handed her some more feeds para lumapit ulit yung mga ibon. 


"I have things to tell you..." I trailed. She quickly glanced at me. "Like...?" 


 "You know I'm not perfect. Marami akong nagawang mali at hindi nakakaproud na mga desisyon sa buhay noon. Gusto ko lang sana na simula sa araw na to, wala akong itatago sayo. Gusto ko rin malaman mo na pwede kang magtanong sa akin ng kahit ano and I will try my best to be honest with you." She faced me at this moment with full of understanding in her eyes. "Naging kami ni Lia dati at hindi ako naging mabuting boyfriend sa kanya noon." 


 "Pero minahal mo?" 


 "Oo pero mas mahal ko ang mga pangarap ko dati." 


 "Given na hindi sya ang mapapangasawa ng pinsan ko, do you think it would work out differently for the both of you?" 


 "I don't think so." 


 "Why not?" she asked.  


Bago pa man ako makasagot, may isang babaeng biglang humalik sa akin. Kitang kita ko paano nanlaki ang mga mata ni Kathryn at tumakbo palayo. Wtf sino ba to?! 


 "Darlinggg Richard, long time no see..." her arms snaked around my neck. Shit. 


 "I'm sorry but I don't know who you are talking about. My name is not Richard." Minus points na naman ako sa langit huhu.


 "C'mon, I know it's you. I missed you."Tumakbo ako papalayo sa babae. Napakamalas naman. Hinahabol ba ako ng multo ng nakaraan ko? Lord, pinagsisisihan ko po yung pagkagiliw ko masyado sa mga babae dati. Ibalato nyo na po sana tong anak nyong si Chandria. San ko ba hahanapin yun? In this chilly weather, napakabilis naman tumakbo nun. 


.

.

.



"Love, nandyan ka ba sa banyo?" 


 "Wala!" 


 Tangina galit nga. 


 "Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako." 


 "Kausapin mo ang pader. Ayoko makita yang pagmumukha mo!" she yelled back. Awit.     

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now