Kathryn's POVI've always known him to be a busy person and nakakapanibago na buong araw syang nandito lang sa bahay at inaatupag ang paglalaro online.
"Wala ka bang trabaho?" I asked him nang mapadaan ako sa harapan nya.
"Indefinite leave," he replied.
"Talaga lang ha."
"How about you? You mentioned you have to be in an event tonight."
"Shelved."
He looked at me quickly as if he's checking if may 'joke' na kasunod sa sinabi ko. Hindi narin sya nagsalita. Hindi talaga nakakausap ng maayos pag in-game.
I walked past him again pero this time, papasok na ng bedroom. Ano pa nga ba ang gagawin ko pag ganitong bored ako diba? Edi matulog. Kaso naalala ko na wala na pala kaming supplies and kailangan namin mag-isip ni yaya ng ihahandang dishes para sa pagbisita bukas ng parents namin. Kaya lumabas ulit ako para hanapin si Yaya.
"If I were you, magpapahinga nalang ako. Get enough sleep." Alden said habang pindot ng pindot sa cellphone nya. Mapapailing ka nalang talaga.
"Hahanapin ko lang si Yaya."
"Hindi ka papansinin nun."
I rolled my eyes. Bakit parang mas close na sila ngayon? Nakakatampo talaga si yaya. May iba na syang baby. Hmp!
Pumasok ako sa room ni Yaya kasi di naman nya narinig yung pagkatok ko. The door is slightly open din. "Yaya—"
"Oops! Quiet muna, nak."
"Ha?"
Victory!!!
What the???? Naglalaro rin ng ML si yaya??? And wait, kelan pa sya nagkaron ng gaming chair?????
"Magaling talaga magbuhat ng team yung asawa mo, nak! Aba'y WS kami ngayong araw kasi sya ang palaging core!""Jusmiyo!" Napatampal nalang ako sa noo. Nag peace sign pa sa akin and then inilapag na ang cellphone nya sa bedside table. Hindi na ako magtataka kung maging streamer din to eh. NKKLK.
"May kailangan ka, nak?"
"Maghahanda po tayo para bukas."
"Ay. Wag mo na alalahanin yun. Nag order na ang asawa mo online. Idedeliver mamaya ng supermarket yung mga binili nya."
"Ha? Pati ba naman yung groceries? Ang tatamad na natin sa bahay na to. So panu to bukas, magha-hire tayo ng chef?"
"Sabi ko naman dyan kay RJ na wag na eh—"
"So magha-hire nga?! Teka kakausapin ko lang yun."
Kakatayo lang ni Alden when I was approaching him. "Do you need something?"
"Bakit ka magha-hire ng chef for tomorrow eh pwede namang tayo ang magluto para kila dad?"
"Huh? May darating na chef bukas pero hindi ko hired yun. Pinsan ko sya. Kasama nila daddy dito bukas. He already instructed me what ingredients to prepare. Ayos na. Sabi ko naman sayo... magpahinga ka lang."
"Chandria, hindi mo naman ako pinatapos sa sasabihin ko." Kinurot pa ako ni yaya. "Nagpapadala ka kaagad sa bugso ng damdamin mo."
Napahagikhik si Alden sa sinabi ni yaya. "Ang lalim naman po nun."
Witnessing how their bond is on another level made my heart swell in happiness. Alam ko namang we're just faking this marriage, but the budding friendship in this house among us three unfolds naturally. Richard Faulkerson Jr. isn't as bad as I assumed him to be. Well, regardless of how a womanizer of a man he is, which is none of my goddam business, he is dependable when it comes to making this make-believe relationship work. Nakaka six months na kami. One and a half year nalang, babalik na sa normal ang lahat.
"Nak, akin na nga cellphone mo," sabi ni yaya kay Alden. Ibinigay naman nya rito ang hinihingi. "Tayo kayo dun, kukuhanan ko kayo ng larawan."
Ano raw? "Yaya, ano na naman tong trip mo?" bulas ko.
"Pribado lang to. Para remembrance lang. First time kasi itong mangyari na buong araw tayong magkakasama dito."
"Edi dapat groufie, bakit kami lang dalawa?"
"Kayo muna kukuhanan ko tapos point five na tayong tatlo," yaya said habang sinusuotan ako ng shades. Meron din syang para sa kanya eh kaya sinuot nya rin. Ewan ko na talaga sa trip nitong ni Angelina Masangcay 😩
"Point 5 pa nga. Lakas maka gen Z ah!"
Alden gently grabbed my arms, "Picture na tayo para matapos na to at makapagpahinga ka na haha!"
"Psh."
YOU ARE READING
They Don't Know About Us
FanfictionThe heir and the heiress who are extreme opposites found themselves in an absurd arrangement. How long are they going to play along?