Part 20: Meeting Faulkerson Jr

416 12 1
                                    



Unknown to Kathryn, ngayong gabi sana ang lipad pabalik nila Alden sa Pinas since may charter request sa weekend ang isang pinsan nila but since he couldn't decline his wife's friends' request, ipinagpaliban nalang nila ni Oliver and schedule nila pauwi.

Ilang minuto na sila sa loob ng private dining ng  Kakurebo Shinagawa Azumaya pero parang naestatwa ang kanina lang parang kititkiting sila Justine sa loob ng limousine na sumundo sa kanila sa hotel. Lahat sila nakatingin lang kay Alden na ngayon ay katabi ni Kathryn. Si Sandara naman ay parang may inaalala.

"Gutom na ata tayong lahat...?" Alden tried to break the ice. Kahit sya ay kinakabahan. May pinindot syang buzzer at agad namang pumasok ang mga nagserve ng pagkain nila. "Pasensya na kung umorder na ako agad. Don't worry I asked Kath naman kung ano ang mga gusto nyong pagkain."

Hinintay muna ni Kathryn na mailapag lahqt ng pagkain bago magsalita. She thought it's rightful to introduce Alden to her team and Ate Sandy before they begin to eat. "Tita Lulu, Ate Sandy, JV, Cha, Jan, Justine, this is Alden. Alden, them."

"It's a pleasure to meet all of you especially kayo po, Tita Lulu. I've been hearing a lot of good things about you from Kath po."

"Napakagwapo mo pala talagang bata," Tita Lulu gasped. "Congratulations with Myriad, hijo."

"Ay thank you po. Pinag-iigihan po natin para narin po makatulong sa industriya," Alden humbly replied.


"But you are the heir of Faulkersons Motors Empire, right?" tanong ni Sandara na kung makatingin kay Alden animoy kinakaliskisan bawat piraso ng pagkatao nito.

"Opo," sagot naman ni Alden.

Sandy frowned. "Don't opo me, hmp!"

"Ay sorry.. pero yes, tama ka sa information mo."



Hindi na nakapagpigil si Justine. "Mahal mo ba tong si Kathreng namin? Baka mamaya chickboy ka lang eh."


"Justine?!" saway ni Kath. Pinandilatan na nya ito ng mata pero Justine just rolled her eyes on her. "Aba."


"I just need to be sure. Yung Wade nga hindi ko pinalampas kahit na matagal ko ng kilala yun eh."


"It's okay," Alden reassured them. "Hindi ako perpektong tao pero oo, mahal ko ang Kathreng nyo. I wouldn't be here if I don't love her."


Parang inipit na mga daga ang buong team Kathryn sa impit na tili ng mga ito. Mabuti nalang talaga nag book si Alden ng exclusive room for this meet up.

Kath on the other hand was seriously blushing. "Baka gusto nyo ng kumain?" She tried to divert the topic.


"Nakakagutom pala talaga pag in love. Sige na kumain na muna tayo at lalamig na ang pagkain," Tita Lulu suggested. "Pero matanong ko lang, bago ako sumubo nitong gyoza, saan ba kayo kinasal at nakaligtas yan sa radar ko?"


"Sa LA po," Alden politely replied.

"Los Angeles?!" Justine gasped.

"Hindi. La Anion, beh," JV sarcastically answered. "Malamang Los Angeles."

"Traydoran beh?" rebut ni Justine.

Nagtawanan nalang silang lahat sa asaran ng dalawa. Finally, wala ng ilangan sa pagitan nilang lahat. They discovered that Alden is fun to be with. Marami ring kwento at paandar. Kathryn also discovered this about him. Tahimik kasi ito pag ibang tao ang mga nakakasalamuha aside from his family.


Alden leaned on Kath. "Did I pass?"


"With flying colors," she beamed.



"Teka. Mahirap kaya pasagutin tong alaga ko, Alden. Ano ba ang sekreto?" Tita Lulu wondered. Tumigil din ang lahat sa pag kain kasi curious din sila.


Alden pursed his lips and stared at Kathryn. "Isang bucket po ng KFC original recipe."


And Kathryn burst out laughing. Little did she know that her laugh is always at the top of the things her husband likes about her. It's like he has met his match on the opposite side of the lane— different but real, strange but sweet and has everything his soul needs.




















_____
A/N

Thanks for reading! 🙂‍↔️

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now