WANDEE 10

1.2K 7 3
                                    

This work is a fanfiction, any resemblance of the Characters , place and series of events is coincidental. if you don't like this genre, you can stop reading. thank you.

Follow me on my account @Jamesvince.


________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________



Chapter 10

Word Count: 3649




Yeoyak's POV


" okay lang kaya ito?"

"Hindi bagay."

"Itong isa?"

"Ang laki ng mata mo, Bakit bigla mo na lang gustong magsuot ng salamin?"


Napaawang ang bibig ni Oye habang sinubukan ko ang isang pares ng salamin sa isang tindahan ng eyewear. Ngayon, wala akong boxing lessons dahil sarado ang boxing gym. Dahil may libreng oras si kuya, niyaya niya akong lumabas para kumain ng lunch na kaming dalawa lang.

Naglakad ako papasok sa tindahan ng salamin dahil nakatatak pa rin sa ulo ko ang imahe ng lalaking nagngangalang luke. Hindi sa gusto ko siya , dahil hindi ko maiwasan na i-kumpara ang sarili sa taong nagustuhan ni Dee.

Napaka-respected,at gwapo tama ba? Mula sa kanyang maayos na buhok, sa kanyang salamin na may mabait na mukha, sa kanyang malinis at maayos na pormal na damit, perfect lahat.

Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang nakuha sa kanilang pwesto. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ako nag-alinlangan sa ka gwapuhan ko, ngunit ito ang unang pagkakataon.

Ako at yung luke na iyon, ang lalaking nagustuhan ni Dee, ay magka iba.

And besides, kinailangan kong mag training kinabukasan. Baka hindi ko na makita si Dee ng madalas gaya ng dati, dahil busy din si Dee sa trabaho. Sa panahong ito, kailangan kong kumilos agad.

"Nagbubuntong-hininga na naman? Anong meron ngayon? Heartbroken ka ba dahil kailangan mong pumasok sa training at hindi mo na makikita si Wandee?"

"Hindi, hindi naman."

"So hindi ka bibili ng salamin?"

"hindi ito bagay sa mukha ko."

Naglakad na ako palabas ng store. Mukhang nataranta ang kapatid ko, pero sinundan pa rin niya ako palabas. Pinikit ni Oye ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya, palihim na pinagmamasdan ang kaparehas niyang mukha bago nagsalita.

"Napakaswerte mo kuya."

"Bakit?"

"Gusto ka kasi ni Mark kahit strikto ka."

"gago to.."

"Gusto ko si wandee, pero hindi naman niya ako gusto.. mas gusto niya pa ata yung luke na iyon.," Then I sighed again. Si Oye, . Sa pagkakataong ito, si Oye ang huminga ng malalim.

"Ngayon mo lang nalaman na gusto mo siya? Hina mo naman."

"Paanong..?"

"I saw the look in your eyes when you looked at Wandee. Alam kong gusto mo siya. Matagal mo na rin siyang gusto."

WANDEE GOODDAY [ TAG/ENG ] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon