WANDEE 14

828 7 0
                                    

This work is a fanfiction, any resemblance of the Characters , place and series of events is coincidental. if you don't like this genre, you can stop reading. thank you.

Follow me on my account @Jamesvince.

__________________________________________________________________



Chapter 14

Word Count: 6521




( Wandee POV )

Humikab ako habang naglalakad sa corridor ng ospital. Hinawakan ko ang isang tasa ng paborito kong kape sa isang kamay, at ang kabilang kamay naman ay nagta-type sa aking telepono.

Nagpapadala ako message kay Yeoyak sa pamamagitan ng Meta. Kamakailan lang, nagte-training ito sa iba't ibang probinsya kaya hindi kami masyadong nagkikita. Nakaka miss.

Ngunit sinabi niya sa akin na babalik siya sa Pasko hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon bago lumipad para lumaban para sa world championship sa ibang bansa.

Hindi ko maiwasang matuwa sa kanya. Kahit na sinabi ng lahat sa paligid ko na napakagaling niya na siguradong mananalo siya ng championship, nakita ko pa rin na nagsusumikap ng isang 25-year-old para sa kanyang pangarap. Bilang isang lalaki na malapit ng mag thirties, nakaramdam ako ng kaunting inspirasyon na magtrabaho at magsikap. Kahit pa nagkaroon ako ng mas bata na boyfriend, ginagawa ko parin ang lahat para umangat at makatulong sa iba. . Sabi ng lahat ng nakilala ko, mas mukhang masayahin ako at palagi sa ward napapag usapan ang aking lovelife. Natatandaan ko tuloy noong nagsisimula pa lamang ako dito sa ospital. Sa una mahirap makibagay, tahimik lang ako at palaging si drake ang kasama ko sa cafeteria. Magkaiba man kami ng department ay sabay parin kami nakain ng lunch. Ako ay Urologist, at siya naman ay Psychiatrist.

Ibinaba ko ang phone ko nang walang sumasagot. Araw-araw ay ganito. Sasagot ito sa tawag sa kalagitnaan ng gabi. Miss ko na siya. Araw-araw ko sinasabi sa kanya. Nagreklamo narin ito kay oye dahil gusto niyang bumalik dahil na-miss niya rin ako. Ang aming relasyon bilang magkasintahan ay masasabi kong smooth at walang problema. Gayunpaman, kamakailan, may lumabas sa news na hiwalay na si yeoyak sa kanyang karelasyon. Ang ilan ay naniwala sa mga kakaibang tsismis na iyon, may pinakita sa screen na larawan na kung saan naka akbay si yak sa isang lalaki na mas maliit sa kanya. Halata naman na ako pero bli-nurred ito ng kamera.

Akala ko ang nagpapakalat ng kakaibang tsismis ay Luke. Siya lang naman ang naiisip ko na gagawa ng bagay na iyon. He's well known doctor like me. Mas polular nga lang dahil nakapag internship na ito sa ibang bansa. The more he did this, the more na naiinis na ako sa kanya. Kahit matagal na kaming magkakilala, hindi ibig sabihin na kilala na namin talaga ang pagkatao niya. Iyon ang katotohanan.

Huminga ako ng malalim habang iniisip ang mga taong naging dahilan ng magulong sitwasyon. Pagkatapos, ilang sandali pa, umalingawngaw ang boses ni luke mula sa likuran ko.

" Dee," tawag niya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Isang magalang na ngiti pa rin ang nagpalamuti sa kanyang maaliwalas na mukha, alam ko naman na hindi ito tunay.

"Ano iyon, luke?"

"Are you free tonight? Gusto mo bang lumabas para kumain?"

"I'm not free. Sorry," sabi ko, gamit ang malayong wika pero pinananatili pa rin ang ugali ko. Pagkatapos kong magsalita ay tumalikod na ako at agad na umalis.

WANDEE GOODDAY [ TAG/ENG ] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon