Kabanata 3

493 22 3
                                    

Kabanata 3

Masaya


"You got that James Dean Daydream look in your eyes!" kanta ko habang nasa kotse niya kami.

Papunta na kami sa salon kung saan pwede siyang magpagupit. Nung nagising kami kanina, he cooked for our breakfast. Tapos naligo lang at umalis na. Hindi ko nakita si Kuya Tarius kasi tulog pa yata o baka busy sa ibang bagay?

"You got the long hair slicked back white t-shirt!" pagpapatuloy ko sa kanta.

He's playing Style by Taylor Swift and as a fan, I memorize the lyrics of the song very well. Kadalasan ang kanta ni Taylor ang nagbibigay lakas sa akin upang magpatuloy ako sa ginagawa ko dito.

Naisip ko si Mama, for sure she will be disappointed because I'm here, trying to force Gavriel to like me. I'm doing what my mother did to my father. Iyon nga lang, mahal ni Papa si Mama. Ako? It's a very long story!

Ang pagkakaiba namin ni Mama ay mahal siya ni Papa at pinakasalan siya. Mahal siya ni Papa at naghintay ito upang maibalik ang kanilang pagmamahalan. Sa parte ko naman, wala akong kasiguraduhan kung magugustuhan ba ako pabalik ni Gavriel. Wala akong kasiguraduhan. Pero nandito ako. Sumugal. Sumubok. At nagba-baka sakali na magustuhan niya ako pabalik.

"Alam mo, this song reminds me of you. You're like my James Dean." sabi ko sa kanya.

After the song, hindi na nasundan dahil malapit na kami sa salon. I've been here before. Kapag may bakasyon ang pamilya, hindi nawawala ang America sa listahan. Pero ngayong mag-isa ako, trying to be independent here is different.

"I'm not your James Dean. I'm Gavriel." aniya sa joke ko.

Ngumuso ako at hinampas ang kanyang balikat ng mahina. Hindi naman marunong mag-isip ng joke 'to. Akala yata seryoso ang sinasabi ko.

"I know that! Come on, it's just a joke!" sagot ko.

He shook his head. He parked the car in its place. Lumabas siya at binuksan ang pinto sa akin. When he closed the door, agad akong humawak sa kanyang braso at naglakad na kami papasok sa salon. Nang pumasok, agad na lumapit ang foreigner na bakla upang asikasuhin si Gavriel.

"I want to cut my hair." iyon ang sinabi ni Gav.

The gay followed his request. Naupo naman ako sa sofa at nagbasa na muna ng mga magazines.

"Is she your girlfriend, sir?" tanong ng parlor gay.

I heard Gavriel deep sighed. Tumingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa salamin at hindi pa sinasagot ang tanong. My heart started to feel uncomfortable.

"She's just a little sister." he said directly.

Nanlumo ako sa kanyang sinagot. Just like Eponine, my version of Marius wouldn't like me back, I guess? I'm just like his little sister. Iyon lang ang tingin niya sa akin. He just let me stay here because he's friends with my brother. After that, it's really just a sister's attention he can provide with me.

I nodded to myself. Tumayo ako at tumingin muna sa labas ng salon. America is a beautiful country. A progressive. Kung sa bagay, first county nga naman ito ngayon. No wonder, this country will always be the top one.

Naisip ko ang desisyon na pumunta dito. Mali ba ako ng desisyon na pinili? Mali ba ang pagpunta ko dito? Well, I still have days to make him fall for me. Kapag matapos ang mga araw na 'yon, at wala pa ring resulta, then I have to accept my defeat.

"I'm done. Saan mo gustong pumunta?" napatingin ako sa likod ng magsalita siya.

Muli akong napahinga ng malalim ng makita kung gaano kaperpekto ang mukha ni Gavriel kapag malinis siya. He looks very different from his siblings.

"Ang gwapo." nakangiti kong sabi.

He pursed his lips then shook his head. Yumuko siya at muli kong nakita ang cute niyang ngiti na tinatago sa akin.

"Let's go. Kumain muna tayo bago mamasyal dito." aniya sabay hawak sa kamay ko.

Ngumiti nalang ako at sumakay kami sa kanyang kotse. Wala siyang pasok ngayon kaya may oras kami na mamasyal. Bukas naman kailangan niyang pumunta ng university dahil may ipapasa siyang thesis. Iyon ang schedule niya na alam ko.

Kumain muna kami sa isang fine restaurant dito. Well, America is fond of sandwiches and bread so lahat ng pagkain ay ganoon. Pasta and chicken nalang ang kinain ko at nabusog naman.

"Anong plano mo ngayon? Hindi ka ba uuwi sa Pilipinas?" he asked during our meal.

Tumingin ako sa kanya, huminto siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"As I said, I'm gonna be here for a month. It's my vacation." sagot ko.

Ngumuso siya.

"Umuwi ang Kuya mo kahapon. For sure, he's looking for you there." he said back.

What? Umuwi si Kuya Tarius sa Pilipinas? Kaya pala hindi ko ramdam ang presensya niya sa dorm niya! Hindi ko manlang nakita si Kuya bago umuwi.

"Umuwi siya tapos ikaw nandito. Wala ka talagang balak na umuwi." I spilled.

He sighed and then continued his meal.

"I'm busy here." tanging sagot niya.

"You're always busy. Hindi mo lang ba ako na-miss?" nagtatampo kong sabi.

Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga. Habang tinitignan ko ang kanyang mata, I sense something strange. Para bang iba ang pinapakita ng kanyang mata sa akin ngayon. It's like...he miss me too! Pero hindi niya naman sinasabi 'yon kaya iba ang iniisip ko. Iba ang pinapakita ng mukha niya sa mga mata niya.

"I'm busy and I don't have time to think about you." malamig niyang sagot.

My heart felt that pain again. Same pain. Napahinga ako at tinapos ang pagkain.

"Okay. Are you done? Can we go now?" I smiled.

He nodded. Tumayo siya kaya ganoon rin ang ginawa ko. Binitbit ko ang bag at naunang naglakad palabas ng restaurant na kinainan namin. Nasa likod ko lang siya habang nagmamasid ako sa paligid. Malinis ang kalsada dito, kahit sa park, maraming mga foreigners na nandoon kasi gusto nila ang araw.

Naramdaman ko ang hawak ni Gavriel sa baywang ko habang naglalakad kami sa bay. Mainit pero hindi naman masakit sa balat. Ngumiti ako sa mga batang naglalaro at napahinga. Kung pwede lang sana balikan ang mga araw na hindi ko siya ginusto, baka masaya ako ngayon. Baka masaya ako sa ibang lalaki.







---
©Alexxtott2024

Song used: Style by Taylor Swift

Chasing Series 5: Tying Childish Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon