Kabanata 8
Break
Alam ni Gavriel na pinagseselosan ko si Cara. Alam niyang kapag sa tuwing naiisip ko ang halik na nangyari sa kanya, nawawala ako sa sarili. He knew that I hate the girl when it comes to him. Pero ngayon, malalaman kong may nangyari na namang halik sa kanila kanina. Bakit? Anong nangyari at bakit siya mahalikan ni Cara ulit? Did she drunk him? Perhaps, he let her kiss him again?
Kumukulo ang dugo ko sa galit at selos. Hindi ko man sabihin o isatinig pero nagagalit ako ngayon. I hate it. I really damn hate it. Paano niya hahayaang halikan siya ni Cara kung hindi niya ginusto? Paano nangyari ang halik kung ganoon?
Come on, Serise Catañia, it's just a kiss! A fucking kiss! Wala namang nangyari sa kanila sa kama kaya okay lang na maghalikan sila! Okay lang! Besides, Gavriel is single and we don't have any labels or relationships! Kaya bakit ako magiging bayolente ngayon? Bakit gusto kong sugurin si Cara at pagsabihan siya ng masasakit ngayon? Bakit gusto kong sumigaw sa frustration?
Kung bakit ang dami kong tanong sa sarili ay hindi ko masagot kasi kahit ako, nababaliw makahanap lang ng sagot. Nababaliw na yata ako. I'm talking to myself. Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata habang umiiling sa sarili. Isasama ko pa kaya si Gavriel sa concert na papanoorin ko sa katapusan? Baka mamaya, hindi naman pala yon sumama. Sayang ang ticket.
Anyways, I need to ready myself now. Inayos ko ang sarili dahil magigising na si Gavriel. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa tawag ni Cara kagabi. Kaya ang resulta, maaga akong nagising at nagluto nalang ng simpleng breakfast namin. Bumukas ang pinto mula sa kwarto at lumabas ang bagong ligo na si Gavriel. I smiled sadly.
"Good morning..." bati ko.
Tumingin siya sa akin at lumapit. Nagulat ako ng dampian niya ng halik ang pisnge bago ngumiti sa akin.
"Mornin," he said huskily.
Napanguso ako. Knowing what happened last night makes me calm myself to slap him again. They kiss again. And I think, he likes the kiss from Cara.
Umupo siya sa silya at gaya ng ginagawa ko palagi, I prepare his breakfast. Nakahanda na lahat. Even his coffee. Hindi ko alam kung sasabay ba akong kakain gayong nahihirapan akong umupo sa kanyang harap at harapin siya. I'm really affected.
Sa huli, umupo nalang ako sa harap niya at kumuha ng sariling pagkain. He was silent while eating our breakfast. Naisip kong sabihin sa kanya ang planong manood ng concert.
"I bought two tickets for the Taylor Swift Eras Tour here. Sa end of month ang show. I assume you want to watch it with me?" paunang sabi ko sa hapagkainan.
Tumingin siya sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata. He took his coffee and sip for a moment before answering me.
"You bought a ticket without asking my permission? Paano kung hindi ako sasama? Edi, nasayang ang pera mo?" he said seriously.
I pursed my lips.
"Kaya nga sinasabi ko ngayon sayo para malaman ko ang sagot mo. If you don't want to come with me, then I guess, I'll watch the show alone." I said simply.
Bumuntong hininga siya at umiling sa naging sinagot ko. Is he disappointed? Dahil ba sa padalos-dalos kong desisyon kaya ganito ang nararamdaman niya ngayon? It's just a ticket that I bought, bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya? Sa aming dalawa, siya ang may kasalanan kasi naghalikan na naman sila ni Cara. Kaya dapat mas galit ako sa kanya ngayon!
"Your unacceptable reason doesn't make any sense, Catañia. Purely a waste of money--"
"You kissed Cara yesterday and yet, I'm not shouting at you right now, Zypher Gavriel. Stop arguing with just a ticket concert. Mas malala ang ginawa mo kahapon." malamig kong putol sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. Tila ba isa na namang kasinungalingan ang sinabi ko. Well, he should know by now. He was sleeping peacefully last night and he wasn't able to answer Cara's call.
"What the hell are you talking about?" he cursed.
"Huwag kang magmura sa harap ng pagkain." saway ko sa kanya.
Umigting ang kanyang panga. Tila napigtas ko na naman ang kanyang pasensya.
"I kissed Cara yesterday? How did you know and are you sure about your accusation again, Catañia?" he said seriously.
Tumayo ako upang hindi kami mag-away sa harap ng pagkain. Agad siyang sumunod sa akin kaya huminto ako sa living area at hinarap siya. Agad kong dinuro ang kanyang dibdib sa init at selos na nararamdaman kagabi pa.
"You know that I hate that girl! You know that I am jealous of her! You know it and yet, you did it again with her! Come on, Gavriel! Ilang halik na ba? Baka sabihin mo sa akin para aware ako!" I shouted now.
At dahil dramatic girl tayo, muli na namang tumulo ang tarantado kong mga luha. Napangisi ako sa sarili habang pinapahid ang mga stupidong luha!
"She called last night! She missed you and she enjoyed the kiss you shared with her yesterday! Really? Saan kayo naghalikan? Sa library? Sa comfort room ng school niyo? Sa pantry? O baka naman, sa public place?" I said frustratedly.
He sighed heavily.
"Alam mong nagseselos ako pagdating sa kanya. Alam mong ayokong naririnig o involve ka sa kanya. Alam mong para akong baliw na malaman ang mga ginagawa ninyo. Alam mo kung gaano ako masasaktan kapag nalalaman kong naghalikan kayo o baka mas malala pa." nanghihina kong sabi.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at nakapamaywang na tumalikod. I need to compose myself. I need to think of a better way of staying here for less weeks and days.
"Cara and I, had the right to kiss since we are both single. She's free and old for me. I am free and old for her. What we did is just right. We can share a kiss since we want it." he said ruthlessly.
Muli, sa wasak na puso, umiyak sa mga narinig na salita mula sa kanya. This is breaking my heart.
"You are just my little sister. Matagal ko ng sinasabi na umuwi ka sa inyo. What you have for me is not right, Catañia. You are very young for me. Immature. I have a name to handle for the rest of my life and I cannot let it waste because of you." he harshly said.
That's it. I heard what I need to know. I think this is better.
"I can kiss or bed Cara since we are both single and we are old enough to do that. I can do it. Labas ka sa mga gagawin ko kasi anong karapatan mong maramdaman ang selos sa amin? Look at yourself, reflect and run, you are not made for me." to break my heart completely.
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 5: Tying Childish Love
RomanceStatus: Ongoing Start: April 12, 2024 Eponine loves Marius for her heart. But Marius loves Cosette. Iyon ang kwento na gustong baguhin ni Catañia, ang babaeng nagmamahal na hindi minahal pabalik. Gusto niyang baguhin ang kwento ni Eponine at gusto...