Kabanata 15
Hear
Natahimik ako. Hindi nakapagsalita sa kanyang sinagot sa akin. Hindi ko maintindihan paano nasama si Papa sa aming dalawa? At ngayon, sinabi niya mula sa kanyang bibig na si Papa ang rason at mastermind ng mga rason na iyon. Paano? At bakit hinayaan niya ang Papa ko na kontrolin siya? Totoo ba talaga 'yon o baka ginagawan niya ng istorya itong mga maling desisyon niya?
"M-my father? How come?" I said shockedly.
He sighed and then smiled tiredly and sadly. Sa paraan ng mga mata at ngiti niya, alam kong hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan. Pero bakit nasama si Papa sa mga rason na nagpapigil sa kanya na ibigay ang sarili sa akin? Paano nangyari 'yon?
"I respect your father so much, Tañia. Lahat ng gusto niya susundin ko. Lahat ng sasabihin niya gagawin ko. Kung ano man ang desisyon niya, tinatanggap ko. Lahat ng 'yon ginawa ko para lang makuha ka. Para lang makuha ang kanyang permission sa ating dalawa." he explained.
Unti-unting pumatak ang luha sa mata ko. Nang makita kong namumula ang kanyang mata at paiyak na rin, mas lalo akong nahabag.
"Ang hirap kunin ang loob ng Papa mo. Ang hirap tanggapin na hindi niya ako kailanman tatanggapin para sayo. Catañia, I've been fighting for us since I fell in love with you." he stopped, tears poured.
Napanganga ako sa kanyang sinasabi ngayon. He fell in love with me? How come? Hindi ko alam at hindi ko ramdam? At si Papa, isa siya sa mga rason kung bakit pinipigilan niya ang sarili sa akin? Paano nangyari 'yon?
All of my life, I know my father! Of course, he's my fucking father! Kaya sa kanilang dalawa, maniniwala ako sa Ama ko! Pero sa sinasabi ni Gavriel, he got deep cuts. He didn't show me his love. He didn't make me feel his love. He didn't let me feel his love. Kaya paano ko siya papaniwalaan ngayon?
"I don't believe you."
Napahinga siya ng malalim bago ngumiti ng malungkot sa akin. Tears from his eyes poured.
"Why I'm not surprised? I'm sure, pati ikaw ay hindi maniniwala sa akin." aniya sa mababang boses.
Kumunot ang noo ko. What? I don't get it! I don't get this! Bakit kasama ang Papa ko dito? Is he accusing my father here?
"Let me believe you! Paano ako maniniwala kung sa una palang, ako lang ang nagpapahayag ng damdamin ko! Sa una palang, ako at ako lang ang nagpaparamdam sayo--"
"Kasi paano ko gagawin 'yon kung ayaw ng Papa mo sa akin huh? Paano ko ipaparamdam sayo kung gagawin ko palang nagbabanta na siya? Sabihin mo, paano ko gagawin at ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita gayong ayaw sa akin ng Ama mo?" he cut me off.
Napanganga ako at nalaglag ang panga sa kanyang sinabi. He dried his tears. Umupo siya sa sofa at kita ko ang panginginig ng kanyang binti. He shook his head while staring at me. Walang magagawa si Papa kung buo ang desisyon ko. Walang magagawa si Papa kung gustuhin ko ang desisyon na pinili ko!
"Sinunod ko lahat ng gusto niya! Sumunod ako sa kanya! Lahat ng gusto niyang iutos ay sinunod ko! Lahat ng yon, Catañia! Hindi ako umuwi ng Pilipinas kasi ayaw niya! Hindi ako nagpaparamdam sayo kasi ayaw niya! Hindi ko magawang mahalin ka ng buong-buo kasi mahigpit siya sayo!" he cut the words.
Kita ko ang paghihirap sa mga mata ni Gavriel. Kita ko na ayaw niyang sabihin lahat ng ito pero nandito na kami, nag-aaway at nagtatanong na ako. Galit ako at nagtatanong kung nandito siya ngayon.
"Tell me, Catañia, paano kita mamahalin gayong may nakatutok na baril sa ulo ko?" he burst out.
Paano nangyari 'yon? Si Papa? Ginawa niya talaga yon kay Gavriel? Paano? I cannot believe this! Hindi ako makapaniwala! I'm still shocked and I can't believe that this is happening!
I love my father so much. I respect him as my father. And Gavriel follows his rules and command because of me? Oh God!
"He set rules that I need to follow. After your college. Pwede na. Pero nitong huling pag-uusap namin, he requested me to marry another woman then divorce after your college. Catañia, your father is ruthless and heartless." siwalat niya.
Bumuhos ang luha ko sa kanyang sinabi. Hindi ko maisip na magagawa yon ni Papa. Hindi ko lubos maisip na ipapagawa niya 'yon kay Gavriel. Hindi ko na alam. Naguguluhan ako. Nalilito at hindi maibigay ng buo ang paniniwala kay Gavriel. But it seems that he's telling the truth.
"Hindi ko kayang gamitin si Cara sa gusto niyang mangyari. I can wait till you finish your college. Pero nararamdaman ko sa huli, hindi niya pa rin ako tatanggapin para sayo. I follow and follow his rules and commands but I can feel that at the end of the day, he will never accept me for you." he said weakly.
Umiling-iling ako habang umiiyak.
"Baby, stop crying please?" he said softly.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong nanghina. Binigay ko ang buong katawan sa kanya. Mabilis niya akong inangat ng maramdaman na mapapaupo ako sa sahig. Umupo kami sa sofa habang nakaupo ako sa kanyang hita. Nanghihina talaga ako.
"I don't want to ruin your father's image but I can say it clearly, he's a heartless man. Walang lalaki ang para sayo. Wala siyang makita na lalaking para sayo." he whispered.
He dried my tears. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat ng mga 'yon. Si Papa. I need to talk to him. He's the head of my miserable. Kung hindi niya ginawa 'yon, hindi sana ako naging ganito.
"Don't hate your father, please? He just wants the best for you." bulong niya.
"Paano mo nagagawang sabihin yan gayong siya ang rason kung bakit ganito tayo ngayon!?" asik ko.
He sighed. Hinalikan niya ang ulo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
"He may be the reason for this but he's still your father and I respect his decision." sagot niya.
Mas lalo akong naiiyak. Kahit ganoon ang ginawa ni Papa sa kanya, nagagawa niya pa ring sabihin 'to. Nagagawa niya pa ring magbigay ng respeto sa Papa ko.
My father. He is the head of this. Mahal ko ang Papa ko. Pero kung totoo man ang lahat ng ito, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at papatawarin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. But to verify Gavriel's accusation, I need to talk to him. I need to ask his side. Not to be unfair here. I want to hear my father's side of the story.
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 5: Tying Childish Love
RomanceStatus: Ongoing Start: April 12, 2024 Eponine loves Marius for her heart. But Marius loves Cosette. Iyon ang kwento na gustong baguhin ni Catañia, ang babaeng nagmamahal na hindi minahal pabalik. Gusto niyang baguhin ang kwento ni Eponine at gusto...