Kabanata 4
Child
Hindi niya ako na-miss iyon ang tumatak sa isip ko habang naglalakad kami sa bay. Pero kung makahawak sa baywang ko ngayon, halos hindi ako bitawan. Ang ganda ng bay nila dito. It's very scenery. Hindi nakakasawang pagmasdan. Isama pa ang mga foreigners na nagkalat sa tabi. They were watching the sun going down.
Nakaupo kami sa isang bench habang nasa baywang ko pa rin ang kanyang kamay. May milk tea kami habang pinagmamasdan ang langit. This is heaven for me. Well, may mga ganito rin naman sa Pilipinas pero iba ang ganda ng America. I can say that when I'm married or when I have my husband, I want to settle here.
Gusto kong dito nalang kami tumira sa America. Gusto kong dito kami bumuo ng pamilya. Magkaroon ng anak at mabuhay hanggang sa kaya ng buhay namin. Iyon ang gusto ko. Simple lang pero mahirap maibigay. You see? The man I want to settle here is not for me. He belongs to a woman who'll pass his standard. Iyon ang totoo na pilit kong itinatago sa sarili.
Hindi ko man aminin, dadating ang panahon na mag-a-asawa siya at hindi ako 'yon. Hindi ako ang dadalhin niya sa altar at ihaharap sa Diyos. Kaya ngayon, hanggang may oras pa, hanggang kaya ko pang maibaling sa akin ang atensyon niya, gagawin ko. Maging mukha akong tanga or martyr sa paningin niya, wala na akong pakialam.
"Tumawag ka na ba sa inyo? Did you tell Tita that you're here?" aniya habang marahang hinahaplos ang baywang ko.
I pursed my lips. Palaging ganito ang sinasabi niya sa akin.
"It's okay--"
"Bata, you have to tell your family that you're here! Tarius might be mad at me because I didn't tell him about your staying here." he cut me off.
"That's fine! Why are you worried about my Kuya? He's doing fine, okay?" I answered him.
Ngumuso siya at umiling sa sagot ko. Matalino si Gavriel. Sa kanilang tatlo, siya ang matalino at may gustong marating sa buhay. Tito Therome always demands him. Pero sa ngayon, si Kuya Willan ang may hawak sa negosyo nila. Gavriel doesn't want to handle the business for now.
"I'm worried because they are your family! They might think that I'm a bad influence on you!" aniya sa nahihirapang boses.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. Nahihirapan na harapin ako. He was very stern and stoic. Kung hindi lang gwapo ang isang 'to, baka tumanda na sa pagiging suplado.
Mommy is fine. She will be mad for a minute but after that, she'll calm down. Ganoon naman palagi si Mommy kapag may kasalanan akong nagagawa. Galit ngayon pero mawawala rin kalaunan. But I always ask for forgiveness when I do something wrong. Kasi magagalit rin sa akin si Papa at Kuya. They treasure my mother as their queen. Kaya kung may magalit o umaway kay Mommy, sila ang humaharap.
Siguro hindi naman masama na pumunta ako dito para magbakasyon o makita si Gavriel. After all, they know him. And they trusted him.
"Don't be so worried, okay? We're fine." tanging sagot ko lamang.
Bumuntong hininga siya at kinuha ang cellphone. After the second of dialing a number, may sumagot sa kanya.
"Hello, Tita?" paunang sabi niya.
Ngumuso ako. Hindi talaga mapakali ang isang 'to.
"She's with me. Yeah, she's doing fine here." Gavriel said.
Umiling ako at tumingin nalang muna sa paligid. Napangiti ako sa magkasintahang naghahalikan sa bay. It's very open and PDA! Grabe kung sa Pilipinas 'to, baka nag-trending na! Well, America doesn't show a fuck when it comes to sensual things. They are open doing that kind of thing. Kaya hindi na ako magugulat na may nagmi-make out dito ngayon.
"She's with me the whole month, Tita. Thank you for trusting me." aniya pagkatapos ang tawag.
Napatingin ako sa kanya. He's done talking to my mother. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang kanyang braso na mabuhok. He's very manly now.
"I called your mother to inform her that you're here. She's not mad but worried." he said seriously.
I smiled cutely.
"I told you! You're okay now?" sabi ko sa kanya.
He pursed his lips and then sighed at my neck heavily.
"Such a headache." he said problematically.
I laughed cutely. Naramdaman ko ang kanyang marahan na halik sa gilid ng tainga ko. Agad akong nakaramdam ng init sa katawan habang nagpapatuloy siya sa ginagawa. Mas lalong lumapit ang kanyang katawan sa akin. Bumaba ang kanyang labi sa pisnge ko at mas lalo akong nakaramdam ng kiliti sa kaloob-looban ng katawan.
Anong ginagawa niya?
"Such a beautiful mine." he said baritonely.
Ngumuso ako. Kung ano-ano nalang ang sinasabi ni Gavriel. Baka pagod na 'to?
"Are you okay? Pagod ka na ba?" I asked him.
Umangat ang kanyang mukha at tumingin sa mga mata ko. His eyes show gentlemen and softness. Kung hindi ko lang alam na gustong-gusto niya akong pauwiin sa Pilipinas, hindi masisira ang nararamdaman ko ngayon.
"I'm all good now. You're here." he whispered tenderly.
Ngumisi ako at hinaplos ang kanyang mukha. Sobrang gwapo naman nito! A blessing to every woman!
"I miss you so much." he added, same voice.
Ngumuso ako upang hindi niya makita na kinikilig ako ngayon. Muli niyang hinalikan ang pisnge ko at niyakap na ako ng tuluyan. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa akin. He's been tired and living here alone without any of his family, I know the feeling of being so lonely. Kaya ngayon, hinayaan ko siyang yakapin ako sa paraan na gusto niya.
"Baby..." he whispered tiredly.
Tumingin ako sa kanya. Nakasiksik ang mukha sa aking leeg habang yakap ako ng mahigpit.
"Iwan natin ang mundong ito." aniya sa mababang boses.
Kumunot ang noo ko. Huh? Iwan ang mundong ito? Saan naman kami pupunta?
"Isa lang naman ang mundo huh? Saan ba tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong.
He sighed tiredly. Instead of answering me, naramdaman ko nalang ang mumunting halik niya sa leeg ko.
"Bata ka pa nga talaga." sagot niya.
Ngumuso ako dahil muling nainsulto sa kanyang sinabi. Tumayo siya at hinawakan ang palapulsuhan ko upang umalis na kami. Hawak ang kamay ko, nilakad namin ang kotse niya at umalis sa bay upang umuwi sa kanyang dorm. Again, insulted by his perspective to me, that I'm still a child. Only a child in his eyes.
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 5: Tying Childish Love
RomanceStatus: Ongoing Start: April 12, 2024 Eponine loves Marius for her heart. But Marius loves Cosette. Iyon ang kwento na gustong baguhin ni Catañia, ang babaeng nagmamahal na hindi minahal pabalik. Gusto niyang baguhin ang kwento ni Eponine at gusto...