Kabanata 14
Tears
"Ano ba! Bitawan mo ako!" I screamed.
Nakalabas na kami ng bar at madilim na ngunit marami pa ring tao kahit sa labas. Maingay at may mga nakikita akong naghahalikan sa tabi. Gavriel's eyes were angry. Nakaigting ang panga.
"Stavro Gomez? Iyon na pala ang kinaaabalahan mo dito? To date with more men?" asik niya.
Napunit ang galit na pilit kong iniiwasan. Mabilis na tumilapon ang kamay ko sa kanyang pisnge. Hindi siya tumigil at muling tumingin sa akin, galit ang mga mata.
"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan! I owned myself! At kahit noon baliw ako sayo, wala na yon sa akin ngayon!" sigaw ko sa kanya.
Ngumisi siya at lumapit sa akin. Umatras ako kasi sa paraan ng ngisi at titig niya, alam kong sumabog na rin ang galit nito sa akin.
"Talaga ba, Catañia? Hindi ka na baliw sa akin ngayon? Talaga ba?" nangunguya ang kanyang boses.
Tinaas ko ang kamay upang iduro sa kanya. He didn't stop walking and when he scooped my waist, napanganga ako sa gulat. Hindi pa nga nakakaahon sa gulat ng sakupin niya ang labi ko ng galit at malalim. Mas lalo siyang nagkaroon ng access sa loob dahil sa pagkakagulat ko. He sucked my tongue angrily.
Mas lalo niyang diniin ang sarili sa akin at sinakop ng malalim ang labi ko. He didn't stop kissing me. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng bibig sa paraan ng kanyang paghalik. Ilang sandaling halik bago siya humiwalay at tumitig sa akin.
"Talaga ba? Hindi na baliw sa akin?" he said annoyingly.
Nanghihina ako. Wala akong masabi at gusto ko nalang ulit maramdaman ang kanyang labi. Kahit sa sandaling ito, maramdaman ko manlang kung paano siya humalik. Nakatitig ako sa kanyang labi na namumula at basa. I want it more! I want more kisses! Kaya ako naman ang humalik sa kanya ngayon. Napakapit pa ako sa kanyang leeg ng laliman ko ang halik sa kanya.
He kissed me back. Now, our tongue is fighting towards each other. I sucked his tongue angrily. Yakap na niya ang katawan ko at nagpapatuloy kami sa halikan. Nasa labas pa kami ng bar huh! At maraming tao ang nandito pero dahil ibang bansa ito, parang wala lang ang ginagawa namin. When I stop kissing him, humiwalay ako at hinihingal. Parehong lasing ang mga mata naming nakatitig sa isa't-isa.
"I'm crazy for you too, baby." he whispered softly.
Naguguluhan ako. He's crazy for me but he's going to marry Cara? Paano nangyari 'yon? Cheater? He's a cheater! He shouldn't kiss me and I should not kiss him too! Ang ginawa namin ay pagtataksil sa kanyang mapapangasawa.
Hindi ko maintindihan kung bakit pumunta pa siya dito? Bakit sinadya niya pa talaga na puntahan ako. Para sa ano? Is he looking for a challenge? Kasi noon ako ang humahabol sa kanya at pinupuntahan siya? Kasi noon nagagawa ko pang gawin ang gusto ko sa kanya kasi baliw ako sa pagmamahal na meron sa kanya? Ganoon ba?
He's here because he wants a challenge. Kasi walang challenge kay Cara? But Cara loves him! That's what she said on his phone! She loves Gavriel so much! And they are old enough to get married! Kaya bakit nandito 'to? Sa anong rason at nandito siya?
"Umuwi ka na." malamig kong sabi.
He shook his head. Pungay ang kanyang mga mata ngayon.
"Hindi ako uuwi." sagot niya.
Nakipagtitigan ako sa kanya.
"Anong rason at hindi ka uuwi? Are you looking for a challenge, Gavriel? Dahil ba wala kang maramdaman na challenge kay Cara at nandito ka ngayon sa akin? Is that your reason?" may riin ang boses ko.
He sighed then shook his head again. Tumingin siya sa mga mata ko. Igting ang panga pero pungay ang mga mata sa akin.
"I'm not going to marry her. I'm done escaping and telling myself that I need someone like me. I'm done listening to your father's rant about taking you. I'm done with it and running away because I don't want to lose you to other men." pagod ang kanyang boses.
Kumunot ang noo ko. What? Bakit nasama si Papa dito? Tsaka anong sinasabi niyang hindi niya papakasalan si Cara? Why? Chickening out?
"Catañia, there's a reason why I can't give myself to you and I don't want you to hate the mastermind for that reason. I'm done following rules. I'm not a toy to follow any of it! Kaya nandito ako, trying to fix myself with you." nanghihina siya.
Naguguluhan talaga ako. Ayaw niyang kamuhian ko ang tao sa likod ng kanyang rason? Bakit? Sino ba? At bakit ganito ang kanyang sinasabi sa akin? What rules is he talking about here? He's following rules? Nino? Sino? At bakit may rules at para saan 'yon?
"Let's go home. I'm tired." aniya at hinawakan ang kamay ko.
Sumakay ako sa kanyang kotse na dala. Naguguluhan pa rin talaga. Now, my mind is asking about the rules and the person for that reason. Does that moles have a big part of my life?
Tahimik ako at sini-sink-in lahat ng sinabi niya. Kaunti palang yon pero gulong-gulo na ako. Paano pa kaya kung sabihin niya ang lahat? He has a damn reason why he can't give himself to me! That reason is a big part of my life. Hindi susunod si Gavriel sa kahit kaninong tao kasi kilala ko siya, kahit magulang niya hindi siya kino-kontrol. Hindi na ako mapakali at gusto kong malaman ang lahat para isang bagsakan nalang.
"Tell me, who's controlling you?" I asked him.
Hawak niya ang kamay ko at naglalakad na kami papunta sa pinto ng dorm ko. He didn't answer but he opened the door of my room. Nang makapasok, he locked it. Nilagay niya ang bag ko sa sofa at tinanggal ang suot na sapatos. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Sabihin mo sa akin ang lahat, Gavriel!" I demand.
Tumingin siya na pagod ang mga mata.
"Hindi kita maintindihan! Sabihin mo sa akin ang lahat! Naguguluhan ako at gusto kong malaman kung bakit ganito at bakit nandito ka! Stop dwelling on that reason of yours!" I shouted.
Hindi pa rin siya nagsalita. Titig lang siya sa akin. Lumapit ako at hinampas ang kanyang dibdib at balikat. My tears started to pour.
"Sabihin mo sa akin! I need a fucking reason!" I cried now.
He sighed heavily.
"Baby... don't cry please?" he said softly.
Umiling-iling ako at mas lalo siyang pinaghahampas. He accepts all my punches and scourges.
"Tell me! Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi sa akin--"
He dried my tears and then cut me off.
"It's your father, Catañia."
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 5: Tying Childish Love
RomanceStatus: Ongoing Start: April 12, 2024 Eponine loves Marius for her heart. But Marius loves Cosette. Iyon ang kwento na gustong baguhin ni Catañia, ang babaeng nagmamahal na hindi minahal pabalik. Gusto niyang baguhin ang kwento ni Eponine at gusto...