Kabanata 9

468 24 5
                                    

Kabanata 9

Deserve


Humarap ako sa kanya na umiiyak ang mga mata. Those painful words are killing my heart right now. Sapat na iyon upang tapusin na itong kahibangan ko. Sapat na iyon upang ayusin ang sarili mula sa pagkakalugmok. Siguro naman, tama lang ang ginawa kong paglaban sa nararamdaman? Tama naman 'yon diba?

"I-isang linggo kong pagtira dito, ni isang ginawa ko, wala ka manlang naramdaman? Kahit manlang isa?" basag kong sabi.

Napahinga siya. I wiped my tears.

"Wala. Purely a little sister." malamig niyang sagot.

"What's with the caressing and kisses huh? What's the meaning of it?" I spat.

Sumeryoso ang kanyang mukha.

"It's just purely a brotherhood intention, Catañia." he said directly.

Ngumisi ako habang tumutulo ang luha sa mga mata. Minsan, dadating ang punto na didilim ang lahat sa paligid. Para bang dead end. Para bang sinasabi ng nasa isip ko, this is the finish line. Kaya naisip ko, tama pa ba itong nilalaban ko? Tama pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya?

Bata man akong tignan at edad ko, but I'm pretty sure that what I have for him is deep and true. Kaya hindi ko magawang pigilan ang sarili. Kasi alam kong hindi lang infatuation or crush itong nararamdaman ko sa kanya. This is deep. This is something that I can't let go. Pero gaya nga sa katapusan ng kwento ni Eponine, susuko ako para bigyan naman ang sarili ng kahalagahan.

"I-i love you but it's ruining my life." basag kong nasabi.

Hindi ko alam kung paano ako nakatakas sa araw na iyon. Bitbit ang travel bag na dala ko, tulero at tulala pero ng makaupo sa bay malapit sa sentro ng syudad, bumuhos ang mga luha sa mata. Pighati. Pagsuko. Pagod. At kahalagahan sa sarili. Iyon ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Sabi nga sa kanya, ang pagmamahal ay walang kapalit. Hindi ka man mahalin ng taong minahal mo, at least, you try to feel it. At least, you try to fight for it. Iyon naman ang mahalaga. Sinubukan mong ilaban kahit alam mong sa huli, masasaktan ka lang.

Sa mundo na walang kasiguraduhan, piliin ang sarili na siyang makakapitan sa hirap at saya. That night, I booked hotel. I'll stay here for weeks since I'm just waiting for the concert before I leave for home. Sana pala hindi nalang ako bumili ng ticket. Well then, I should celebrate it with myself. Hindi madali ang pinagdaanan ko. Kaya tama naman siguro na manood ako sa concert at kahit sa huling pagkakataon, maging masaya bago umuwi sa reyalidad ng buhay.

"Mommy, I'm okay here. Uuwi na ako soon. I miss you and dad." mahina kong sabi sa harap ng Skype.

Isang linggo ng matapos akong umalis sa dorm ni Gavriel. Malaki na ang naubos kong trust fund. Pero isang linggo at ilang araw nalang naman uuwi na ako.

"Mugto ang mata mo, anak. What's wrong?" iyon ang napansin ni Mommy.

I smiled sadly.

"I'm f-fine, Mom. Medyo naaaliw lang dito sa America tapos nami-miss ko kayo." palusot ko.

She sighed. My mother is the most understanding woman I ever know. She will do everything for me. She spoils me. Well, they spoil me. Lahat ng gusto ko ay nakukuha sa kanila. Kaya siguro ang kaisipan na makuha si Gavriel ay malaking kahibangan. Pangarap nalang iyon na hindi na dapat pang abutin.

"I was in your shoes back then, anak. I aim for your father to love me back. Well, he loves me. But for you, as your mother, please, stop and let it go, hija. Sometimes, love makes us believe the magic of it, but truthfully, it has a bad side also." she pointed.

Now, tears started to shred again. Kakaiyak ko lang kanina tapos iiyak na naman ako ngayon. Ang babaw ng luha ko.

"Giving up is not cowardice. Giving up for love means giving up to open for yourself. It's time to think for yourself, hija. Hindi umiikot ang mundo sa iisang tao. Hindi matatapos ang pag-ikot ng mundo sa isang tao. Move on, stand and start again, but this time, the better version of yourself." she advised.

I smiled while tears were pouring. Maging si Mommy ay umiiyak sa kabilang video.

"Do not aim for just enough, Catañia. Aim higher than just enough." iyon ang baon ko sa mga sumunod na araw.

To bore myself, naghanap ako ng susuotin sa concert. I picked a shiny dress like her Midnight album. Well, as a fan, this will be a celebration for myself. Pagkatapos nito, uwian na. Haharapin ko na ang buhay ng reyalidad. Haharapin ko na ang buhay kung saan totoo ang lahat. Haharapin ko na si daddy at Kuya.

Medyo nakakaubos ng pera ang America pero sulit naman. Kahit ilang pera na ang naubos sa trust fund ko, mababawi ko naman 'yon kapag makapagtrabaho na ako, what I need now is the memories.

"Where are you staying now, Catañia?" seryosong bungad ni Kuya sa kabilang linya.

I smiled at my brother. Kamukha talaga ni daddy.

"Near the city, Kuya. Why? Wait, why are you calling me?" sagot ko sa kapatid.

He sighed seriously.

"Daddy is worried, baby. Kailan ka uuwi?" he said softly now.

"Malapit na. May papanoorin lang akong concert tapos uuwi na ako." sagot ko.

"Mag-iingat ka dyan. You didn't tell me your vacation there. I'll send you money for your allowance there, baby." aniya pagkatapos ng maikling pag-uusap.

Ngumiti nalang ako sa Kuya ko. Uuwi talaga ako pagkatapos ko dito. Hindi naman pwedeng manatili dito gayong kailangan kong bumalik sa pag-aaral at ayusin ang sarili.

Ngumiti ako sa harap ng salamin pagkatapos ng ilang araw na paghihintay. Nakangiti man pero kitang-kita ang lungkot sa mata ko. Ganyan ang buhay.

Life goes on.

Light make-up, braided hair and just a shiny dress for my Eras Tour outfit. Sayang ang isang ticket pero iniwan ko naman 'yon sa dorm niya. It's up to him if he will show up in the concert.

Sakay ng taxi, pumunta na ako sa venue. Malayo ang SoFi Stadium, Las Vegas pa iyon pero dahil maaga akong bumiyahe, nakarating agad. Marami ng tao sa labas ng stadium. Iba't-ibang tao, iba't-ibang kasuotan, at iba't-ibang lahi. Ngumiti ako sa sarili dahil hindi naman ito ang pinunta ko dito pero nandito ako ngayon, manood ng concert ng iniidolo kong singer.

Napabuntong hininga ako at sumabay sa mga taong gaya ko, excited na rin sa show. Para maibsan lang ang nararamdaman kong sakit sa puso. Para naman kapag umuwi ako, masaya akong tignan. I deserve to be happy.






A.A | Alexxtott

Chasing Series 5: Tying Childish Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon