Capitulo Veinte-Cuatro
HUMINGA ako ng malalim bago lumabas ng aking silid. Kahit pa tumagal ako rito ay hinding-hindi ako makakatulog lalo na't paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang nangyari kay Seraphim kahapon. Tumigil ang aking mundo nang makita ko kung paano siya nadulas sa gilid ng bangin. Kung hindi ko kaagad nahawakan ang kanyang kamay...
Mariin akong pumikit. Pinipilit kong iwaksi ang pangyayaring iyon ngunit lalo lamang itong tumatatak sa aking isipan. Na posibleng muli iyon mangyari. Na kung sakaling maganap iyon at wala ako, hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa oras na makita si Seraphim na walang buhay.
"Magandang umaga, señor Saenz!" bati sa akin ng mga criada ng aming pamilya. Ilang oras nang makauwi kami ni Seraphim ay pinatawag ko si Aling Martha upang ipaalam sa kanya na pinababalik ko na ang mga taong nagtatrabaho rito sa bahay. Naisip kong hindi dapat nagtatrabaho ng gawaing bahay rito si Seraphim dahil isa siyang espesyal na tao para sa akin. Mas mainam na maging maganda ang kanyang pamumuhay rito habang siya'y nandito sa aking puder. Lahat iyon ay napagtanto ko nang dahil sa muntikan na malagay sa panganib ang kanyang buhay.
Tumatango lamang ako sa bawat pagbati sa akin ng mga criada. Wala pa akong lakas para batiin sila. Tila ba'y nilalamon pa rin ako hanggang ngayon ng takot sa mga kaganapang nangyari kahapon. Kung maaari lang ay manatili na lamang sa loob ng bahay si Seraphim ngunit hindi ko naman pwedeng ipilit ang nais ko.
"Señor? Señor Saenz."
Ilang beses akong kumurap bago ko napagtanto na nasa aking harapan na pala si Aling Martha. "Ano ho ulit iyon?"
Matipid na ngumiti sa akin si Aling Martha. "Señor Saenz, may nais po ba kayong ipaluto para sa inyong almusal ng binibini?"
"Binibini?"
"Ang binibining inyong bisita."
"Picadillo. Nais kong iluto mo po ay picadillo. Matagal na ng huli akong nakakain ng luto mo pong iyon."
Marahang tumango si Aling Martha. Bakas sa mga mata ang kasiyahan dahil sa aking sagot. Isa si Aling Martha sa nagpalaki sa akin kaya isa sa nakalakihan ko ang mga primera clase na luto nito. "Bueno maiwan na muna kita, señor. Para luto na ang picadillo bago magising ang binibini." Muli itong nagpaalam sa akin bago ako tuluyang iwanan.
Dumako ang aking tingin sa labas ng bintana. Marahil ay alas cinco pa lamang ng umaga kaya may kadiliman pa sa labas. Natitiyak kong natutulog pa rin ngayon ang binibining laman ng aking isipan. Huminga ako ng malalim at nagmadaling bumaba. Eksaktong nakasalubong ko si Mang Ceasar-ang asawa ni Aling Martha.
"Magandang umaga, señor-"
"Ihanda mo ang kabayo. Ako'y pupunta sa parang." Kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang aking isipan. Kaagad na naibigay sa akin ni Mang Ceasar ang kabayong palagi kong ginagamit kapag ako'y pupunta ng parang. Iyon ang hangganan ng Hacienda Saenz at Hacienda Irabon.
Mariin akong pumikit habang sakay sa aking kabayo. Iba't ibang senaryo ang pumapasok ngayon sa aking isipan. Mga alaala na kasama si Seraphim.
"Masaya! Ganito pala ang feeling ng nakasakay ng kalesa. Feeling ko prinsesa ako ngayon dahil sa iyo. Salamat, Manuel."
Mga ngiti niya na kay sarap pagmasdan. Mga dalisay na ngiti na tila bihira lamang gumuhit sa kanyang mga labi.
"Hindi ko magawang makatulog. Medyo natutuwa ako sa pagsakay ng sinaunang version ng tren. Ang galing lang."
Ang kasiyahan sa kanyang marikit na mukha. Hindi ko napigilan ang aking sarili na ngumiti.
"Mamaya, in love ka na sa akin kaya ka nahuhumaling sa akin."
Nabura ang ngiti sa aking mga labi. Isang realización ang naging dahilan ng pagkaunawa ko sa aking nararamdaman ngayon. Umiibig na ba ako sa binibining tumutuloy sa aking tahanan?
Inilihis ko ang ronda ng aking kabayo pabalik sa bahay. Ilang minuto lamang ang lumipas nang matanaw ko ang bahay. Kitang-kita ko ang pagpunta ni Seraphim sa azotea. Mabilis akong bumaba sa kabayo nang malapit na ako dahil sa sabik na malapitan ang binibini. Napagtanto ko na hindi na kailangan pang itanong kung umiibig na ba ako sa kanya dahil totoo ang aking nararamdaman. Sinisinta ko na ang binibini.
Pinagmamasdan ko ang kanyang bawat kilos. Bumagal ang aking paglalakad nang biglang bumilis ang kilos ng paligid. Tila ba'y nakikita ko sa aking harapan ang mabilis na pagbabago ng panahon. Kami lamang ni Seraphim ang nananatili sa aming kinatatayuan. Kitang-kita ko ang iba't ibang tao na pumapasok sa aming tahanan at kasama na roon si Ate Victoria at ang kanyang sariling pamilya. Nakita ko rin ang pagpasok ni Seraphim, suot ang damit noong una naming pagkikita.
Sa senaryong iyon natapos at bumalik na sa dati ang paligid. Nakapikit sa harapan ko si Seraphim at seryoso ko siyang pinagmasdan. Sumakop ang takot sa aking sistema. Unti-unting lumalabo ang katawan ni Seraphim. Nais ko siyang hawakan ngunit tila natuod ako sa aking kinatatayuan.
Dahan-dahang dumilat si Seraphim sabay nito ang pagbalik sa normal ng kanyang katawan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Good morning!"
"Bakit ka ba napunta sa panahong ito, Seraphim?" Hindi ko napigilang itanong sa binibini dahil punong-puno ng pangamba ang aking dibdib. Pangamba na baka maulit muli ang kaninang aking nasaksihan. Na baka mawala ang binibining ito sa aking harapan na tila isang multong biglang mawawala.
BINABASA MO ANG
Una Vez en Diciembre
Historical FictionDahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na...