RONI POV
It's been six months na ng wala si Borj. Maraming nagbago sa aming lahat. Nakalipat na kami sa apartment nila Jelai at Missy. Nagwowok kaming tatlo sa Makati pero sa magkakaibang industry. The best lang sa lahat ng nangyari sa anim na buwan ay ang maisipan naming magsamang tatlo sa isang bahay para pag may problema man ang isa sa amin ay literal na isang katok lang magkikita at magkikita kami agad. After work ay sabay sabay kaming kumakain. Kapag naman weekend ay kahit hindi na kami lumabas ay nakakapagbonding kaming tatlo sa bahay.
Dahil weekend ngayon ay pupunta kami sa restobar nila Basty dito lang din sa Makati. Kapag wala kaming magawa ay lagi kaming nandito lalo na ako dahil malapit lang to sa opisina namin.
Si kuya naman ay naiwan kasama nila mommy dahil sya na din ang pinagmanage nila mommy ng family business namin para maenjoy na nila ang life at makapagtravel naman.
Dinner time ang usapan naming magkakaibigan na magkita sa restobar pero dahil laging maaga ang mga boys ay nandun na sila at hnihintay na kami. Pinakain ko muna si Coco, yung alaga kong shitsu na bigay ni Borj, bago kami umalis.
Nag-grab na lang kaming tatlo para mabilis kaming makarating sa restobar dahil malamang ay nagagalit na yung mga boys.
Jelai: Missy, kanina ka pa nag-aayos sa bahay hanggang dito ba naman sa sasakyan.
Missy: Sorry na para pag nakita ako ni gummybear ay magandang magandaa ko.
Roni: Hayy, sis – maganda ka na naman talaga kahit wala pang kahit na anong burloloy.
Missy: Thank you sis, buti ka pa sinusuportahan mo lang ako hindi kagaya ng isa dyan purkit makikita si Junjun sobrang nagmamadali.
Jelai: Sorry na – ilang linggo din kami hindi nagkita.
Roni: Linggo ka dyan parang ilang araw lang yun!
Missy: Tama! Sya pinakamadalas sa apartment natin.
Sa kakatalo naming tatlo ay hindi namin namalayan na nakadating na kami sa pupuntahan namin. Pagkababang pagkababa namin sa sasakyan at niyakap naman kami ng mga boys.
Roni: Basty! Magkakasama lang tayo nung isang araw dito.
Basty: Ay sorry, nadala lang –
Jelai: Namiss namin kayo Yuan at Tonzy.
Yuan: Namiss ko din kayo lalo na tong little sis ko. Lagot ka kanila mommy napapadalang ang pag uwi mo.
Roni: Sorry na kuya ang dami naming ginagawa ngayon.
Tonzy: Oh sya! Tara na sa loob at may dinner kaming hinanda sa inyo.
Kapag nandito kami sa restobar ay meron kaming sariling private place sa rooftop merong bilyaran, playstation, arcade machines at meron ding maliit na bahay sa taas na kasya kaming lahat kapag nagoover night kami dito.
Pinagawa talaga yun ni Basty kay Tito Rick para kapag gusto naming magkita-kita ay hindi na kami lalayo.
Pag-akyat namin sa rooftop ay nakasetup na yung mahabang table na puno ng pagkain at drinks. Iba talaga tong mga kaibigan namin. We're so blessed na walang napariwara saming magkakaibigan.
Habang nagkwekwentuhan kaming magkakaibigan ay naalala naman nila na malapit na akong magbirthday kaya tinatanong nila ako kung anong plano ko sa birthday ko.
Jelai: Sis, anong plano mo sa birthday mo?
Roni: Magwork para magkapera.
Yuan: Ano ba naman yan sister – lagi na lang work ang inaatupag mo. Sobra pa din bang mag-utos yang boss mo?