My tears fall continuously while Zillex drying it using his thumb. Dalawa na silang nagpapakalma sa akin ngunit tila masyado paring dumadaloy ang emosyon sa sistema ko na hindi ko mapigilan.
"A-Akala ko.. k-kukuhanin niya k-ko.. a-ayoko d'on." I cried helplessly.
Narinig ko ang mabibigat nilang paghinga habang sunod sunod na nagmumura. Sinapo ni Zillex ang mukha ko at pinatakan ako ng halik sa noo.
"Shh.. I won't let that happen.. please don't cry, baby." he whispered and caressed my face.
Hinapit niya ako at hinayaan akong sumubsob sa balikat niya habang mahinang umiiyak.
Hinayaan nila akong ilabas lahat. Halos nalukot na ang damit ni Zillex sa higpit ng hawak ko d'on, kahit ang parteng balikat niya ay basa na'rin ng luha ko.
As I calm down, maingat akong lumayo sa katawan ni Zillex at tinuyo ang sariling luha. Ngunit natigil din kalaunan ng sapuhin ni Zillex ang kamay ko.
"What happened here?" his face hardened as he examined my swollen hand.
Naramdaman ko ang paglapit ni Dalton sa aking likod upang tingnan din ang tinutukoy ni Zillex.
Napalingon ako dito ng kuhanin niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Zillex. Maingat niyang hinaplos ang mga pasa d'on, sobrang ingat na para bang sa isang maling galaw niya ay masaktan ako.
"Who did this to you?" his jaw clenched, his voice was so dark that I could help but to flinch in fear.
Ng makita niya ang naging reaksyon ko ay lumambot ang itsura niya. "I'm sorry, I didn't mean to scare you.." he looks apologetic as he looked at me.
Nakagat ko ang ibabang labi at bumagsak ang tingin sa aking kamay. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Adee.. sino ang gumawa nito? it is Declan?" mariin ngunit maingat ang pagkakatanong ni Zillex sa akin.
Mas lalo akong nawalan ng kibo dahil ayaw kong malaman nila. Or they just acting that they didn't know? isa na naman ba sa palabas nila?
"B-Bakit kayo nandito?" imbis ay baling na tanong ko sa kanila.
Napatigil silang dalawa at tila natauhan. They both looked away and cleared their throat.
"You didn't attend Ember's birthday." sagot ni Zillex sa akin.
Kumunot ang noo ko at halos tumalim ang tingin sa kanya ngunit ikinalma ko ang sarili. They didn't want me there tapos ngayon magtataka silang hindi ako umattend.
Ga'non ba sila kagaling umakto?
"Hindi ba 'yon ang gusto niyo?" matabang kong sabi na ikinahinto nila.
Zillex's forehead creased because of what I said. "What?"
Hindi ako nagsalita na mas lalong nagpabahid ng pagtataka sa mukha nila. Ako nga ang dapat magtaka, bakit pilit pa'rin silang lumalapit kung ayaw din lang naman nilang makita ako?
"Anong 'yon ang gusto namin, Adee?" bakas ang kaguluhan sa mukha ni Dalton ng sinabi niya 'yon.
Dapat ba akong maniwala? dapat ko bang isipin na wala silang kinalaman d'on?
I just looked at them, walang sinasabi. Dahil baka sa oras na magsimula ako at magtuloy tuloy na ay hindi ko na mapigilan.
Zillex's jaw ticked. "Hindi ka pinapasok?" he asked in disbelief.
Hindi pa'rin ako nagsalita at hinayaan na kusa nilang mapagtagni-tagni ang lahat dahil sa sinabi ko.
Hinawakan ni Zillex ang magkabilang balikat ko, ramdam ko ang panginginig n'on. Matalim ang kanyang tingin at nararamdaman ko ang pagbangon ng galit niya.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...