CHAPTER 30

23 0 0
                                    

Third Person's Pov:

Pa lipad na ang eroplano nila Samir papunta sa Scotland kung saan nakatira ang parents ni Samir. ''Are you excited?'' Tanong ni Samir kay Wei. ''Yes!'' Excited na sagot ni Wei habang hatak hatak ang maleta nito papunta sa eroplanong sasakyan nila papuntang Scotland.

Nakasakay na sila at lilipad na ang eroplano, kasama ni Wei ang buong pamilya niya, sumama rin si Ben sa kanila sa kadahilanang nag away daw sila ng kanyang Daddy. ''Ben siguradong ayos ka lang?'' Nag aalalang tanong ni Wei kay Ben na katabi niya at sa kaliwa naman niya ay si Ben sa kanan niya naman ay si Samir. ''Yeah, don't worry about me, excited na rin akong pumunta ng Scotland.'' Pilit na ngiting sagot ni Ben sa kanyang at tumingin ulit ito sa bintana ng eroplano. Nagkatinginan naman sila Wei at Samir.

''He will be okay, babe, I know that guy will follow him here.'' Paninigurado ni Samir kay Wei. Tumango lang si Wei sa kanya at binalingan ulit ng tingin si Ben na halatang malungkot. Magpapasko pero ganyan pa ang nangyari kay Ben, yon nalamang ang nasabi ni Wei sa kanyang isip.

''Ben kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin ha, mag pahinga kana muna dito sa eroplano isantabi mo muna yang mga problema mo. Mag eenjoy ka sa Scotland kasi maglilibot tayo doon.'' Nakangiting sabi ni Wei kay Ben na nakapag pangiti dito at tumango lang sa kanya.

Nakatulog din si Ben sa biyahe at ikinapanatag yon ni Wei dahil halata sa mukha nitong wala pa itong matinong tulog. ''Naiinis na ako kay Ben hindi ko alam kung ano talagang nangyari sa kanila ni Tito at bakit hindi niya kasaama ngayon si Ton?'' Nalulungkot na sabi ni Wei kay Samir. Hinawakan naman ni Samir ang kamay ni Wei. ''Sasabihin naman niya kapag handa na siya, let him be. Ang magandang gawin is make him enjoy the Christmas so he won't be sad babe.'' Sagot ni Samir kay Wei na ngumiti na sa kanya.

''Napaka understanding mo talaga babe, sige babe mag sleep muna ako gising mo nalang ako kapag nag pa snack na sila.'' Paalala ni Wei kay Samir. Natawa naman si Samir sa sinabi ni Wei sa huli kaya tumango nalang siya. Sumandal naman si Wei kay Ben gamit ang isa pang unan, kinumotan naman ni Samir si Wei at Ben at hinayaan silang magpahinga. Pinicturan niya ang dalawa.

''Hindi muna niya kasi inayos ang gusot niya sa Australia bago magmahal ulit. He is really stubborn.'' Ang bulong ni Samir habang nakatingin kay Ben na mahimbing na natutulog at kay Wei na nakasandal kay Ben.

◇◇

Napa unat unat nalang si Wei pagkababa nila ng eroplano ay damang dama agad ni Wei ang lamig ng palagid. ''God! Winter na pala sa Scotland sobrang lamig!'' Nanginginig na sabi ni Wei. Kaagad naman sila pumasok sa loob ng airport at buti nalang hindi kasing lamig ng temperature sa labas ang temperature sa loob. ''Shockss, kulang pa ata ang dala kong sweater and jacket. I need more clothes!'' Sabi ni Wei. May biglang lumapat na mainit na bagay sa kamay niya, warmer pala yon na binili ni Samir para sa kanya.

''I bought this for you, alam ko kasing lalamigin ka talaga hindi kapa naman sanay sa malamig na lugar.'' Nakangiting sabi ni Samir. ''Salamat babe.'' Pasalamat naman ni Wei kay Samir. ''Ehem lovers tara na, nauna na sila Mama Zia sa labas, nandon na ang sundo natin.'' Tikhim ni Ben at yaya niya sa kanila para lumbas na ng airport. Natawa naman si Samir kay Ben dahil kitang kita ang pagka bitter nito sa mukha niya.

''Ikaw talaga Ben kahit kailan panira ng moment halika na nga!'' Naiinis na sabi ni Wei at hinatak na si Ben habang hawak hawak naman niya sa kabila ang warmer na binigay ni Samir. Nasa likod lang nila si Samir at nakasunod sa kanila papalabas ng airport.

Nasa biyahe na sila papunta sa village nila Samir, nasa 4 hours din ang magiging biyahe nila papunta doon. ''Grabe ang gaganda ng mga bahay dito, ikumpara mo sa Pilipinas.'' Manghang sabi ni Ben habang nakatingin sa mga bahay na nadadaanan nila.

''Ben, iba ang life dito sa Scotland wag mong ikumpara sa bansa natin, ikaw talaga! Kailangan mong mag enjoy dito hindi mag kumaparahan kung anong nararating sa buhay ng mga tao dito at doon sa atin.'' Pailing-iling na sabi ni Wei kay Ben. Tinawanan lang siya ni Ben.

''We're here!'' Masayang balita ni Samir sa kanila. Bumungad sa  kanila ang malawak na garden, malaki rin ang bahay na bumungad sa kanila. Huminto ang van na sinasakyan nila at lumabas naman ang mga kasambahay at binuksan ang van. Lumabas naman na sila ng van at manghang mangha sa ganda ng lugar at bahay nila Samir. ''Sobrang yaman niya talaga!'' Puri ni Ben.

''My parent's, but not me. Let's go inside they might waiting for us.'' Yaya naman ni Samir sa loob. Pag kapasok palang nila sa malaking pintuan ay bumungad na ang nakahelerang mga katulong nila at sa may dulo ay may tatlong taong nakatayo. ''Welcomd to the Loughty mansion!'' Sabay sabay na welcome ng mga taong nakahelera sa hallway.

Nagulat naman sina Wei sa nangyari, dahan dahan namang naglakad palapit sa kanila ang magulang ni Samir. ''Welcome to our mansion, I'm Heranadeth Loughty, and this is my husband Ziolvie Loughty. I'm sorry if our other son is not here. He's been busy lately, but welcome here.'' Bati nito sa kanila.

''We are glad to meet you madame and this is my family.'' Bati pabalik ni Lola Amora. Nagpakilala naman silang lahat sa kanila. ''I'm Ziania Sebastian, and this is my daughter Bellatrix Schön and my son or daughter Weiner Schön and my mom Amora Hidalgo  and my dad Georgie Sebastian.'' Pakilala ni Zia sa kanyang mga anak sa magulang nito.

Nilahad naman ni Zia ang kamay niya at tinanggap naman yon ng magulang ni Samir. ''We are glad to meet you all, especially you, Wei, Samir keep talking abour you over the phone and Laila is very excited to meet her new papa.'' Nakangiting bawi nita sa kaniya.

''I'm very excited to meet her too, auntie.'' Sagot ni Wei. ''Oh my, you don't have to call me auntie, a momi is better, and let's go inside of the living room, so you guys won't feel the cold outside.'' Yaya nito sa kanila. Nagsipasok naman silang lahat sa loob at umupo sa malaking couch. Sobrang linis ng buong lugar at kitang kita na ang reflection sa mismong salamin. Tuwang tuwa doon si Wei. ''We are glad that you gonna stay here for Christmas and our Son Samir is here now.'' Natutuwang sabi nito sa kanila na ikinangiti nilang lahat.

Magsasalita sana si Wei ng may matinis na boses na tumatawag sa pangalan ni Samir at pababa ito ng hagdan. Gusto lumingon ni Wei pero bigla siyang nahiya kaya nanatili nalamang siya nakatingin sa pader ng mansion. ''Ang cute niya sa outfit niya.'' Sabi nalamang ni Wei sa kanyang isipan habang nakatingin sa pader ng mansion.

#TSSOL
#SamWei

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now