Masyado yata akong nadala sa mga sinabi ni Austin kaya parang gusto ko syang halikan pero bago ko pa man magawa yun ay may bigla na lang kumatok sa pinto. Agad akong kumawala sa pagkayakap nya at saka bumangon. Bigla nalang nagsipasok ang tatlong kaibigan ni Austin at nakita ko kung gaano rin sila nagalala para sa kanya.
"Bro! Anong nangyari?"
"Napuruhan ka ba?"
"Kailangan ba nating rumesbak?"
"Ok lang ako, wala 'to."
"Ahm...Austin, lalabas muna 'ko. Maiwan ko muna kayo."
Pumunta muna ako sa cr para magayos ng sarili ko at pagkatapos ay umupo ako sa bench malapit sa labas ng pinto ng room ni Austin. Kinuha ko ang phone ko at nagulat na lang ako dahil sobrang dami ng missed calls ni Natalie sa akin. Halos malowbat ang cellphone ko dahil sa kanya. Habang on the way kasi kami sa ospital kanina ay tumawag sya sakin kaya nabanggit kong pupunta kami ni Austin sa ospital. Siguradong nagaalala na yun kaya tinext ko na agad sya bago pa tuluyang mamatay ang phone ko. Maya-maya pa ay papasok na sana ulit ako sa loob ng kwarto pero narinig ko ang usapan ng magkakaibigan kaya napatigil ako.
"Seryoso ka ba bro? Handa ka talagang masaktan para sa kanya?"
"Alam mo Austin kung mauuwi lang sa ganito ang pakikipaglaro mo sa babaeng yan mas mabuti pa sigurong itigil mo na."
"Tama si Sevi. Tapusin mo na agad 'to."
"Hindi mo pa rin ba sya nakukuha kaya hindi mo pa maiwan?"
"Ngayon lang yata nangyari yan bro ah? Three months na hindi ka pa rin nakakascore?"
"Ano nang nangyari sa MVP ng team?Mukhang olats na ang idol ko ah."
Dahil sa mga narinig ko ay nagpasya na 'kong umalis. Noong palabas na ako ng ospital ay nakasalubong ko ang Daddy ni Austin kaya nagpaalam na ako sa kanya habang sya naman ay todo pasalamat pa rin sa pagdala ko kay Austin dito sa ospital.
Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang isipin ang mga narinig ko. Dahil doon ay parang bigla akong natauhan, laro nga lang pala ang lahat ng ito. Umabot na kami ng tatlong buwan pero hanggang ngayon wala pa rin yung eksenang pinangako ko kay Natalie.
Hindi muna ako umuwi nung gabing yun. Nagpakasaya at nagpakapagod muna 'ko sa pagsayaw sa bar para kahit sandali lang ay makatakas ako sa mga iniisip ko. I was tipsy nung umuwi ako sa bahay at nadatnan ko si Natalie sa salas.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa 'kong nagaalala sayo dito! Si Austin, kamusta sya?"
"Ok na sya wag ka nang magalala. Alam mo naisip ko nga na siguro oras na para sa ending ng palabas na 'to. Handa na syang mamatay para sakin kaya magready ka na!"
"Ano? Teka nga, nakainom ka ba? Malorie, wag mong sabihing parte ng mga plano mo ang nangyaring 'to kay Austin?"
"What?"
"Ano ka ba? Hindi ko naman sinabi na saktan mo sya sa pisikal na paraan! Bakit mo naman ginawa yun?"
"You're right...parte nga 'to ng plano ko! Masyado na kasing matagal 'to kaya nagsasawa na 'ko!"
Matapos kong sabihin yun ay pumunta na ako sa kwarto ko at dumiretso sa cr ko para maghilamos. Hindi ko maintindihan kung bakit pumapatak ang mga luhang 'to mula sa mga mata ko. Hindi pwede 'to, hindi ako pwedeng matalo sa larong 'to. Agad kong pinahid ang mga luha ko at nagayos ng sarili. Maya-maya pa habang nakahiga na ako ay biglang tumawag si Austin.

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?