I tapped Austin's shoulders to stop him from kissing me baka kasi may makakita pa samin. I laughed when I saw the smudge of my lipstick on the side of his lips so I pulled out some tissue from my bag at marahan ko yung binura saka ko inayos ang neck tie nya habang pinunasan nya rin ang kumalat na lipstick sa labi ko.
"Ang sarap ng appetizer ko mukhang mapaparami ang kain ko nito."
"Love!"
"Let's eat! Anong niluto mo?"
"I cooked beef stroganoff, I just craved for this. Here, try it."
Sinubuan ko sya habang nakakandong pa rin ako sa kanya at nakayakap pa rin sya sa bewang ko.
"How was it?"
"Mmm...masarap! Misis na misis ka na talaga ah?"
"I'm glad you liked it."
Masaya kaming kumain ng lunch. Pagkatapos ay inilibot ko ang tingin ko sa opisina nya. His family owned a hotel and resort business. Namana pa 'to ni Daddy sa parents nya at sya na rin talaga ang nagpalago nito kaya sobrang hanga ako sa kanya.
"Do you want to stay here with me for a while? I just need to revise some documents then I'm free to go."
"Ok, take your time."
"Let's visit our condo later. The interior should be done by now. I want you to see it baka may gusto ka pang baguhin dun."
Austin made sure to ask for my opinion first pagdating sa interior design at mga gamit sa titirhan naming condo at pati na rin sa bawat plano at desisyon nya para sa future namin.
Gaya ng sinabi nya, we went to our condo. Everything was so perfect, pwede na talaga kaming lumipat doon. After visiting our condo ay naggrocery na rin kami.
"Love, sobrang dami nyan. Ano ka ba ibalik mo nga yan!"
"Why? We will need these."
"Yeah, pero hindi ganyan kadami. Two is enough, ok? Alam mo halatang first time mo lang sa grocery."
"Of course not!"
"Really? So tell me, when was the last time you did a grocery? Huh?"
"Ahm..."
"See?"
"Hey, I remember. The last time was... nung dinala kita sa orphanage. I bought you some stuff."
"Yeah right at hanggang ngayon natitira pa rin yun. Sobrang dami mo kayang binili."
"Nagagamit mo pa rin naman e so at least it didn't go to waste."
"Love, from now on kailangan na nating matuto na magbudget. Madami pa tayong expenses."
"Ok fine, you win."
Pagdating ng weekend ay lumipat na rin kami sa condo. Dahil day off ni Austin ay magkatulong kami sa paglilinis. Habang nagaayos ako ng mga gamit sa kusina ay nagvaccum naman si Austin. Pinagtulungan din namin ang pagkakabit ng mga kurtina at bed sheets, pagkatapos ay naupo kami sa sofa sa sobrang pagod.
"Hay...sa wakas natapos din. Love, ok ka lang? Babies...ok pa ba kayo dyan?"
Humawak sya sa tiyan ko sabay halik dito. Habang kinakausap nya ang mga baby namin sa tiyan ko ay masaya ko namang hinahaplos ang likod nya.
YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?