I was rushed to the delivery room. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I just held on tight sa stretcher while crying out in pain. Bago pa man sumara ang pintuan ng delivery room ay parang natanaw ko bigla si Austin sa labas, he was calling me.
"Austin..."
I reached my hand to him pero bigla na lang syang nawala nung tuluyan nang sumara ang pinto at hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang sakit kaya bigla na lang napatulo ang luha ko. Pagdating sa loob ng delivery room ay hinanap ko agad sya sa OB ko.
"Doc, yung asawa ko..."
"I'm sorry he's not here yet. Keep calm, you can do this."
I was confused for a moment, I knew I just saw Austin outside pero binalewala ko na lang yun at nagfocus na ako sa pagire ko dahil hindi ko na talaga kaya. Shit! Napapikit na lang ako sa sobrang sakit.
"Just do whatever I say, okay? You can deliver them normally. Now, push!"
"Aaahhh...!"
Napasigaw na ako sa sobrang sakit. Hinahabol ko ang hininga ko at pinagpapawisan na rin talaga ako ng husto nang bigla kong marinig ang iyak ng baby.
"There you go, it's a healthy baby boy. Keep on pushing Malorie, two more to go. You can do this."
Ipinatong ng nurse si Bryan sa akin at dahil dun ay parang nagkaron pa ako ng lakas para ilabas pa yung dalawa. The next one was Bryce and lastly, our baby girl Brylie. Halos mawalan na ako ng malay nung mailabas ko na silang tatlo but seeing them moving while crying so loud gave me some strength. I can't believe I'm finally holding my babies.
Nailipat na ako sa private room pero wala pa rin si Austin at kahit sina Mama. Nagtataka na ako kaya pinatawagan ko na ulit sila kay Manang. Maya maya pa nga ay parang nabuhayan ako nang sunud sunod na dumating sina Mama, Tita Natty at Natalie. They looked so worried at si Mama mukhang kakatapos lang nyang umiyak at muli pa syang umiyak nung niyakap nya na ako.
"Ma, bakit po? Everything went well. I had a normal delivery. They are all healthy. Ma...thank you, I've never imagined na ganitong hirap ang pinagdaanan mo nung pinanganak mo ako."
Lalo pang humagulgol si Mama, hinagod ko lang ang likod nya habang magkayakap pa rin kaming dalawa. Tumingin ako kay Natalie na umiiyak din, kahit si Tita Natty pasimple ring pinapahid ang mga luha nya.
"Ano ba kayo? We're supposed to be happy bakit nagiiyakan tayo?"
Nagtataka na ako dahil hindi pa rin tumitigil si Mama sa pagiyak nya.
"Ma..."
I looked at Natalie and raised my eyebrows, hoping for her explanation kung bakit nagkakaganun si Mama pero napakagat labi lang sya habang pinipigil ang iyak nya. I was so confused sa mga reaksyon nila.
"Ahm...Malorie, ikukuha ko muna ang Mama mo ng tubig."
Humihikbi pa si Tita Natty nung sinabi nya yun bago sya lumabas.
"Ma gusto nyo bang makita ang mga apo nyo?"
Dahil sa tanong kong yun ay bumitaw na sya sa akin at pinilit na tumahan. Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?