XX

26 0 0
                                    

Umuwi ako sa bahay at matapos kong halikan ang mga anak ko na kasalukuyang natutulog sa nursery room ay sandali akong nagkulong sa kwarto namin ni Austin. Umupo ako sa kama at napatingin ako sa wedding photo namin. We're both smiling on that picture. Everything was perfect pagkatapos naming ikasal. I thought magiging ganun kami kasaya hanggang dulo pero bakit ganun? Bakit nangyari 'to?

Maya-maya pa ay biglang napamulat ang mata ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Ginising ako ni Mama para maghapunan.







"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?"

"Ahm...ok lang po ako Ma. Sorry po nakatulog pala 'ko. Kailangan ko nang magbreastfeed."

"Ok lang ang mga anak mo wag mo silang alalahanin. Anak, alam kong mahirap ang kalagayan mo ngayon pero wag kang susuko. Alam kong malalampasan mo rin 'to. Malalampasan nyo ni Austin ang pagsubok na 'to."

"Opo Ma. Wag na po kayong magalala sakin. Kakayanin ko ang lahat ng ito para sa pamilya ko."

"I'm so proud of you anak!"







Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at dahil dun ay mas lumakas pa ang loob ko. Marami silang umaalaylay at nagmamahal sakin kaya hindi ko sila pwedeng biguin lalo na si Austin. Naniniwala ako na lilipas din ang lahat ng ito. Magiging masaya kami ulit.

Kinabukasan matapos kong magbreast pump ay pumunta na agad ako sa ospital. Nadatnan ko si Daddy sa labas ng ICU habang may kausap syang doktor.








"Malorie, ok ka na ba? Bakit hindi ka na muna nagpahinga sa bahay?"

"Ok na po ako Dad. Sorry po kung pinagalala ko kayo."








Ngumiti sya at tinapik ang balikat ko. Napabaling naman ang tingin ko sa kasama nyang doktor. Maganda sya at edukada talaga ang dating. Bagay na bagay sa kanya ang white coat na suot nya.









"Ah...sya nga pala si Audrey ang doktor ni Austin."

"Ahm...good morning, Doc."

"Good morning! You can just call me Audrey. It was nice meeting you. I didn't know na kinasal na pala si Austin."

"Ha? Ahm..."

"Magkababata sila ni Austin. She went abroad to study and now she's here to help him."

"Everything was a coincidence. I just came back from the States and while I'm on my way here napadaan ako sa isang car crash and I didn't expect na si Austin pala ang sakay ng kotseng yun. I did everything I could to save him."

"Salamat, Audrey."








Napayakap ako sa kanya dahil sa mga sinabi nyang yun. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ginawa nyang pagligtas kay Austin. Naging mas panatag din ako ngayon dahil alam kong magiging safe si Austin dito sa ospital dahil sa kaibigan nyang doktor.

Maya-maya pa habang ipinapaliwanag ni Audrey ang kalagayan ni Austin sa amin ay biglang dumating sina Sevi at Dylan.









"Audrey?"

"Ahm...Sevi, Dylan! It's been a long time."

"Ahm...yeah. It's nice to see you again Audrey."

"Where's Leo?"

"Ah, may flight sya ngayon. Didiretso na daw sya dito pagbalik nya. I'm sure he'll be surprise pag nakita ka nya dito. Siguradong matutuwa yun."

Love Game  (Book 1)Where stories live. Discover now