XII

40 0 0
                                    

(R-18)

Nagpaalam na kami kay Mother Superior, nakakahiya din kasi na manatili pa kami ng matagal sa orphanage. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, sobra talaga akong kinakabahan sa pagharap namin kina Mama. Nagtaka na lang ako dahil napansin kong ibang way ang dinaanan namin ni Austin.




"San tayo pupunta?"

"Sa beach club namin malapit dito."

"Ano?"

"Nakabook ako dun for a few days, sayang naman kung hindi ako tutuloy di ba? Nandito na rin lang naman tayo. Isa pa alam kong hindi mo pa kayang humarap sa pamilya mo kaya pansamantala dun muna tayo. Ok lang ba sa 'yo yun?"



Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti, naghihintay sa magiging reaksyon ko. Habang marahan naman akong tumango para sumangayon sa gusto nya. Hindi na ako nakaangal pa sa kanya dahil sa totoo lang ay tama sya, hindi ko pa talaga kaya sa ngayon. Mukhang kailangan ko pang magipon ng sapat na lakas ng loob para harapin sina Mama at Natalie.

Dumating kami sa isang beach club na pagmamayari ng pamilya ni Austin. Habang nakikipagusap si Austin sa staff ay nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. Sobrang ganda ng beach at ang sarap din ng ihip ng hangin. It's so relaxing, parang nakakawala talaga ng problema.




"Hey! Are you enjoying the view?"

"Ahm...yeah! Sobrang ganda dito."

"I'm sure mas maeenjoy mo yan sa magiging kwarto natin. Let's go?"



Hinawakan nya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa room namin. He was right, kitang kita talaga sa balcony namin ang magandang view ng dagat at mga bundok. Habang nakadipa ako at dinadama ang hangin ay naramdaman ko na lang si Austin sa likod ko na biglang yumakap sa bewang ko.



"Let's enjoy here for a while. Just you and me, with no worries at all."



Sabay halik nya sa pisngi ko habang napangiti na lang ako at napawak sa kamay nya. Everything's perfect, I could never ask for more. Parang ayoko nang matapos pa ang mga sandaling 'to habang nakayakap sya sa akin.



"Simula sa araw na 'to magiging masaya tayo. Habambuhay tayong magiging ganito kasaya. Ikaw, ako at ang mga magiging anak natin."

"Mga?"

"Oo, kailangan nyang magkaroon ng mga kapatid. Di ba baby gusto mo marami kayo?"

"Alam mo ikaw...ang hilig mo, noh?"

"Ahm...hindi naman, gusto ko lang talagang bumuo ng malaki at masayang pamilya kasama ka para maramdaman mong hindi ka na magiisa."



Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o nenerbyusin sa mga sinabi nyang yun. Ngayon pa nga lang nahihirapan na 'ko sa pagbubuntis ko e. Out of nowhere bigla na lang akong nagcrave sa macopa.




"What? Macopa? San naman ako kukuha nun dito?"

"Ewan ko sa'yo basta ikuha mo 'ko, ngayon na! Akala ko ba gusto mo ng maraming anak, e dito pa nga lang sa panganay mo hindi mo na maibigay yung gusto ko, what more sa mga susunod pa?"

"Ahm...ok, sige na maghahanap na ako. Wait for me here. Macopa? Meron pa ba nun ngayon?"




Buong araw kong pinahirapan si Austin sa mga biglaang cravings ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko e bigla na lang akong nakakaramdam ng kung anu-ano. Halos hindi namin naenjoy ang unang araw namin dito sa beach dahil dun. Kinagabihan habang nakabulagta si Austin sa kama sa sobrang pagod sa kakahanap ng mga pagkaing gusto ko ay bigla na namang nagsimula ang cravings ko but this time ibang klaseng pagkecrave naman ito. Shit! I'm craving for his body.

Love Game  (Book 1)Where stories live. Discover now