XIV

29 0 0
                                    

Hindi masyadong nakakain si Austin, akala ko pa naman gutom sya. He looked so tense.




"May problema ba? Bakit parang hindi mo man lang nagalaw yang pagkain mo?"

"Ahm...wala. Parang hindi ko lang trip yung lasa."

"Talaga? Patikim nga. Mmm... ok naman ah. Masarap. Ok ka lang ba talaga? Parang namumutla ka."

"I'm fine. Sige na ubusin mo na yan."






Maya maya pa pagkatapos naming maglunch...






"Mauna ka na sa kwarto. I need to call Dad para sa mga papers na kailangan ko sa Monday."

"Ahm...ok. Sunod ka agad ha?"

"Malorie!"

"Why?"

"I love you."

"What? Ang weird mo!"

"I said I love you!"

"Ok, I love you too."

"You really do?"

"Yeah.. I do."







Biglang naging abot tainga ang ngiti ni Austin. Hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari sa kanya. Iniwan ko na sya at umakyat na 'ko sa kwarto namin. Pagpasok ko sa kwarto ay napansin ko ang isang malaking kahon na nakapatong sa kama at may nakadikit na note kaya binasa ko yun.






"Wear this. I'll be waiting for you on the beach."






I was so confused while opening that box lalo na nung makita ko yung laman nito. It was a white satin french dress. It's simple yet so elegant. I have no idea of what's going on. Bigla na lang may kumatok sa pinto and I was surprised when I saw a familiar face. Sya yung nagayos sakin nung birthday party ng Daddy ni Austin. Mas nagulat pa 'ko nung magsisulpot ang mga assistant nya na may kanya kanyang bitbit na gamit.






"Pinapunta po kami ni sir Austin para ayusan kayo."

"Ha? Why?"







Hindi nya ako sinagot at sa halip ay pinaupo agad ako at sinimulan nilang ayusan. Kahit na nagtataka ako ay wala na akong nagawa. Ano ba ang pakulong ito ni Austin?

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Kung ano lang sabihin sakin ng mga staff ay sinusunod ko dahil yun daw ang utos ni Austin sa kanila.

Dinala nila ako sa tabing dagat habang nakablind fold at nung alisin na nila yun sa mata ko ay nagulat na lang ako sa nakita ko. Dun ko lang naintindihan ang lahat.

Halos mapuno ang beach front ng white tulips with a touch of lavender flowers. Ganun din ang white arch door na nasa harapan ko. Everything was so detailed hanggang sa white petal carpet.

Nung bumukas na ang pinto ay isang napakagandang sunset background ang bumungad sa akin hanggang sa matanaw ko si Austin na naghihintay sa harap ng altar.

The violin plays a wedding march song while I'm slowly walking down the aisle, holding a beautiful bouquet na combination din ng white tulips at lavender.

Nung saglit kong inilibot ang tingin ko sa paligid ay nakita ko ang mga kaibigan ni Austin. Nagulat din ako nang makita ko ang Daddy nya na umiiyak sa tabi nya.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Austin na sobrang gwapo sa suot nyang white tuxedo. He was smiling at me while holding back his tears and I was doing the same thing hanggang makarating ako sa kanya.






Love Game  (Book 1)Where stories live. Discover now