Nung umuwi ako sa bahay ay nadatnan ko si Natalie. I simply hide the hickey on my neck with my long hair at hindi rin ako nagpahalata that I could barely even walk dahil sa nangyari kagabi. It still hurts down there. Damn that guy!"Malorie! San ka galing? Bakit ngayon ka lang? Ano bang problema mo? Napapadalas na ang hindi mo paguwi ah. Hindi ko na tuloy alam kung anong idadahilan ko kay Tita."
"Don't mind me. I'm ok! Para namang hindi mo 'ko kilala. Ahm...I'm sorry Natalie...I'm so sorry..."
"For what?"
"Ahm...sa pagsisinungaling mo kay Mama para lang pagtakpan ako. I owe you a lot."
"Buti naman alam mo! Sige na, pinagluto na kita ng breakfast. Kailangan ko nang umalis may klase pa 'ko. Bye!"
"Thanks! Ingat ka."
Iika-ika akong pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa kama. I laid there and stared at the ceiling, nagsisisi pa rin sa nangyari until I felt the tears that slowly rolled down my face. I felt so numb from the pain that I'm feeling right now, hindi na lang kasi katawan ko ang masakit ngayon kundi pati puso ko. The game is finally over. At last...
Tuluyan na ngang natapos ang lahat sa amin ni Austin nung araw na yun. I never heard from him hanggang sa graduation. Naging busy rin kami ni Natalie sa pagiging apprentice sa traveling agency nina Mama kaya kahit paano ay hindi ko na sya naiisip. I deleted all my memories about him. Everything went by so smoothly at inakala ko talagang ok na ang lahat hanggang sa hindi ko inaasahang magsisimula pa lang pala talaga ang totoong problema ko.
Nagising na lang ako isang umaga na sobrang sama ng pakiramdam ko. Wala akong tigil sa pagsuka at madalas rin akong mahilo nitong mga nakaraan pero hindi ko lang pinapansin.
"Ano bang nakain mo anak? Para ka namang naglilihi nyan."
Bigla akong kinabahan sa sinabing yun ni Mama kaya naman bumili ako agad ng pregnancy test kits at...
"Shit! Positive..."
Namanhid ang buong katawan ko, hindi ako makapaniwala kaya ilang ulit akong nagtest pero positive talaga ang lumalabas na result. Shit! I'm pregnant, at dahil dun ay hindi ko na napigilang maiyak. I cried so hard in my bathroom. Yung pinakainingatan kong wag mangyari sakin ay nangyari na ngayon.
For the first time in my entire life, I felt so much fear. I just really don't know what to do. Almost two months na akong walang balita kay Austin, kahit nga nung graduation ay hindi nagkrus ang landas namin at alam kong pagkatapos ko syang saktan ay siguradong hindi na nya 'ko gugustuhing makita pa.
My mind was blowing, how would I tell everyone about this? Alam kong madidisappoint si Mama at higit sa lahat siguradong sobra kong masasaktan si Natalie kapag nalaman nya kung sinong ama nito.
Dahil sa takot na naramdaman ko ay nagpasya 'kong pumunta sa isang doktor para sana tapusin ang problema ko pero habang nakahiga ako sa ward ng clinic na yun ay parang biglang mas nanaig sakin yung takot. I realized that I can't do this. Hindi ko kayang basta na lang tapusin yung nagsisimula pa lang na buhay sa loob ko kaya agad akong tumakbo palabas.
Lalo akong nainis sa sarili ko dahil sa naisip kong pagpunta sa clinic na yun. How could I even thought of such a thing?
Patuloy akong lumayo sa lugar na yun hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na pala ako ng isang malaking simbahan. Hindi ako paladasal na tao pero pumasok ako sa simbahang yun, shivered. I kneeled down at the altar and for the first time, I solemnly prayed to Him while crying.

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?