Inihatid ako ni Austin sa bahay bago sya pumasok sa opisina.
"Good morning po Mama! Ahm...iiwan ko po muna si Malorie sa inyo, I just need to work."
"Oo naman. Ako na ang bahala sa kanya. Magiingat ka sa pagpasok mo and good luck to your first day."
"Thank you po! Ahm...love, I need to go."
"Sige. Ingat ka!"
He kissed me before he left. Inihatid at inalalayan naman ako ni Mama hanggang sa kwarto ko.
"Thank you Ma. Ahm...si Tita Natty po?"
"Pumunta na sa office, may mga client kasi ngayon."
"Ganun po ba? You should go too, I'll be fine here."
"No! I'll take care of you baka mamaya magalit sakin ang asawa mo kapag may nangyaring masama sayo."
"Ma..."
"I'm so happy for you anak. Nakahanap ka ng mabuting lalaking makakasama mo habambuhay. Nakita ko kung paano ka nya alagaan at kung gaano ka kasaya ngayon."
"Thank you Ma. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. I never knew that love would feel like this."
Niyakap ako ni Mama at naramdaman ko ang pagpahid nya sa luha nya. Bago pa man kami magkaiyakan ng husto ay biglang may kumatok sa pinto, it was Natalie. Bigla akong nailang nung makaharap ko na sya at halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. I just felt so guilty. Kinailangang lumabas ni Mama dahil may biglaan syang phone call kaya naiwan kami ni Natalie sa kwarto ko.
"Ahm...Natalie, alam kong galit ka-..."
"Oo galit ako. Galit na galit ako sayo! I thought you were my best friend but how could you keep secrets from me?"
"I was just afraid na masaktan ka."
"At sa tingin mo hindi ako masasaktan kung sakaling may nangyaring masama sayo? Hindi mo alam kung gaano mo kami pinagalala nung bigla kang umalis. Tapos malalaman na lang namin na you're pregnant and married?"
"I'm so sorry."
"You should be! You really owe me a lot."
"I know at hindi ko rin talaga alam kung makakabawi pa 'ko sa lahat ng yun."
"Well, somehow you already did. In the end, natupad mo rin naman yung request ko sa'yo noon."
"What do you mean?"
"You made him fall for you at nagawa mo rin syang paiyakin."
"What?"
"You might not know this pero the last time na nakainom ka, Austin called you. Hindi mo sinasagot yung phone mo, so I answered it and I was surprised when I heard his voice. He was also drunk that time. Umiiyak habang sinasabi nya yung nararamdaman nya para sayo. Dun ko narealize kung gaano nyo na kamahal ang isa't isa."
"Nat, alam kong hindi sapat ang sorry ko pero alam kong alam mo na hindi ko sinadya 'to. I've never imagined that one day I would fall in love with the man that you love."
"But you did and believe it or not dahil dun tuluyan ko nang nakayanan na mag move on sa kanya. I knew it from the start Malorie, nakita ko ang mga naging pagbabago sayo mula nung maging kayo ni Austin. Noon lang kita nakitang ganun kasaya so who am I to hinder my best friend's happiness? Alam mo bang pinagdadasal ko pa nga na magkaroon ka ng mas matinong love life kaysa sakin? I want you to find true love dahil matagal ko nang gusto na makita kang masaya Malorie and I think my prayers finally came true."

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?