POSITIVE

2.1K 14 0
                                    

Simula ng huling nilang pag uusap ni Will ay sobrang Lungkot ni Beverly at hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman dahil miss na miss na niya si Will. Hindi na muling nagpakita sa kaniya ang Lalaki. Iniwasan na Siya nito ng tuluyan, lalo na kapag nasa iisang Lugar lamang Sila.

Katulad ng di sinasadya na Makita Siya  ni Will sa Proposal ni Frinah at Capt. Gringgo dahil imbitado din Siya doon.
Hanggang sa nagka ayaan na mag inuman ay hindi siya nito pinapansin.

Palihim niya kasing sinusulyapan si Will at halos hindi ito tumigin sa kaniyang gawi.

Kahit libangin ni Beverly ang sarili ay hindi nawawaglit sa kaniyang isipian ang pangungulila niya kay Will. Minsan nga gusto niya itong tawagan ngunit nag dadalawang isip Siya.

Bihira na rin ito umuwi sa Unit niya kaya mas lalong nababaliw kaiisip si Beverly kung nasaan ito.

Naiinis si Beverly sa kaniyang Sarili dahil Siya ang nagtulak sa Lalaki na layuan Siya nito.

Ganoon nga talaga ang Buhay, kapag nawala tsaka mo lamang malalaman ang halaga nito at kung gaano mo Siya kamahal.

Oo, inamin na ni Beverly sa kaniyang Sarili na mahal na din niya ang Lalaki kung kailan umalis na ito sa kaniyang Buhay.

Kung kailan wala na si Will na pumipigil sa kaniya na bumalik sa Europe ay tsaka naman siya nag dalawang isip na huwag na lamang umalis.

Kaya mabigat man sa kaniyang dmadamin ay lilipad na lamang Siya pabalik sa Europe pagkatapos mag Propose ni General MJ kay Sky sa Batanes.

Bigla niya naisip, si Sky hinayaan niya na mabura ng Pagmamahal ni General MJ ang takot at sakit sa pagpunta sa Batanes dahil sa pagkamatay ng Mommy nito bago pa Sila mag flight papuntang Batanes.

Naisip niya na na sana ganoon din Siya katapang katulad ni Sky, pero wala eh nangyari na.

Never na nakarinig ng Balita si Beverly about Will dahil nahihiya siyang magtanong kay General MJ, alam niya na aasarin lamang Siya nito.

Kinabukasan ay masama ang pakiramdam ni Beverly, suka Siya ng suka at nahihilo Siya kaya tinawagan niya si General MJ.

Mj, can you drop by here sa Condo ko?
- Beverly.

Sure, what happened? - General MJ.

I don't feel well. Ang sama ng pakiramdam ko. - Beverly.

Uminom ka na ba ng Gamot?
- General MJ.

Not yet, Wala akong stock. - Beverly.

Ano ba nararamdaman mo?
- General MJ.

Nahihilo at nagsusuka ako.
- Beverly.

Kailan last menstruation mo?
- General MJ.

Hindi agad nakasagot ang Dalaga dahil bigla Siyang kinabahan.

Delayed Siya!

Fuck! Delayed ako, MJ. - Beverly.

Alam ba ito ni Will? - General MJ.

No! Huwag mong sasabihin. - Beverly.

And why? - General MJ.

Flight ko na bukas pabalik ng Europe.
- Beverly.

Hindi ka nakakatuwa, Beverly Hans!
- General MJ.

Dito na lamang tayo mag usap.
- Beverly.

Make sure na matutuwa ako sa mga dahilan mo. - General MJ.

Hindi na lamang sumagot ang Dalaga at binaba na niya ang tawag. Masaya siya kahit hindi pa sigurado na Buntis siya dahil may Pamilya na Siya pagbalik niya ng Europe kung sakali.

Sayang! Kung sana maayos lamang kami ni Will ngayon, Dalawa sana Silang mag ce-celebrate kapag nag Positive.

Tumunog ang doorbell at binuksan niya ito ngunit hindi si General MJ ang nasa labas ng Pinto.

Si Will! Shit ka talaga, MJ.

"Use the Pregnancy Test, I'll wait you here." Seryosong utos ni Will.

Tumalikod ang Babae at pumasok na ng Banyo, kinakabahan Siya dahil nasa labas lamang si Will at naghihintay sakaniya.

Pagtingin ni Beverly after a few seconds ay nag Dalawang linya ang lahat Limang Pregnancy Test na inabot sa kaniya ni Will.

Lumabas Siya at napahagulgol sa mga Balikat ni Will. Tiningnan ng Binata ang mga Pregnancy Test at Positive lahat ng iyon.

"Yes! Woooohhhhh!" Sigaw ni Will habang yakap yakap si Beverly.

"Hindi ka galit saakin, Honey?"
Humihikbi na tanong ni Beverly.

"Mag uusap muna tayo."
Bulong ni Will.

POSSESIVE WILD SERIES #5 ; Please Me by Beverly AND Capt. SalcedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon