ROM-COM ‼️‼️‼️
Si Beverly Hans Gonzaga ay isang Fashion Designer slash Model sa Europe. Paglipas ng mahabang Taon ay ngayon na lamang ito uuwi ng Pilipinas. Masalimuot ang dahilan kung bakit nito iniwan ang Bansa.
Namatay ang kaniyang mga Magulang...
Naligo muli si Beverly dahil malagkit ang pakiramdam niya sa Katawan at matapos nito ay naglinis Siya ng Unit niya. Nagkape muna Siya dahil sa gusto niyang makapag isip sa mga nangyari.
Ngayon sana niya tatawagan ang mga Kababata ngunit nag Dalawang isip Siya dahil baka makita ng mga ito si Will Salcedo sa pagbalik nito.
Fuck! Ano ba itong pinasok ko?
Walang dapat maka alam sa mga nangyari sa kanilang Dalawa ni Will Salcedo dahil alam niya na susugurin ito ng mga mga Kababata niya lalo na ni General MJ na kaniyang Bestfriend.
Iniingatan Siya ng mga ito at protektado. Malaking gulo ito kung sakali dahil alam niya na ilalaban Siya ng mga ito ng patayan.
Sa huli ay tinawagan na lamang niya ang mga ito at aayain na mag Bar upang hindi nila Makita ang pagbalik ni Will Salcedo.
Hi guys! I'm backkkkkkk. Hahaha
Let's meet sa Lights Bar and drink till dawn.
-Beverly.
What?!!! Kailan pa?! -General MJ.
Bakit ngayon mo lamang sinabi?! -Jayden.
How's your flight? -Joe.
Will pick you up there sa Condo mo. -Philip.
Wait for us. -Joshua.
Yeah. Papunta na kami. -Winston.
Hey! Kalma lang, guy's. 🤣 -Beverly.
Kailangan mo magpaliwanag later kung bakit hindi mo sinabi na uuwi ka. Alam mo naman na matagal ka naming hinintay. -General MJ.
Ayaw ko lamang maging abala. -Beverly.
Never ka naman naging abala saamin, Honey! Alam mo yan. Isang salita mo lamang, nanginginig pa kami. -Jayden.
I'm sorry na agad. So, Paano? See you later! -Beverly.
Matapos ang usapan nila sa kanilang Group Chat ay naghanda na si Beverly ng isusuot upang sa labas na lamang ng Condo niya hihintayin ang mga ito.
After mag make up at magbihis ng babe ay nag Mirror Shot na muna Siya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang hot ko talaga!
Nasa harap na Siya ng Building ng kaniyang Condo ng nilapitan siya ng mga Kababata at niyakap na halos hindi na Siya makahinga.
"We missed you, Honey!" Wika ni Joe at hinalikan sa pisngi si Beverly.
"Grabe naman maka kiss! Yong make up ko!" Inis na wika ni Beverly.
Nagtawanan ang lahat at tumabi Sila habang naka akbay si Jayden sa kaniyang mga Balikat.
"Beverly Hans, Grabe naman ang suot mo! Pahihirapan mo pa kaming bantayan ka mamaya sa lalaking a-aligid saiyo." Sita ni Winston.
"Nakalimutan ninyo ata na Fashion Model ang Kababata ninyo." Halakhak ni Beverly.
"Sobrang na miss ka namin, Honey. Kaya nagtampo kami na andito ka na pala, hindi ka man lamang naming nasundo." Wika ni Joshua.
"Alam mo naman na basta ikaw kaya namin iwan lahat para samahan ka." Wika ni Jayden.
"Kalma! Andito na ako oh." Halakhak ni Beverly.
Habang nag uusap sila ay may Lalaki na biglang kinausap si Jayden at sa paglingon ni Beverly ay nagulat ito at napatahimik sa lagkita ng mga titig nito sakaniya.
"Capt. Will Salcedo, what's up?" Wika ni Jayden.
"I'm good. Mukhang may lakad kayo ah." Sagot ni Capt. Will Salcedo.
"Yes, Captain. Kadarating lamang kasi ng Kababata namin from Europe. Ilalabas namin siya para naman makatikim ng libre." Halakhak ni Philip.
Napasinghap ng lihim si Beverly ng malaman na Sundalo rin pala ito, wala itong nabanggit. Tanging pangalan lamang nito ang sinabi sakaniya.
"Capt. Will, meet our Kababata. Beverly Hans." Pakilala ni Joshua.
Nilahad ni Capt. Will Salcedo ang mga Kamay kay Beverly at kinamayan naman niya ito.
"Beverly Hans. Napaka gandang pangalan, hmmnn." Ngisi ni Capt. Will Salcedo.
"O sya! Dito na kami Capt. Will. Nang makarami kami ng inom." Wika ni Joe.
Tumango ang Lalaki ngunit nakatitig pa rin ito kay Beverly, pinasadahan niya nito ng tingin mula Ulo hanggang Paa dahil sa suot nito.