ERIN DEL RIO

3.1K 5 0
                                    

POV OF ERIN

Nagkakape ako habang tinitingnan ang latest post ni Major Sebastian Gariando  na aking inspirayoson bago ko simulan ang Araw ko. Kaya lang basag trip na naman si Tiya Osang, nawawala ako sa concentration dahil sa bunganga nito na nagpapa rinig na bayaran na naman daw ng Kuryente.

Kumuha ako ang Pera sa aking Bag at inabot na ito kay Tiya para tumigil na sa kaka putak niya. Ayaw na ayaw pa naman ni Erin kapag inaabala Siya sa pag tingin sa mga Latest sa Buhay nito sa Instagram.

Madalas ako na mag message sa Instagram ni Bastie ko short for Sebastian kasi Siya na lamang ang nagiging lakas ko everyday, pero seen niya lamang ako dahil hayagan naman nitong sinasabi na hindi niya Ako tipo at magiging tipo kailanman.

Kapagod rin kaya ang takbo ng Buhay ko, pero wala akong balak sumuko at mapagod dahil para ito sa pag-aaral at Bright future ko at para na rin kay Tiya Osang kahit na palagi na lamang niya akong inaaway.

Bata pa lamang ako ay ulila na kasi ako, namatay sa aksidente sa kalsada ang Parents ko. Nag iisang Anak lamang ako, hindi ko na sana kailangan maging Working Student kung hindi hindi lamang inangkin ni Tiya Osang ang Pera na inipon ng Parents noong Buhay pa Sila.

Wala naman saakin kahit na lahat na ng Pera ko ay mapunta kay Tiya Osang kasi kahit medyo masama Siya saakin ay tumatanaw ako ng Utang na loob sa pagpa patuloy niya saakin sa Bahay niya.

Ayaw ko naman panghinaan ng loob ng dahil lamang sa masasamang pangyayari sa Buhay ko, ginawa ko na lamang ito na stepping stone para sa magandang hinaharap ko at kasama sa Plano ko si Tiya Osang.

No boyfriend since birth ako pero para kay Bastie ay kakaldag ako. Ayaw nga lamang niya saakin, pero hindi ako susuko. One day, magigising na lamang
si Bastie na tipo na rin niya Ako at mag mamahalin kami.

Sa ngayon kasi ako pa lamang ang nagmamahal sa kaniya, ayaw ko siya sukuan dahil pakiramdam ko siya na ang magiging Partner ko sa Buhay.

Mahirap na walang Parents sa tabi ko pero iniisip ko na lamang na wala man Sila sa tabi ko, I'm pretty sure na naka gabay lamang sila.

Nagsimula ang admiration niya kay Bastie ng minsan ay may Program sa aming University ay Siya ang panauhing pandangal dahil doon din ito nagtapos ng Kolehiyo.

Mula noon ay naging stalker na ako ni Bastie at nakilala niya na din ako sa araw araw ba naman na pangungulit ko sakaniya. Malapit lamang kasi ang Kampo sa Coffee Shop na pinag ta-trabahuhan ko.

Regular customer na nila si Bastie at walang Oras o Araw na hindi ito pumunta, kapag busy si Bastie at nagpapa deliver na lamang ito.

Kaya nakikita ko pa rin Siya kahit na hindi Siya nakakapunta dahil ako rin ang nakatoka sa Delivery ng mga Orders dahil Ako lamang naman ang may Lisensya sa work ko.

Ang single motor na aking ginagamit sa pag deliver ay may-ari ng Boss ko na sobrang gwapo at maintindihan na si Boss Miguel Soriano.

Binilisan ko na ang aking kilos ng makita ko ang Oras dahil hindi ko ito napansin. Everyday ang pasok ko sa University sa Umaga, then after lunch ay dapat nasa Coffee Shop na ako upang magtrabaho hanggang 11 PM.

Ganoon na ang Routine ko araw-araw even Sunday ay hindi ko pinatawad, pinapasukan ko pa rin ang Coffee Shop para may pang baon ako at pang tustos sa magastos na Kursong kinuha ko dahil wala namang iba na tutulong saakin.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now