HOPELESS

955 3 0
                                    

Pinaparada pa lamang ni Sebastian ang kaniyang Kotse ay muli na namang kinausap nito ang Dalaga, pinapa Linis nito ang Kwarto na titirahan nilang Dalawa sa Apartment. Dadaan daw muna ito sa Kampo at kailangan malinis na raw ang Unit nila pagdating nito.

"Linisin mo ang magiging Kwarto natin sa bakanteng Kwarto sa Apartment. Tapos ay ayusin mo na ang mga gamit natin na dadalhin para bukas sa Flight." Utos ni Sebastian.

"Copy, Major Sebastian." Sarcastic na sagot ni Erin.

"Ayoko ng tono mo, huwag mong pairalin ang ugali mong Asal Kalye."
Matigas na sambit ni Sebastian.

Hindi na kumibo ang Dalaga at mabilis na bumaba ng Kotse upang masimulan na niya ang paglilini at pag iimpake.

Inuna ni Erin ang pag iimpake ng mga gamit ni Sebastian dahil binilin naman nito kung ano ang mga dadalhin nito sa Maleta.

Habang si Erin? Kailangan pa nitong sumaglit sa Bahay ng Tiya Osang niya dahil andoon pa ang mga gamit niya.
Kaunti lamang naman iyon, mabuti na lamang at may maayos pa siya na Travel Bag at kasya na lahat doon.

Minabuti na muna ni Erin na maglinis ang Unit nila kahit na wala namang kalat at malinis naman iyon. Napansin niya kay Sebastian na may pagka Oozy ito. Organized ang gusto nito sa mga gamit niya at malinis din ito sa mga Damit niya hanggang sa pananamit nito.

Mabuti na lamang at Kompleto ang gamit panlinis kaya sinimulan na niyang magpunas ng mga Pader at naglampaso Siya. May mga stock na din doon ng Kubre Kama at mga Punda, pinalitan niya ang lahat maging ang mga Kurtina.

Pati ang Banyo ay hindi pinalagpas ni Erin, nilinis niya ito ng mabuti. Sinigurado niya na hindi Siya mapipintasan ng Binata sa paglilinis ni Erin.

Sandaling nagpahinga si Erin dahil nakaramdam Siya ng pananakit ng likod, napansin niya kanina na iisa lamang ang Kama. Napatingin Siya sa Sofa Bed na nasa Salas dahil open space lamang naman ang loob ng Unit.

Walang division kaya pagpasok pa lamang ng Pintuan ay makikita na ang buong Kwarto. Pwede na Siya sa Sofa Bed sa isip ni Erin dahil malamang ay hindi gugustuhin ni Sebastian na magtabi Sila sa kama unless magtatalik Sila.

Tumayo na si Erin para matapos na siya, sunod na niyang tiniklop ng maayos ang mga Damit ni Sebastian na dala nito sa pag alis nila sa Mansion. Maayos niyang inilagay iyon sa Cabinet. May space pa sa baba ng malaking Cabinet kaya doon na lamang niya ilalagay ang mga gamit niya na kakaunti lamang naman.

May Laundry Basket at Automatic Washing Machine Bago makapasok ng Banyo. Ngunit since hindi naman ito ipapagamit sa kaniya ni Sebastian ay tinakpan na lamang niya ito ng Mantel.

Inilagay niya sa Laundry Basket ang mga labahan na pinagpalitan niya at inikot ang tingin sa buong Kwarto, ng makontento na si Erin ay kinuha na niya ay sinaksak niya na ang Air Diffuser at nilagyan ng Essential oil.

Narinig na niya ang pagbukas ng Pintuan hudyat na dumating na si Sebastian, inikot nito ang paningin sa buong Unit at nag diwang ang loob ni Erin ng makita niya na nakontento ang Binata sa paglilinis niya. Hinubad kaagad nito ang Sapatos na suot at dumerecho sa Banyo para maligo.

Paglabas ni Sebastian ng Banyo ay nagpaalam si Erin na kukuha muna ng gamit sa Bahay nila ng Tiya Osang niya at mag du-duty Siya sa Coffee Shop ng 3 Hours

"Wala akong pakialam sa lakad mo, nasa Rules natin na walang pakialamanan. Get the Keys dahil ayaw kong masitorbo sa tulog ko kapag kumatok ka." Wika ni Sebastian.

"Sabi ko nga." Sagot ni Erin.

Kinuha niya na ang Susi at umalis na ang Dalaga dahil hindi niya matagalan ang presensya ni Sebastian, baka brief lamang ito at nakatayo ang Alaga ng Binata. Baka madakma pa ni Erin ito ng wala sa Oras sa isip niya.


POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now