DISAPPOINTED

921 6 0
                                    

Hindi na inalok ni Erin si Sebastian na pumasok sa kanilang Barong-barong dahil alam niya na ayaw naman nito doon. Bago bumaba sa Kotse nito ay nagpasalamat muna si Erin ngunit nagsalita si Sebastian.

"Sasama ako saiyo, ipakilala mo Ako sa Tiyahin mo para hindi na kailangan pumunta nila Mamita at Paps, bukas."
Pahayag ni Sebastian at bumaba na sa Kotse nito.

"Sigurado ka?" Alanganing tanong ni Erin.

Wala sana kasi itong Sabihin kay Tiya Osang niya dahil wala rin naman itong pakialam sa Buhay niya.

Balak sana ng Dalaga na magpahinga muna dahil may pasok pa siya sa Coffee Shop mamaya ngunit mapilit itong si Sebastian na ipakilala Siya sa Tiya Osang ni Erin.

Habang naglalakad Sila ay halos lahat ay nakatingin kay Sebastian dahil naka Uniform ito. Ang iba ay nag bubulungan pa at naririnig pa ni Erin ang pagpuna ng mga ito sa suot nito.

Mga Mosang na to! Hmmpp.

Malayo pa lamang Sila ay nakita na ni Erin ang kaniyang Tiya Osang sa harap ng Bahay nila na naglalaba. Binundol ng kaba ang Puso ni Erin dahil baka mabastos lamang si Sebastian.

"Tiya Osang, si Major Sebastian Gariando po."
Pakilala ni Erin sa Dalawa.

"Anong pakialam ko, Erin?"
Masungit na tanong ni Tiya Osang niya.

Napayuko si Erin dahil sa sinagot sa kaniya ng Tiya Osang niya,

"Magandang Umaga po, Major Sebastian. Ipag bibigay alam lamang po namin ni Erin na kami po ay magpapakasal na sa Katapusan."
Magalang na wika ni Sebastian.

Tumayo ang Tiya Osang ni Erin at pinasadahan ng tingin si Sebastian, ngunit hindi natinag ang Binata.

"Buntis ka Erin?" Tanong ni Tiya Osang.

"Hindi po, Tiya!" Maagap sa sagot ni Erin.

"Iyon na pala, Bakit kailangan pa magpakasal? Nag aaral si Erin at may Trabaho din Siya."
Masungit na pahayag ni Tiya Osang.

"May nangyari po saamin, Tiya."
Nakayukong bulong ni Erin.

"Hindi mo naisip ang pag-aaral mo na pilit mong ginapang sa loob ng maraming taon? Mawawalan ka ng kalayaan sa Oras na kinasal ka at bumuo ng Pamilya."
Seryosong wika ni Tiya Osang kay Erin na akala mo ay wala doon si Sebastian.

"Tiya Osang, nakapag desisyon na po ako." Pinal na wika ni Erin.

"Bahala ka sa Buhay mo! Huwag na huwag ka ng magpapakita dito!"
Sigaw ni Tiya Osang at sinampal si Osang.

Nasaksihan lahat ito ni Sebastian, mabuti na lamang at nahawakan nito si Erin dahil muntik itong bumagsak sa lakas ng sampal ng Tiya Osang nito.

"Tiya Osang, pagtawad po. Huwag ka pong mag alala hindi ko po puputulin ang suporta ko saiyo kahit ikasal na po ako." Pahayag ni Erin.

"Aalis na po ako, Tiya Osang."
Magalang na paalam ni Sebastian.

Minabuti na lamang ni Erin na ihatid si Sebastian hanggang sa Sasakyan nito at pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

"Nakita mo ang gulo na pinasok mo, Erin?" Seryosong tanong ni Sebastian.

"Ginusto mo ang nangyari saatin, Sebastian. Hindi Tama na ako lamang ang sisihin mo." Sagot ni Erin.

"Paano mo itutuloy ang suporta sa Tiyahin mo, ha? Inuulit ko saiyo, wala kang nahahawakan ni singkong duling sa kayamanan ng Pamilya namin!"
Mayabang na saad ni Sebastian.

"Huwag kang mag-alala, kaya kong kumayod para sa sarili kong Pera."
Matigas na sabi ni Erin.

"Babantayan ko ang lahat ng kilos mo, kaya ngayon pa lamang ay pag isipan mo ng mabuti ang mga kilos mo."
Banta ni Sebastian.

"Walang magbabago saakin, Bastie.
Mag aaral at mag tatrabaho pa rin ako.
Hindi ako aasa sa yaman ninyo!"
Histerikal na sambit ni Erin.

Umalis na si Sebastian ng walang paalam kaya naman bumalik na si Erin sa Bahay ng kaniyang Tiya Osang. Hindi Siya nito kinibo kaya tuloy tuloy na lamang siyang humiga sa Karton na kaniyang higaan.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now