Ang mag-asawa na sina Alfonso at Adriana Gariando ay papunta sa paupahan nilang Apartment sa Bagong Buhay St. dahil binibisita nila ito sa tuwing dumadaan Sila sa Kampo para bisitahin ang kanilang nag iisang Anak na si Major Sebastian Gariando.
Habang tutok sa Daan ang mag asawa ay naagaw ng kanilang pansin ang Babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada sa napahinto at umupo sa tabi. Umiiyak ito dahil nasira ang Sapatos niya, matapos nitong pahirin ang mga Luha ay muli na itong naglakad.
"Alfonso, businahan mo Siya at isabay na natin. Kawawa naman dahil nasira ang kaniyang Sapatos."
Utos ni Mamita Adriana sa kaniyang Asawa.Bumusina naman si Paps Alfonso ngunit hindi Sila hinintuan ng Dalaga, kaya umabante pa ng kaunti ang Matandang Lalaki at bumaba Silang mag asawa sa Kotse.
Inalok nila ito ng Rides at ihahatid sa Bahay niya dahil nakayapak na lamang ang Dalaga, ngunit marahil ay nagulat ito kaya tinanggihan Sila nito.
Hanggang sa napilit nila ang Dalaga na sumabay sa kanila dahil iisa lamang pala ang kanilang destinasyon. Doon din sa Bagong Buhay St. ang Bahay nito.
Habang nasa daan sila nakapag kwentuhan pa Sila dahil hindi malaman ng mag Asawa kung bakit napakagaan ng loob nila sa Dalaga.
Working Student pala ito at ang nasirang Rubber nito ang natatanging Sapatos nito na ginagamit sa School at Trabaho nito.
Gabi na at wala ng bukas na mga Department Store kaya naman kinuha na lamang ni Mamita Adriana ang Contact Number ng Dalaga, hindi nito binanggit na balak nila itong bilihan ng bagong Sapatos dahil baka tumanggi ang dalaga.
"Mamita, Paps! Maraming salamat po s libreng sakay. Mag i-ingat po kayo!"
Nakangiting wika ni Erin."No worries, Dear! See you again."
Sabay na wika ng mag Asawa.Pagbaba ng Kotse ni Erin ay dumeretso na ang mag asawa sa Apartment at nakita nila na may bakante pa pala na pwesto.
"Dear, ang gaan ng loob ko sa Batang iyon." Sambit ni Mamita Adriana.
"Yes, Dear. Masayahin at magalang.
Gusto ko nga Siya ipakilala kay Sebastian natin."
Natatawang wika ni Paps Alfonso."It's too early, Dear. Kilalanin na muna natin si Erin ng mabuti at tsaka natin Siya ipakilala sa Binata natin."
Halakhak ni Mamita Adriana.Matapos nila silipin at inspeksyunan ang kaniyang mga Tenants ay nagpasya na Sila na umuwi na sa kanilang bahay.
Ngunit hanggang sa pag uwi nila ay si Erin pa rin ang kanilang pinag uusapan.
"Dear, maaga tayo bukas ha? Ibili natin ng Adidas Shoes si Erin. Tatawagan ko Siya na magkita tayo sa Coffee Shop na pinag ta-trabahuhan niya para maabot natin ang Sapatos."
Wika ni Mamita Adriana."Yes, Dear. Bilihan na rin natin Siya ng Groceries for her stocks. Tapos kahit konting mga Shirts at Pants para Komportable naman siya."
Wika naman ni Paps Alfonso."Yes, Dear." Wika ni Mamita Adriana.
"Si Sebastian ay pinaalala ang kaniyang Awarding para bukas. Kaya matulog na tayo para may lakas tayo para bukas."
Wika ni Paps Alfonso.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️ Siya si Erin Del Rio, ulila na sya at nakikitira lamang sa kaniyang Tiyahin na ubod ng sama ng ugali. Working Student si Erin dahil gahaman ang kaniyang Tiyahinna si Tiya Osang sa mga naiwan na ipon ng kaniyang mga Magulang para sana...