Namataan ni Fiona ang parating na mga Sasakyan, napangiti ito. Gayun din si Erin at sinundan ng tingin ang mga pumarada na Sasakyan. Ito na marahil ang ibang Pamilya nila Sebastian sa isip ni Erin. Kinabahan ang Dalaga dahil hindi niya alam kung katulad ba ito nila Mamita at Fiona na gusto siya.
"Halika, Erin. Let's welcome them."
Nakangiting wika ni Fiona."Hindi ba nakakahiya?" Tanong ni Erin.
"Bakit naman? Isa ka na ring Gariando, kaya wala kang dapat ikahiya."
Wika ni Fiona."Paano kung hindi nila ako gusto?"
Bulong ni Erin."Yari Sila kay Mamita! Takot ang lahat kapag si Mamita ang nagalit."
Halakhak ni Fiona."Natatakot talaga ako."
Bulong pa rin ni Erin."Mababait sila, halika salubungin natin." Aya ni Fiona.
Naglakad Sila papunta sa mga Bisita at mas lalong kinabahan si Erin dahil nagkatinginan Sila ni Raymart.
"Hello Tita's and Tito's! Si Erin po, ang napangasawa ni Bastie."
Pakilala ni Fiona."Hello there, Fiona! Good taste talaga si Sebastian. Mahilig sa magaganda at sexy!" Nakangiting wika ni Tita Glenda, Mama ni Raymart.
"Of course! Knowing Sebastian hindi yon basta basta." Sagot ni Ate Myla, pinsan ni Raymart.
"You're beautiful, Erin. I'm Tita Glenda, this is your Tito Mack my Husband."
Wika ni Tiya Glenda."I'm Myla, and this is my Pinsan si Raymart." Pakilala ni Ate Myla.
"I'm Ina, their pretty counsin."
Pa cute na wika ni Ina."I'm Ram, poging Pinsan nila."
Ngisi ni Ram"Nice to meet you all po."
Nakangiting sambit ni Erin."Naku Erin pagpasensyahan mo ang mga Pinsan ni Bastie, makukulit talaga Sila." Natatawang wika ni Fiona.
"Ate Fio, kailan ka pa here?"
Tanong ni Ina."2 days before their wedding, andito na ako." Wika ni Fiona.
"Kainis ang Kuya Sebastian, ang daming Pera aa Civil lamang nagpakasal." Maktol ni Ina.
Nagkatinginan si Fiona at Erin dahil si Sebastian naman talaga ang nag desisyon sa lahat patungkol sa kanilang Kasal.
"Kaya nga, hindi tuloy tayo naka punta dahil Ninang at Ninong lamang ang maari don." Komento ni Tita Glenda.
"Kumain na po muna kayo."
Alok ni Erin."Doon muna kami kay Mamita tapos lalabas na lamang kami ulit dito."
Paalam ni Tito Mack."Sige po." Wika ni Erin.
"Dad, kayo na lamang po ni Mom Glenda ang kumain. Bonding po muna kami dito." Wika ni Raymart.
Tumango ang mga Magulang ni Raymart at pumasok na sa loob, bigla namang tumugtog si Raymart at tinawag si Erin upang mag duet sila.
May Complete set ng pang Banda at magandang Tunog ng Microphone sa Garden nila Sebastian.
"Erin duet tayo habang tumutugtog ako." Wika ni Raymart.
"Sige, Anong kanta?" Tanong ni Erin.
"Duet tayo sa Palagi ni TJ Monteverde?" Tanong ni Raymart.
Tumango ang Dalaga dahil isa iyong Kanta na iyon ang madalas niyang pakinggan para kay Sebastian.
Nauna si Raymart na kumanta at sinundan na lamang ni Erin.
Palagi by TJ Monteverde
Hindi man araw-araw na nakangiti
Ilang beses na rin tayong humihindi
'Di na mabilang ang ating mga tampuhan
Away-bati natin, 'di na namamalayanEto tayo
Ngunit sa huli, palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli, palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit-ulitin man
Nais kong malaman mong iyo ako palagi
PalagiKung balikan man ang hirap, luha't lahat
Ikaw ang paborito kong desisyon at
'Pag napaligiran ng ingay at ng gulo
'Di ko 'pagpapalit ngiti mo sa mundoEto tayo
Sa huli, palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli, palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit-ulitin man
Nais kong malaman mong iyo akoSa pagdating ng ating pilak at ginto
Diyamante ma'y abutin, ikaw pa rin aking bituin
Natatangi kong dalangin hanggang sa huling sigloSa huli, palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Mahal, sa huli, palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit-ulitin man
Nais kong malaman mong iyo ako palagi
![](https://img.wattpad.com/cover/368930524-288-k599052.jpg)
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️ Siya si Erin Del Rio, ulila na sya at nakikitira lamang sa kaniyang Tiyahin na ubod ng sama ng ugali. Working Student si Erin dahil gahaman ang kaniyang Tiyahinna si Tiya Osang sa mga naiwan na ipon ng kaniyang mga Magulang para sana...