NEW LIFE

1K 8 0
                                    

Nakabalik na ng Pilipinas ang Dalawa dahil may biglaang Conference Meeting si Sebastian, naintindihan din naman ito ni Fiona. Binilinan pa ni Fiona ang Dalawa na ingatan ang kaniyang magiging inaanak. May mga Cravings din kasi si Erin na hirap Sila Sebastian at Fiona na mahanap, kaya madalas ay umiiyak si Erin.

"Gusto mo bang sa Mansion na kita ihatid?" Tanong ni Sebastian habang nagmamaneho ito.

"Sa Apartment na lamang muna, para sabay na tayong magsabi kila Mamita at Paps tungkol sa pagbubuntis ko."
Sagot ni Erin na inaantok.

"Sige, tatawagan na lamang kita mamaya kung makauwi ako."
Sambit ni Sebastian.

"Ikaw ang bahala, mag i-ingat ka at huwag lang titingin sa ibang babae."
Bilin ni Erin.

"Oo naman, takot ko lamang saiyo!"
Halakhak ni Sebastian.



Nang makarating na Sila sa Apartment ay bababa na sana ang Dalaga ng matawa ito sa dami ng mga bilin ni Sebastian.

"Call me if something happens."
Bilin ni Sebastian habang pinipigilan si Erin sa Kamay nito.

"Yes, Major!" Sagot ni Erin.

"Wala ka bang gustong kainin?"
Tanong ni Sebastian.

"Wala naman, inaantok lamang ako."
Sagot ni Erin.

"Sure ka ba? Para makabili tayo bago ako pumunta sa Kampo.

"I'm okay, Sige na at umalis ka na."
Taboy ni Erin.

"Huwag ka na masyadong gumalaw sa Unit natin, papuntahin ko na lamang si Shaine mamaya para may kasama ka."
Bilin ni Sebastian.

"Sige, para hindi ako mainip. Sasaglit nga pala ako sa Coffee Shop mamaya then papasok ako sa School."
Paalam ni Erin.

"Huwag ka ng babalik sa Coffee Shop, magpaalam ka na mag re-resign ka na. Tatawag na lamang ako kay Tita Glenda para kausapin ang mga Prof mo." Utos ni Sebastian.

"Kailangan ko humarap ng maayos sa Coffee Shop, hindi gaanon kadali na basta ko na lamang iiwan ang Trabaho ko. Nasanay na ako sa pagpasok doon at malaki ang utang na loob ko sa Boss ko." Wika ni Erin.

"Basta huwag kang magpapagod at mag update ka saakin."
Bilin ni Sebastian.

"Opo, Major!" Sagot ni Erin.




Nakatulog na si Erin sa loob ng Unit nila at nagising lamang ito sa pag doorbell ng tao sa labas ng kanilang Pintuan.

Nang buksan niya ito ay si Shaine na pala ito at Gabi na din, kalat na ang dilim sa paligid.

"Hi, Ma'am Erin! Pinapunta ako ni Sir Sebastian." Nakangiting bati ni Shaine.

"Oo nabanggit saakin ni Sir mo, halika pasok ka." Wika ni Erin at sinara na ang Pinto.

"Ma'am Erin ano po ang gusto ninyong lutuin ko? Teka, ang blooming mo ngayon Ma'am Erin."
Kinikilig na puna ni Shaine.

Natawa na lamang si Erin dahil sa biro ni Shaine, ng biglang tumunog ang ang kaniyang Cellphone at tsaka niya naalala na hindi pa siya nakapag update sa Binata.

Sinagot niya ang tawag.

Hello? Are you okay? - Sebastian.

Yeah, kagigising ko lamang. - Erin.

Akala ko kung ano na ang nangyari saiyo. - Sebastian.

I'm good, andito na si Shaine at magluluto na Siya. - Erin.

Okay, hindi nga pala ako makakauwi.
May biglaang Seminar kami sa Palawan for one week. - Sebastian.

Ang tagal naman! Isama mo kaya Ako?
- Erin.

Hectic ang Schedule ko doon baka hindi kita maasikaso. Babawi na lamang ako sa pag uwi ko. Basta mag update ka lamang palagi. - Sebastian.

Mag i-ingat ka ha? At please lang, walang Babae. Malinaw? - Erin.

Oo, I'll call you when I get there. Maya maya ay aalis na kami. Mag i-ingat din kayo ng Anak natin. - Sebastian.

Nang matapos ang kanilang usapan at binaba na ni Erin ang tawag at napangiti.

"Kaya pala blooming eh, Alagang Major Sebastian yarn!"
Tukso ni Shaine.

"Syempre naman."
Natatawang sagot ni Erin.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now