SELOS

1.4K 10 0
                                    

Tatlong Araw na ang lumipas ng umalis si Sebastian papuntang Palawan, hindi aabot ng isang Linggo ang kanilang Seminar kaya naman ngayon pa lamang ay balak na ng Binata na mag Beach at saktong andoon si Sky na classmate niya noong College Days niya. Tinawag Siya nito at niyaya na mag Solo picture at Groupie kasama ang ibang Sundalo na tauhan niya rin.

"Long time no see, Seb!"
Bati ni Sky kay Sebastian at niyakap ito.

Hindi nila alam na nakuhanan Sila ng Litrato habang magkausap at nagyakapan, naka two piece si Sky at kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito. Habang si Sebastian ay naka Board Shorts lamang at walang pang itaas.

"Kaya nga Sky, ang laki ng pinagbago mo ah! Nasaan ang boyfriend mo?"
Tanong ni Sebastian.

"Si General MJ ang boyfriend niyan!"
Halakhak ni Capt. Azi.

"Sa wakas, nabihag din ang Puso ng isang General MJ."
Natatawang sagot ni Sebastian.

"Puro kayo biro, ikaw ba, Seb? Kasama mo ba ang Asawa mo?"
Tanong ni Sky.

"Hindi, andoon sa Maynila. May Seminar lamang ako dito."
Sagot ni Sebastian.

"Congratulations, Major Sebastian!
Nabalitaan namin ang Kasal mo."
Bati ni Frinah.

"Salamat, Dito na muna ako at uuwi na rin ako mamaya." Paalam ni Sebastian.




Samantala ay selos na selos na si Erin sa mga Tag na Pictures kay Sebastian, while surfing sa Instagram ay nakita ni Erin ang mga Pictures ng Binata katabi ang Grupo ng mga Sundalo din at Tatlong Babae.

Sky ang pangalan ng nag post at nakikita niya kung paano nag dikit ang mga Katawan ng Dalawa sa sobrang sweet nila.

Kaya naman pala hindi ako sinama kasi may ibang babae na aasikasuhin!

Nakatulugan na lamang ni Erin ang naramdamang selos at hindi sinasagot ang mga tawag ni Sebastian.

Hanggang sa Panaginip ng Dalaga ay andoon si Sebastian at Sky na kasama nito sa Post sa Instagram at nagising na lamang ang Dalaga dahil tinatapik Siya ni Shaine para makakain.

"Ma'am Erin, kanina pa po ako tinatawagan ni Sir Sebastian. Nag aalala daw po Siya saiyo."
Wika ni Shaine.

"Hayaan mo lamang Siya, naiinis ako sa lalaking iyon." Sambit ni Erin.

"Pauwi na raw po Siya."
Imporma ni Shaine.

"Bahala Siya, pupunta ako ngayon sa Coffee Shop. May duty ako."
Wika ni Erin.

"Naku! Pagagalitan po ako, Ma'am Erin." Natatakot na sagot ni Shaine.

"Ako ang bahala." Wika ni Erin.

Matapos nila Kumain ay naligo at nag bihis na si Erin para sa pagpasok sa Coffee Shop. Mabilis ang kilos ni Erin dah baka abutan Siya ni Sebastian.

Ngunit sa paglabas niya ng Apartment ay natanaw na agad niya si Sebastian. Hinintuan Siya ng Binata.

"Huwag ka ng pumasok."
Wika ni Sebastian.

Tuloy tuloy lamang si Erin sa paglalakad at hindi pinansin ang Lalaki. Bumaba ito ng sasakyan at sinundan Siya.

"Sky is just my classmate's way back in College! Nagkataon na nakita niya Ako at kinamusta niya Ako."
Paliwanag ni Sebastian.

Loka talaga to si Shaine! Nagsumbong pa! Bulong ni Erin sa kaniyang isip.

Huminto ang Dalaga at hinarap si Sebastian.

"Bakit nagpapaliwanag ka pa?"
Naiinis na tanong ni Erin.

"Dahil nag selos ka, bumalik na tayo sa loob at baka mapano pa kayo ng Anak natin." Mahinang bulong ni Sebastian.

"Classmate pero kung makayakap."
Bulong na maktol ni Erin.

Tumawa ng malakas si Sebastian dahil he found it cute ng mag maktol ang Dalaga. Kaya niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

"Magpahinga na tayo, may mga pasalubong ako." Lambing ni Sebastian.

Bigla namang napa hikbi ang Dalaga dahil sa paglalambing ni Sebastian biglang nawala ang selos niya.

"Dumaan na muna tayo sa Coffee Shop, andoon si Boss." Wika ni Erin.

"Let's go! Para makilala at makausap ko rin siya." Sambit ni Sebastian.

Nakilala ng Lalaki ang mag asawang Boss ni Erin sa Coffee Shop at pinaalam nila na kinasal Sila last week at Ngayon ay Buntis na ito.

"Malihim talaga itong si Erin. Andito lamang ang Coffee Shop kung nanaisin mo pang bumalik, Erin."
Nakangiting wika ng Boss ni Erin.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now