BELOW THE BELT

1.8K 9 0
                                    

Dahil sa pamimilit ng mga Magulang ni Sebastian na isama sa Bahay nila si Erin ay narito Siya ngayon at hinihintay si Erin na matapos sa Trabaho nito. Nauna na si Mamita at Paps na umuwi dahil magpapa luto at bibili pa daw ito ng Letchon.

Kaya mas lalong nag ngingit ngit ang loob ni Sebastian sa pag aabala ng mga Magulang niya para kay Erin.

Iniisip pa nga ni Sebastian na marahil ay sinadya pa ni Erin na kilalanin ang mga Magulang niya para mauto niya ang mga ito at mapalapit kay Sebastian.

Sinulyapan niya ang Dalaga at nakita niya na marami pa itong Customer kaya lumabas na lamang muna Siya at bumalik sa Kampo.

After 2 hours ay naisip na ni Sebastian na balikan si Erin dahil tinatawagan na Siya ng kaniyang Mamita.

Nakita niya si Erin na andoon sa labas ng Coffee Shop na nakasarado na at halatang Siya na lamang ang hinihintay.

Kaya binusinahan niya ito para mapansin Siya, tumayo ang Dalaga at mabilis na sumakay sa Kotse ni Sebastian.

"Bastie, I'm sorry sa paghihintay. Pwede ba muna tayo dumaan sa Bahay? Magpapalit lamang ako."
Alanganing tanong ni Erin.

"Pinag hintay mo na nga ako, ginawa mo pa akong Driver na kung saan saan pa dadaan."
Inis na wika ni Sebastian.

"Bastie, huwag ka ng magalit. Sige ka, papangit ka niyan."
Biro ni Erin.

"Whatever! Saan ba nag inyo?"
Tanong ni Sebastian.

"Sa Bagong Buhay St."
Sagot ni Erin.

"Wow! Sakto andoon ang mga Apartment na paupahan nila Mamita ah? Ang galing naman pala talaga ng tyempo mo para magpa awa sa Parents ko." Insulto ni Sebastian.

"Hindi iyon katulad ng iniisip mo, Bastie. Nagkataon lamang na---."
Putok na sagot ni Erin.

"Na ano? Na sinadya mo na makilala Sila Mamita para mas gumana ang Buhay mo? Ganoon ba?"
Pang iinsulto muli ni Sebastian.

"Hindi iyon---." Pinutol na naman ni Sebastian ang sagot ni Erin.

"Huwag ka na lamang magsalita, baka pababain na kita ng Kotse ko."
Inis na pakli ni Sebastian.

Hindi na lamang kumibo si Erin kahit na nainsulto Siya sa pinag sasabi sakaniya ni Sebastian. Tumingin na lamang Siya sa labas ng Bintana at nagpigil na umiyak.

"Dito ka na lamang, sandali lamang ako." Bulong ni Erin.

Ngunit hindi alam ni Erin na palihim Siyang sinundan ni Sebastian at nakita ng Binata kung paano ito nagmano sa Isang Babae na mataba at tinulak lamang Siya nito.

Pumasok si Erin sa isang Bahay na tagpi-tagpi na isang Lindol lamang yata ay babagsak na.

Pag balik ni Erin ay nasa loob na ng Kotse si Sebastian at habang sinusuot ni Erin ang Seat belt ay nagsalita si Sebastian.

"Kaya pala ganap na ganap ka sa harap ng mga Magulang ko, gagamitin mo Sila para saakin at para sa pabagsak ninyong tahanan, Tama ba?"
Nang uyam na wika ni Sebastian.

"Bakit pati ang Bahay namin ngayon ang pinag iinitan mo?"
Sagot ni Erin.

"At bakit hindi? Kunwari ka pa na ayaw mong tanggapin ang mga Regalo nila Mamita pero sabik na sabik ka naman pala." Pang uuyam pa ni Sebastian.

"Tumigil ka na, walang katotohanan iyan." Wika ni Erin.

"Sabihin mo lamang, bibigyan na lamang kita ng Cash. Huwag mo lamang gagamitin ang mga Magulang ko para umangat ka."
Pang iinsulto pa ni Sebastian.

Hindi na lamang umimik si Erin dah naiiyak na ito sa mga sinasabi sakaniya ni Sebastian.

Pagod na nga sa Trabaho, ganito pa ang ibibintang sakaniya.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now