TOMGUTS

1K 4 0
                                    

Nang makalapit si Sebastian ay umupo ito unahan ng Erin hindi ito tumabi sa Dalaga. Hindi na lamang nito pinansin ang Binata, sumasakit na naman ang Ulo ni Erin. Kaya ipinikit na muna niya ang kaniyang mga Mata.

"Kakain lamang muna ako, I'll be back." Paalam ni Sebastian.

Gustong gusto sana ni Erin na magpa bili sa Binata ng makakain ngunit alam niya na Gold ang presyo ng mga paninda sa loob ng Airport.

P300 na lamang ang Pera na hawak niya at kailangan na umabot iyon sa loob ng 15 days na makabalik Sila sa Pilipinas. Matagal pa ang sahod niya at natatakam Siyang kumain ng masasarap.

Kagabi pa ang maayos na kain ng Dalaga sa Mansion pa ng mga Gariando, sa isip ni Erin ay hindi dapat niya sanayin na kumakain ng masasarap upang hindi masanay ang kaniyang Tiyan, lalo lamang siyang nagugutom.

Kaya para hindi na kumalam ang kaniyang sikmura ay nagbukas Siya ng kaniyang Dalawang biscuit. Mayroon pa naman siyang Dalawang balot na dala para kung magutom Siya.



Samantala pabalik na sa Terminal 3 si Sebastian at nakita niya na kumakain si Erin ng Biscuit, kahit noong bago pa Sila ikasal ay madalas niya itong nakikita na kumakain ng mga Biscuit.

Ngunit nakaramdam ng awa si Sebastian ng makita niya ang Dalaga na binibipang ang mga Biscuit niya na nasa loob ng Bag.

Bakit kaya Biscuit lamang ang kinakain niya? Ano ito paawa? Bahala Siya sa Buhay niya!

Alam ni Sebastian na hindi pa ulit kumain ng matinong Pagkain si Erin dahil wala namang Stock ng Pagkain ang Babae sa kanilang Unit puro mga Stocks lamang ni Sebastian ang andoon.

Baka kumain na Siya bago pumunta dito.

Paglapit ni Sebastian sa pwesto ng Babae ay nakapikit na itong muli at hindi Siya pinansin.

Mahaba pa ang Oras na hihintayin nila kaya matutulog sana si Sebastian sa kaniyang inuupuan ay naririnig nito na kumakain na naman ito ng Biscuit.

Baka favorite niya talaga ang mga Biscuit!

Ilang beses pa narinig ni Sebastian ang pagbukas ni Erin ng mga Biscuit, inalok pa nito ang mga Bata na katabi niya.

Maya Maya ay narinig ni Sebastian na may kausap si Erin sa kaniyang Cellphone at nanatili pa rin ang Binata at hindi ito gumalaw.

"Hello, Mamita! Kamusta po kayo? Waiting na lamang po kami sa Flight namin, andito na po kami sa loob ng Airport." Ani ni Erin.

Tumahimik ang dalaga, siguro ay pinapakinggan nito ang sinasabi ni Mamita Adriana.

"Yes, Mamita. Katatapos lamang po namin kumain, kayo rin po diyan ni Paps ingat po kayo. Huwag po kayong papalipas ng gutom."
Paalala ni Erin.

Narinig na lamang ni Sebastian na binaba na ni Erin ang tawag dahil tumahimik na ito at ngumunguya muli ng kaniyang Biscuit.

Hindi na lamang pinansin ni Sebastian ang ginagawa ng Dalaga, naka idlip na ang Binata ng tapikin Siya ni Erin.

"Bastie, pasok na tayo sa Plane."
Mahinang bulong ni Erin.

Tumayo ang Binata at sinundan na lamang Siya ng Dalaga, ngunit paika-ika na si Erin sa likod ni Sebastian dahil kumikirot pa rin ang kaniyang Ulo at sobrang nahihilo ito.

Hanggang maka pwesto na ang Dalawa at si Erin ang nasa Bintana. Ayaw niya sa pwesto na iyon dahil mayroon siyang Fear of heights.

"Bastie, pwede bang magpalit tayo ng Seat?" Pakiusap ni Erin.

"Diyan ka na." Wika ni Sebastian.

Walang nagawa ang Dalaga kundi pumikit para makatulog na muna Siya dahil pakiramdam niya mahihimatay na Siya.

POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now