Nagmamadali na si Erin sa pagpasok sa kanilang School ng pag tripan Siya ng kaniyang mga nakasalubong. Tinapunan Siya ng mga ito ng kape na sobrang init na binili nila sa Starbucks.
Napa hiyaw si Erin sa sobrang hapdi ng init na nanggaling sa Kape.Tumawa ng malakas si Raymart De Jesus sa naging Reaksyon ni Erin, alam niya na mainit pa ang Kape na hawak niya kaya sinadya niya na matalisod kunwari sa harapan ni Erin.
Hindi alam ni Erin kung bakit napaka init ng ulo sa kaniya ni Raymart at ng ibang Estudyante sa kaniyang pinapasukan na University.
Kaya nga halos walang Kaibigan si Erin sa Lugar na iyon dahil masasama ang mga Ugali nila doon. Porket mayayaman at mga Anak ng may ari sa kanilang School ay ganito na ang mga Ugali.
Tunay nga na hindi nabibili o napupulot basta lamang sa Salitang Respeto. Ayaw ng gulo ni Erin kaya umiiwas Siya sa mga ito kaya lamang ay mas lalo Siyang pinag iinitan.
Isa siyang Scholar kaya nga mas lalo niya na lamang ginagalingan kahit wala siyang sapat na pahinga.
Iisa lamang ang kaniyang Uniform, kaya kahit umuwi Siya wala ring saysay dahil ito lamang ang kaniyang Uniform.
Habang naglalakad ay nagdadasal Siya dahil pakiramdam na naman niya ay mag isa na naman siya sa Buhay.
Walang kakampi.
Walang mag-tatanggol.
Walang nagmamahal.
Pumunta siya sa C.r ng School at winisikan ng Tubig ang parte ng tinapunan ng Kape ni Raymart.
Napa buntong hininga Siya dahil sa nangyari, kahit pa sinasanay niya ang sarili na hindi dapat siya ma apektuhan sa mga masamang ginagawa sa kaniya ng mga Estudyante ay nasasaktan pa rin Siya.
Nang matapos ang kaniyang klase ay Umupo muna Siya sa Garden ng School kung Saan walang Estudyante na makakakita sakaniya.
Kinuha niya ang kaniyang baon sa Bag niya para mamaya sa Bahay ay maliligo na lamang Siya at papasok.
Mayroon pa siyang isang biscuit at may dala Siyang Tubig na inumin, wala na kasing natitira sa kaniya kapag sweldo niya. Ibinibigay niya lahat sa kaniyang Tiya Osang upang hindi Siya pag initan at makatulong din sa gastusin.
Wala rin naman siyang naabutan na pagkain sa Bahay ng kaniyang Tiya Osang, walang kanin at walang ulam.
Kaya kapag may extra Siya binibili niya agad ang Biscuit para may Stock Siya.Pagkatapos niyang Kumain ay tinapon niya na sa Basurahan ang balat ng Biscuit, at inubos niya ang laman na Tubig sa kaniyang Thumbler para mabusog na siya.
Nagsimula na maglakad si Erin pauwi sa Bahay ng Tiya Osang niya para maligo at magbihis para sa kaniyang pag pasok sa Coffee shop.
May kalayuan ang Bahay ng kaniyang Tiya Osang sa School at maging sa Coffee Shop. But she had no choice, ayaw niyang gumastos para lamang sa pamasahe dahil kaya naman niyang lakarin
Nagmamadali si Erin na maligo at magbihis dahil ayaw niya na mahuli sa kaniyang trabaho, 30 minutes pa Siyang naglalakad mula sa Bahay ng Tiya Osang niya papunta sa Coffee Shop.
Habang naglalakad Siya ay napansin niya si Bastie na kumakain sa isang Karinderya sa madadaanan niya, tinapik niya ito at tinabihan.
"Hi My Bastie!" Wika ni Erin.
"I'm not yours, Erin. Huwag mo akong asarin ngayon." Sambit ni Bastie.
"Pakain naman ako, mukhang masarap iyan ah!"
Biro ni Erin dahil nakaramdam Siya ng gutom at nagbaka sakali na manlibre si Bastie."Umalis ka na." Wika ni Bastie.
"Pwede bang makikain?" Biro muli ni Erin.
"Edi kumain ka pero hindi kita ililibre." Sagot ni Bastie.
Napayuko na lamang si Erin dahil gutom na gutom na talaga siya pero ayaw naman ng Dalaga na magmukhang patay gutom.
"Hindi, Joke lang. Eat well, Bastie.
Una na ako."
Ngiti ni Erin kahit kumakalam ang kaniyang sikmura.Tinuloy na lamang niya ang paglalakad at nakarating na sa Coffee Shop, saglit lamang nagpahinga si Erin at sumabak na ito sa Trabaho.
Sobrang dami ng Customer nila ngayon kaya naman habang nasa Cashier Siya at wala ng umorder ay tumtulong siya na mag serve ng mga orders para hindi Siya matambakan ng Trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/368930524-288-k599052.jpg)
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️ Siya si Erin Del Rio, ulila na sya at nakikitira lamang sa kaniyang Tiyahin na ubod ng sama ng ugali. Working Student si Erin dahil gahaman ang kaniyang Tiyahinna si Tiya Osang sa mga naiwan na ipon ng kaniyang mga Magulang para sana...