Bago pa makalabas ng sinakyan nila na Airplane si Erin ay hirap na hirap na Siyang makalakad dahil sa nararamdaman niya. Halos hindi na niya makita si Sebastian sa dami ng
mga tao, minsan ay nabubunggo pa siya kaya ilang beses pa siyang muntik bumagsak.Nang makalabas si Erin ay ramdam na ramdam niya ang Lamig sa paligid, kaya ubo na Siya ng ubo dahil hindi Siya sanay na makaramdam ng ganoong kalamig na klima.
Patay! Trangkasong malala talaga ito sa sobrang Lamig pala dito ngayon!
Pag angat ng tingin ni Erin ay seryosong Mukha ang nakita niya sa Binata kaya kahit hirap siyang maglakad ay binilisan na lamang niya.
"Ang tagal mo kumilos! Baka mamaya ay matagal maghintay na saatin si Fiona." Inis na pahayag ni Sebastian.
Dahil sa pinagsamang Puyat, pagod, gutom at trangkaso ay nahihirapan na si Erin na maglakad. Kaya ng mapantayan niya sim Sebastian ay binulungan niya ito.
"Bastie, nanghihina na ako."
Mahinang bulong ni Erin na Lamig na Lamig."Ang dami mo namang Arte!"
Ani ni Sebastian.Hindi na lamang nag salita si Erin at patuloy na Silang naglakad. Hanggang sa makita na nila si. Ralph at Fiona na sabay tumayo sa pagka kita sa kanilang Dalawa ni Sebastian.
"Welcome to Canada!"
Hiyaw ni Fiona.Lumapit si Fiona at niyakap si Sebastian gayundin ang ginawa kay Erin, habang si Ralph na boyfriend ni Fiona ay kinamayan si Sebastian.
"Thank you, Fiona."
Mahinang sabi ni Erin."Let's go! Kain na muna tayo."
Wika ni Fiona.Sumakay ang mga ito sa Raptor ni Ralph at pumunta na Sila sa Restaurant na pagmamay-ari ng mga Pinoy, mag asawa sila na nakipag sapalaran sa Canada. Nakilala ito ni Fiona ng minsan siyang kumain doon, hanggang sa lumalim ang kanilang Samahan.
"Tita Badeth, Tito Harold si Erin at Sebastian po, mga Pinoy rin. Kadarating lamang po nila ngayon."
Pakilala ni Fiona sa mga kasama."Pamilyar ang Mukha mo saakin, Erin."
Biglang wika ni Tita Badeth."Kamusta po?" Ngiti ni Sebastian.
"We're good here, so far so good. Ikaw ba iyong Sundalo na madalas ikwento saamin ni Fiona?" Tanong ni Tito Harold.
"Opo!" Proud na sagot ni Sebastian.
"Erin, Anong pangalan ng mga Magulang mo?" Kuryosong tanong ni Tita Badeth.
"Winnie at Salvador Del Rio po."
Sagot ni Erin."Are they from Bagong Buhay St. at kasama si Osang?" Biglang tanong ni Tito Harold.
"Yes po. Paano po ninyo nakilala ang Parents at ang Tiyang Osang ko?"
Nagulat na tanong ni Erin."Some other time pag usapan natin."
Wika ni Tita Badeth."Saglit lamang po kami dito eh."
Wika ni Erin."Kababata namin Sila, matagal na namin kayo hinahanap ni Osang simula ng namatay ang Parents mo."
Malungkot na wika ni Tita Badeth."Hindi naman po kami umalis ni Tiyang Osang sa Bagong Buhay St. eh."
Wika ni Erin."Ibig sabihin ay itinago ka talaga ni Osang at inangkin. Hinahanap ka namin para makarating ka rin dito."
Imporma ni Tita Badeth."Andito na po ako." Biro ni Erin.
"Kumain na muna kayo at we will talk tomorrow, I guess?" Tanong ni Tita Badeth.
Maganang Kumain si Erin dahil gutom na gutom na gutom na talaga ang Dalaga, napansin niya si Sebastian na tahimik at nakikiramdam lamang.
Matapos niya Kumain ay humingi ng Gamot si Erin kay Tita Badeth.
"Tita B., maari po ba akong humingi ng Gamot para sa Trangkaso? Hindi po ako sanay sa sobrang lamig na klima."
Wika ni Erin."Ganoon talaga, nanibago ka lamang.
Halika at bibigyan kita."
Wika ni Tita Badeth.Kaya pala hindi Siya maayos mag lakad may nararamdaman pala siya.,
Bulong ni Sebastian sa kaniyang isip dahil hindi sinasadya na marinig ang pag-hingi ng gamot ni Erin.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️ Siya si Erin Del Rio, ulila na sya at nakikitira lamang sa kaniyang Tiyahin na ubod ng sama ng ugali. Working Student si Erin dahil gahaman ang kaniyang Tiyahinna si Tiya Osang sa mga naiwan na ipon ng kaniyang mga Magulang para sana...