INSULTED

974 5 0
                                    

Nasa hapag-kainan na ang lahat ng pumasok doon si Erin, niyaya Siya ng mga ito na Umupo na at ng makakain.
Hindi alam ng Dalaga kung nasaan na si Sebastian, mas mabuti na rin na wala ito upang makakain Siya ng maayos. Habang ngumunguya ang Dalaga ay nagsalita sa Mamita.

"Erin, nailipat na ng mga Abogado ko ang paglipat sa pangalan mo ng Titulo sa mga Apartment."
Imporma ni Mamita Adriana.

Napa ubo ang Dalaga at nabilaukan sa sinabi ni Mamita, hindi niya akalain na seryoso ito na ililipat sa pangalan niya ang Titulo.

"Bakit hindi ko ito alam, Mamita?!"
Mababa ngunit may diin na boses ni Sebastian na andon lamang pala sa likod ni Erin.

"Well, now you'd know. Siya na ang mangangasiwa doon."
Balewalang sagot ni Mamita Adriana.

"You trusted her that much?!"
Madiin na tanong ni Sebastian.

"Kaya nga po, Mamita. Baka pwede pa po natin mabago." Singit ni Erin.

"Walang magbabago sa desisyon namin." Seryosong sagot ni Paps Alfonso.

Tinuloy na muna ni Erin ang Pagkain niya dahil gutom na gutom na talaga siya. Habang ang ibang mga Bisita ay tahimik lamang at walang Plano na makisali sa usapan.

"Well, in that case I think it is better if we live there since sakaniya naman na pala iyon." Wika ni Sebastian.

"Erin, anak nais mo bang tumira don?"
Mahinang tanong ni Mamita Adriana.

"Gusto niya doon, Mamita. Dahil malapit lamang sa Bahay nila ng Tiyahin niya." Agap na sagot ni Sebastian.

"Sige po, Mamita. Doon na lamang kami titira para malapit din po sa Kampo." Sagot ni Erin.

"May Dalawang unit na bakante doon, pwede nating ipa Renovate para pag isahin natin at lumuwag ang titirahan ninyo." Mungkahi ni Mamita Adriana.

"Bakit sa Apartment pa kayo titira? Diba may Bahay ka na sa Asuka Village att Kompleto na iyon ng gamit?"
Tanong ni Paps Alfonso.

"Yes, Paps. Pero mas malapit po kasi sa Kampo iyong Apartment doon."
Palusot ni Sebastian.

"Kailan kayo makakatira sa Village?"
Seryosong tanong ni Mamita Adriana.

"Pag iisipan ko na muna, Mamita."
Balik ni Sebastian.

Napayuko na lamang ang Dalaga dahil malamang ay ayaw Siya nitong patirahin sa Bahay na sarili ng Binata.

Nasaktan lamang si Erin sa Part na kahit kailanman ay hindi siya makakatapak sa sariling Bahay ng Binata sa Village na pagmamay-ari nito dahil Asawa lamang si Erin sa papel.

"Kailan kayo pupunta sa Apartment?"
Tanong ni Paps Alfonso.

"Ihahatid na po muna namin si Fiona sa Airport then derecho na po kami sa Apartment. Flight po namin bukas sa Canada." Wika ni Sebastian.

"Naku! I'm good, Bastie. Umuwi na kayo sa Apartment para makapag ayos kayo ng gamit ninyo."
Sabat ni Fiona.

"Are you sure?" Tanong ni Sebastian.

"Ayos lamang, Fiona." Wika ni Erin.

"No, I'm okay. Papahatid na lamang ako kay Raymart, magkikita kita naman tayo bukas sa Canada."
Wika ni Fiona.

"Sige, just call me if you're there already in Airport." Bilin ni Sebastian.

"Mag i-ingat ka, Fiona. See you tom."
Bili din ni Erin.

"Oo naman!" Sagot ni Fiona.

Tinuloy nila ang Pagkain at nag ayos na si Erin dahil Sila ay uuwi sa Apartment. Ngayon pa lamang ay iba na ang pintig ng Puso ni Erin dahil alam ng Dalaga na big deal ang paglipat sa pangalan niya ang Titulo.



POSSESSIVE WILD SERIES #6 ; Hold Me by ERIN and SEBASTIAN Where stories live. Discover now