XXX: Beat

238 6 1
                                    

Lineysha's Pov

"Asa!!!" Sasalubungin sana ni Ciara si Asa ngunit mabilis itong umakyat at nagtungo sa kwarto niya.

Nasa hagdan ako at kalalabas ko lang ng kwarto nang marinig kong naandito na sila.

"What happened to her?" Malungkot na tanong ni Ciara. Sa halip, si Zayn na lang ang sumalubong sa yakap nito.

"She's fine, just a little disgusted." Ani nito matapos yakapin si Ciara.

"To whom?" Kita ko ang pagngiti ni Zayn, he looks tired though. It must be exhausting.

"Gorgons." Nilibot nito ang paningin na para bang may hinahanap hangga't sa tumigil ito sa akin, nagtama ang mga mata namin he smiled at me with a sigh as if he was relieved, ngumiti rin ako pabalik sa kaniya atsaka bumaba na nang tuluyan.

"How are you?" I asked nang makababa na ako, nagpunta ako sa kitchen at kumuha ng mga baso at tubig sa refrigerator at nilagyan ito ng laman.

"I'm fine, we're fine." Iniabot ko sa kaniya ang isang baso na naglalaman ng tubig. "Thank you." I smiled at him, sunod ay iniabot ko kay Trix ang isa pang baso.

"Salamat.." he looked tired too.

Lumapit sa kanila si Harry na kaninang abala sa pagluluto sa kitchen.

"Dude." they did their dude thing, hand thing ito 'yung pagkakamay na hanggang siko. Nagkamustahan din sila. "Let's eat tapos na ako magluto." Tinanggal na nito ang apron na suot niya, tumulong naman ako sa paghahain.

"Where are the others?" Tanong ni Zayn.

"Pabalik na sila.." tumingin ako sa relo ko, it's dinner time and for sure magmamadali na silang bumalik. Hindi nga ako nagkamali dahil wala pang ilang segundo nang bumukas ang pinto.

"Whazuppdudies!!!" Saac exaggeratedly hugged them both as if he didn't see them for years, he even wiped his fake tears. "Na-miss ko kayo sobra potek!" Sandali itong natigilan na para bang may hinahanap. "Nasaan 'yung babaeng 'yun? Don't tell me namatay siya?! Please sabihin niyo oo!!" Malakas siyang hinampas sa likod ni Critzel bago ito umupo. "Aray!! Papan-ouch!!" Bigla na lang din kasing may kumotong sa kaniya, si Asa iyon na nakaupo na rin. "Ano bang problema niyong mga babae?!"

"Kala mo hindi kita narinig ah!!"

"Mga biolente!!" Nagsusumbong itong tumingin sa akin ngunit tinawanan ko lang siya.

"Kulit kasi eh..."

"Pati ba naman ikaw Neysha? Wala na talaga akong kakampi dito!"

"You still have one Saac." tapos ay kinindatan ito ni Ciara. Dahil doon ay parang batang naupo si Saac sa tabi nito.

"Thank you Cia." tumingin ako kay Zia na umupo na rin.

Magkakatabi sa left side ng table si Saac, Ciara at Harry, sa right side naman ay si Zayn, Asa, Critzel at Trix, si Zia ay nasa dulo, umupo na rin ako at tumabi kay Saac.

Simula nang dumating si Trix ay ganito na lagi ang pwesto namin.

Habang kumakain ay masaya silang nagkakamustahan, nakangiti ko silang pinagmasdan. We're complete and happy, despite the problems that we are facing.

I hope ganito na lang lagi, normal na araw lang. Studying, training, chatting and laughing together, how I hope..

How I hope that there's no war coming..

Theddeus Academy: Sea Of Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon