XXXII: Golden Flee

335 13 4
                                    

Lineysha's Pov

Umaga palang ay hinanda ko na ang mga gamit ko, bago lumabas ng kwarto sumagi sa paningin ko ang gintong coin na bigay sa akin ni Khione. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at kinuha ko iyon atsaka sinuksok sa pants ko.

Pagkalabas ko ay naandoon na ang iba pa naming mga kasama, si Zia ay nakahanda na gano'n din si Harry.

Napatingin ako kay Zayn na hindi maganda ang timpla ng mukha. Kahit na nakakunot ang noo it still can't deny his good looks, perks of being descendant of Aphrodite. Minsan nga iniisip ko na mas maganda siguro siya sa akin kung naging babae siya.

"Just stay here." muling pamimilit niya sa akin pero nakangiti lang akong umiling.

"Let's go." nagsalita na si Zia. "Zayn, you're in charge here." Zayn sighed. "We will come back as soon as possible." Tinanguan kami ni Zia kaya sumunod na kami sa kaniya.

"Mag-ingat kayo dude" tinapik ni Saac ang balikat namin, si Critzel naman ang sumunod na lumapit sa amin at niyakap kami isa-isa.

"Take care."

"Pasalubong ko ah." nginitian ko sila, si Trix naman ay tumango lang sa amin.

Nasaan siya? Hinanap ng mata ko si Ciara ngunit hindi ko siya nakita.

"Take care, no bruises when you come back." Kumurap-kurap ako, Zayn obviously used his ability. "Once it took y'all too long, I'll go and fetch you myself." Tumango kami at lumabas na nga.

Sa gate ng Academy ay nakita kaming nakaparadang sasakyan, napangiti ako nang masilayan ko kung sino ang nakatayo sa tabi nito.

It was Ciara, she was holding something in her hand.

Nang makalapit na kami sa kaniya ay agad niya akong sinugod ng yakap. I smiled bitterly, ang bait pa rin niya, hindi ba siya galit sa akin?

"It's okay Neysha, I'm not mad, I understand..." Hindi ko naiwasan ang panunubig ng nga mata ko.

"Thank you Ciara..." Sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. She's a different kind of woman, she always understands me, she's always there for me, she always supports me, I never had someone like her in my life. And it makes me feel so bad that I kept a secret from her.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko, pinunas niya rin ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. "I told you, we're always here for you so if something is burdening you don't hesitate to share it with us. Gosh you're such a cry baby." May iniabot siya sa aking box. "Here, I made that, you guys can share it while traveling." Tinanggap ko ito. "Take care, and thank you." Ngumiti ito ng matamis sa amin.

"Let's go." nagpaalam muna sila at nauna namang pumasok sa sasakyan si Zia, naupo siya sa passenger seat ako naman ay umupo sa back seat. Naiwan sa labas si Harry at kita kong nag-usap muna sila ni Ciara, hinalikan ni Harry si Ciara sa noo bago pumasok sa driver's seat.

Ibinaba ko ang bintana ko at kumaway sa kanila. I sighed, another mission, I hope this one goes well.

..

Hinihingal akong nagtago sa likod ng malaking bato.

I'm not well informed na puro pala Cyclops ang makakaharap namin. And what worse is they're not a normal Cyclops.

They are big, quite big. Kasing laki nila ang two story building, at hindi lang iyon dahil napakarami rin nila.

Totoo ngang dangerous dito, dahil pugad pala ito ng mga cyclops. Paano sila nakakpagtago sa mata ng mga mortal?

Theddeus Academy: Sea Of Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon