09: Clear

603 11 0
                                    


"B-but, why?" Nauutal-utal na sagot ni Aiah. Muling nagkibit balikat si Mikha.

"Kasi, I feel like I want to get to know you." Mataman siya nitong tinitigan bago siya nito ayain na magpatuloy sa paglalakad.

Nauuna si Mikha ng ilang hakbang, nasa likod si Aiah. Abot langit ang nararamdaman niyang saya ngayon habang naririnig mula kay Mikha ang mga katagang iyon. Sinamantala niya na nakatalikod si Mikha at pinagmasdan kung paano ito lumakad habang nasayaw ang pulang mahaba nitong buhok. Naisip ni Aiah na bukod sa pagkakauntugan nila ni Mikha sa bahay nila ay ito lamang talaga ang unang beses na nagmasolo ang isa't isa. Lahat ng pangamba, at pag-de-deny sa nararamdaman niya ay napalitan ng pangungulila at saya sa muling pagkakasama nila.

Wala sa sariling aabutin na sana niya ang mga kamay ni Mikha nang maalala niya ang kaniyang kapatid.

"Mikha, what about Ian?" Huminto ito sa paglalakad at lumingon para hawakan siya sa magkabilang balikat. 

"Aiah, you have nothing to worry about. Sinabi ko na sa kaniya na hindi na kami pwede. I can't be his girlfriend anymore, hindi ko siya mahal." Naguguluhang napakunot ang noo ni Aiah.

"What do you mean? Girlfriend?" Ngayon ay si Mikha naman ang napakunot ang noo.

"Sabi niya boyfriend ko raw siya. He is even welcomed by my parents, especially my mom whenever he come over to our house. He insisted on courting me so he could earn my love back pa nga, eh." Para nang nagpapalaparan na ng noo sina Mikha at Aiah sa sobrang pagkakasalubong ng parehong mga kilay nila.

"Huh? Are you being serious right now, Mikha Lim?" Sa mga oras na ito ay nakakaramdam na ng galit si Mikha.

Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Ian, at ng mga magulang niya. Base kasi sa tono ng pananalita at ekspresyon ng mukha ni Aiah ay halatang wala itong kaalam-alam sa mga sinasabi niya, pero napaka imposible noon dahil hindi maipagkakailang malapit ito sa kapatid niya... Imposibleng kahit minsan ay hindi nabanggit ito ni Ian sa kaniya na magnobyo sila, kung magkataon man.

"I am dead-fucking-serious." Maski si Aiah ay nabibigla sa mga naririnig niya mula kay Mikha. Ang tanging alam niya lamang ay pinupursigi ni Ian na makuha ang loob ni Mikha, pero hindi niya alam na aabot sa ganoon ang kapatid niya. 

"No, that's not true... Kahit kailan hindi naman naging kayo--" Bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin ay mabilis at malalaking mga habang ang ginawa ni Mikha pabalik sa resort nila. Alam ni Aiah na galit na galit ito, naririnig niya pang magkasabay na pinapalagutok ni Mikha ang magkabilang kamay nito. 

Nang maabutan niya ito ay hinila niya ang braso nito dahilan para lingonin siya ni Mikha. Nakita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha galing sa mga mata nito. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap si Mikha. 

Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Mikha. Marahil ay labis-labis ang galit nito sa kapatid niya na alam niyang makatwiran naman. Hindi tama ang ginawa ni Ian, walang sino man ang may karapatan na imanipula ang buhay at pagkatao para lamang makuha ang gusto.

Kahit kailan ay hindi siya naipakilala ni Mikha sa ama nito dahil palaging nasa mga business trip, kaya hindi nakapagtataka na hindi siya nito kilala. Tanging ang ina lamang ni Mikha na si Jennel ang palaging naaabutan niya kapag isinasama siya ni Mikha sa bahay nila. Alam ni Aiah na ayaw sa kaniya ng nanay ni Mikha dahil sa tuwing pupunta sila ni Mikha na kasama ang mga kaibigan nitong sina Stacey, at Jhoanna ay ngingiti lamang ito kapag nandiyan si Mikha at mapang-husga siyang tinitingnan kapag wala ang anak nito.

Pakiramdam niya ay para siyang nasa telenovela ng ABS-CBN na isang mahirap na babae na nagustuhan ng isang haciendero, pero ayaw ng mga magulang ng binata kaya inaapi siya. Iyon nga lang, iba ang sitwasyon niya dahil pareho naman silang mayaman ni Mikha ngunit ang problema ay pareho silang babae ng nagkakagusto sa kaniya. 

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon