18: Chicken Dinner

444 9 0
                                    

Third Person's P. O. V.


"Stop, Jhoanna." Angil ni Mikha sa kaibigan.

"Mikha, tara na. Sumama ka sa'kin ako ang bahala sa'yo." Kanina pa dumating si Jhoanna sa bahay nila dahil ito ang ipapasama ni Jennel kay Mikha sa blind date ngayong gabi sa anak ng dati niyang kaklase.

"Over my dead body. Kanina mo pa ako pinipilit, and hindi magbabago ang sagot ko." Napabuntong hininga na lamang si Jhoanna dahil nakikipagmatigasan talaga si Mikha. 

"Mikhs, isang beses lang naman. Ganito, pwede mo namang puntahan ito ngayong gabi, tapos pakitaan mo na lang ng masamang ugali para hindi ka na niya gustuhing makita ulit." Naisip na tama nga naman ang sinabi ni Jhoanna. Pwede nga naman iyon ang gawin nila para lang mapaniwala ang ina niya para hindi na siya kulitin. 

Isa pa, ito lamang ang nakikita niyang pagkakataon para makalabas ng bahay nila mula nang makauwi siya rito. Tumingin si Mikha kay Jhoanna bago magturan.

"Fine, I'll go with you but on one condition." maigi namang pinakinggan ni Jhoanna ang kondisyon ni Mikha. Hindi sana siya papayag pero dahil gusto niya ring makabawi kay Mikha ay handa siya nitong tulungan para magawa ang plano nito.

"Tita, alis na po kami." Pagpapaalam ni Jhoanna nang makababa sila ni Mikha ng hagdanan. 

Mikha is wearing a laced black dress with her hair down. Meron lamang itong light make up. 

"Mabuti naman at nakumbinsi mo siya, Jhoanna. Mabuti ka talagang kaibigan. Oh siya, sige na get going na at malapit na rin mag-seven pm. Mag-iingat kayo. Enjoy, Mikha my dear." Nginitiang pilit lamang ni Mikha ang kaniyang ina bago sila lumabas ni Jhoanna. 

"Yep, you really are a great friend." Ani Mikha bago sila makapasok ng kotse ni Jhoanna.

"Di ko alam kung compliment ba yan o sarcasm sa mga nangyayari ngayon," tinawanan lang ni Mikha ang sinabi niya.

Inihatid na ni Jhoanna si Mikha sa bahay ng mga Arceta. Hindi pa masyadong kumbinsido si Jhoanna sa mga plano ni Mikha pero naniniwala naman siya na hangga't kasama ito ni Aiah ay hindi na niya kailangang mag-alala pa para sa kaibigan.

"Go na, Jho. Si Shee 'yan. Pinsan ni Aiah. Pumunta ka na sa restaurant, baka maghinala na si Mom." Ani Mikha bago bumaba ng sasakyan.

"Wait, Mikhs. Sure ka ba sa ginagawa na'tin?" Nginitian lamang siya ni Mikha bago nagturan.

"I'll be fine, at hindi sarcasm yung sinabi ko kanina. You really are a good friend." Iyon lamang ang sinabi ni Mikha at tumakbo na ito papalapit sa gate para kausapin si Sheena.

Pinatakbo na ni Jhoanna ang sasakyan at pumunta sa dapat ay date ni Mikha. Bahala na kung ano ang gawin ni Jennel sa kaniya, muntik nang masira ang buhay ng kaibigan niya dahil sa kagagawan niya kaya tama lang na makabawi siya rito. 

Malapit na mag seven-thirty na nang makarating si Jhoanna. Nanalamin muna siya para ayusin ang sarli niya at mag apply ng kaunting make up. 

"Okay, you got this Jhoanna. Magpapanggap ka lang na si Mikha, at pasasamain mo lang ang ugali niya. Iyon lang, tapos na. Huwag ka magpapahuli para hindi mabuko ni Tita Jennel. Kaya mo 'yan, para kay Mikha 'tong gagawin mo." Pagkukumbinsi niya sa sarili bago siya bumaba ng sasakyan.

"Good evening po, Ma'am. May reservation na po ba kayo?" bungad sa kaniya ng isang staff. Tiningnan niya ang text sa kaniya ni Jennel at isang Mr. Vergara ang kaniyang kikitain.

"Yes, please. Under Mr. Vergara." tugon nito at iginiya siya nito sa isang mesa sa may tabi ng bintana.

Ang akala niya ay wala pa ang dapat ay kameet ni Mikha pero makita niya ang isang green na panyo na may isang maliit na bulaklak na nakaburda.

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon