Third Person's P. O. V.
A woman entered the hospital room. She looked at Mikha's sleeping figure. It's been weeks na ata nang huli niya itong nakita. Hindi niya inaakala na hahantong na naman sa ganito. Sa tagal nilang nagkasama ni Mikha ay dapat nanindigan siya sa kung ano ang tama. Sana naging tapat siya rito.
Nag-uunahan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata niya. Kung sana lang noong una pa lamang na bumalik ito at sa mga araw na nakasama niya ito ay sinabi na niya ang totoo, maiiba kaya ang kapalaran ni Mikha?
Sana hindi ko ipinagkait sa'yo ang katotohanan, Mikhs.
Unti-unting nagdilat ang mga mata ni Mikha. Hindi niya inaasahan na ang babaeng nasa harap niya ngayon ang bubungad sa pag gising niya.
"Jho?" Natigalgal si Jhoanna nang marinig ang boses.
Agaran niyang pinunas ang mga mata pero tila mas lalong nabasa lamang ang mukha niya.
"Mikhs!" Niyakap niya ito nang mahigpit at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Teka, nasan ako? Nasaan si Ian? Siya ang may gumawa sa akin nito." Lumingon lingon ito bago dugsungan ang kaniyang mga tanong. "Si Aiah?"
Tumahan na si Jhoanna bago nagturan. "Nahuli na si Ian nang isinugod ka niya rito sa hospital, Mikha. Pinadala siya sa psychiatrist ng dad niya para ipagamot bago harapin ang mga kaso na isasampa ng mga magulang mo sa kaniya. Ligtas ka na, wala ng mananakit sa'yo."
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig mula sa kaibigan niya. Ngunit may isang tanong pa siya na hindi nasasagot ni Jhoanna.
"Aiah? Where's Aiah?" Nanatiling tahimik si Jhoanna.
"Why? Why aren't you answering me? May nangyari ba?! Tell me where is she--" pinutol na ni Jhoanna ang sasabihin niya. Umiwas ito ng tingin at tumugon.
"Okay lang si Aiah, Mikhs. Hindi lang talaga siya makapunta sa'yo." Nagsalubong ang kilay ni Mikha sa pagtataka, "Bakit? Jho, ano ba ang nangyayari?"
"Pinagbawalan siya ng Mommy mo na lumapit sa'yo. Nagpalagay ng security guards si Tita Jennel sa labas ng room mo. Family, doctors, and nurses lang ang ina-allow makapasok." Nabigla naman si Mikha sa narinig niya.
"Oh, why are you here? Don't tell me cousin pala talaga kita?" ani Mikha at bahagyang natawa si Jhoanna.
"Hindi, nagsinungaling lang ako na may kailangan kang ihabol na project dahil may kailangan kang malaman." Seryoso ang mukha nito.
"What is it?" tanong ni Mikha.
Sasabihin na ni Jhoanna ang totoo.
"Mikhs, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo ang tungkol sa inyo ni Aiah--" Hindi siya pinatapos ni Mikha.
"Hold up, alam mo ang tungkol sa amin ni Aiah?" Tanging pagtango lang naitugon niya.
"Then, why didn't you tell me Jho?! You and Staks know how much I hate spending time with that bastard Ian, and yet all this time alam mo pala na may past kami ng kapatid niya?! What kind of friend are you? Were you all just playing withe me?!" Napalakas na ang boses ni Mikha kaya pinipilit itong pahinaunin ni Jhoanna.
"Mikha, calm down first. Let me explain. Alam ko na ang tanga ko sa part na hinayaan lang kita na aligiran ni Ian kahit alam ko ang sa inyo ni Aiah--"
"Mabuti alam mo." Sabat ni Mikha.
Hindi siya sinisisi ni Jhoanna kung bakit ganito ang pakikitungo sa kaniya ng kaibigan niya kaya ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.
"Malamang nakalimutan mo na pero sikreto lang nating tatlo ni Stacey na anak ako sa labas ng isa sa mga deans ng university natin. Walang ibang nakakaalam sa school kung hindi tayong tatlo lang at ang tatay ko mismo, kaya hindi ko rin alam kung paanong nalaman iyon ng Mom mo. Ginamit niya 'yon against me. Alam niyang kilala namin si Aiah dahil kasama mo kami noong unang beses na ipinakilala mo si Aiah sa kaniya."
BINABASA MO ANG
You Caught My Attention
FanfictionMikha Lim lost her memories from a car accident. Desperate to regain her memories, she finds herself attracted to her lover's older sister, Aiah Arceta. Will Mikha remember her past? How will she live in a world where she can not remember anything...