10: In Mama Mary We Trust

661 13 0
                                    

Nakadantay ang ulo ni Mikha sa balikat ni Aiah habang nakaupo pa rin sa puwesto nila kanina. Sa mga oras na ito ay madilim na ang kalangitan, tanging ang bilog na buwan at mga bituin na lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Bumalik na ang tubig sa dagat dahil low tide na. Walang iniinda lamig sina Mikha at Aiah dahil magkadikit ang mga braso nila, ramdam ang init ng isa't isa.

"Mikha?" Basag ni Aiah sa katahimikan.

"Hmm..." Tugon naman nito.

"Huwag ka mabibigla, okay?" This time Mikha looked at her.

"Why? Ano ba iyon, Aiah?" Huminga si Aiah nang malalim bago nagsalita.

"You..." turo niya kay Mikha.

"Kinda... used to..." kinakabahan siya sa titig ni Mikha.

What if isipin niya na ako naman ang nangloloko sa kaniya? 

Gusto nang sabihin ni Aiah kung ano ang mayroon sa kanila dati, pero nag aalangan siya dahil sa mga rebelsayong nalaman sa kaniya ngayon ni Mikha. Baka isipin nito na siya naman ang manloloko kay Mikha.

Nasimulan mo na, Aiah. Tapusin mo.

"What? What about me?" Mikha is now looking at her intently, Aiah could't take it anymore. Bakit naman siya mahihiya kung iyon naman talaga ang totoo?

"YouusedtocourtmeandtagalongeverywhereIgo. Youevenmakebakodtomekahitwalangtayojustbecauseyoudon'twantmetobesurroundedbypeoplewholikemeaswell. Gustomonaikawlangangmagaasikasoatmagaalagasakin." Isang hinghang bulalas ni Aiah.

"Huuh?? Ano?" Sinubukan naman ni Mikha ang sinasabi ni Aiah, kaso sobrang bilis talaga.

"Mikha Lim naman, eh." Bahagyang natawa si Mikha sa ekspresyon ng mukha ni Aiah dahil mukha itong nahihiya at bahagyang nakanguso.

"What? Ano ba, ang bilis mo masyado magsalita. Say it properly, hahaha" Tawang-tawa si Mikha, at si Aiah ay nagtakip na ng kamay sa mukha. Tinanggal iyon ni Mikha, at tumingin sa mga mata ni Aiah.

"Sabi ko, You used to court me and tag along everywhere I go. You even make bakod to me kahit walang tayo just because you don't want me to be surrounded by people who like me as well. Gusto mo na ikaw lang ang mag aasikaso at mag aalaga sakin." Nakatingin lang si Mikha sa katabi niya. Ilang segundo niyang pinroseso ang sinabi ni Aiah bago nagsalita.

"What? Really?  Are you being for real?" Aiah looked away and replied.

"Yeah, but if you're thinking na baka niloloko kita, I just want you to know na I'm not that kind of person." She heard Mikha chuckled kaya ibinalik niya ang tingin dito.

"What's so funny?" Nakakunot na noong tanong ni Aiah.

"Don't get me wrong, Aiah. It's not that I don't believe you, okay? It's just that after all that's been going on for the past few weeks since I regained consciousness, ngayon ko lang hindi kinwestyon yung information na nalaman ko tungkol sa akin. For some unknown reasons, your words feel so genuine." Nginitian siya ni Mikha. 

"It felt so right hearing those words coming from you, Aiah." Sa paningin nilang dalawa ay walang sino man ang nag-e-exist kung hindi sila lang. 

Ilang sandali lamang ay narinig nila ang boses ni Colet na tinatawag sila. May akay ito habang papalapit sa kanila.

"Kumusta, love birds? Tama na ang bebe time, hindi ba kayo nilalamig?" Pang aasar nito nang malapitan sina Mikha at Aiah.

"Whatever," Inirapan lang siya ni Aiah.

"Says the one na may kasamang babae kahit gabi na," nguso ni Mikha sa katabi ni Colet.

"Hello po. Ako ang nag-iisang uyab ni Colet HIHIHI," pagpapakilala nito at kinamayan pa sina Mikha at Aiah. Muntik pa ito masubsob sa buhanginan kung hindi lang nasalo ni Colet.

"Huh? /Uyab?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Buang ka. Wag niyo pansinin itong lasing na 'to, samahan niyo na lang ako para maihatid ko na ito sa kung saang Lupalop ba ang cottage nito." Tutulungan sana ni Aiah si Colet na akayin si Maloi nang pigilan siya ni Mikha.

"Ako na," Tinaasan lamang siya ng kilay ni Aiah.

"Luh, bet mo?" Pabirong sinamaan siya ng tingin ni Mikha.

"No way! Wag na lang, kaya na ni Colet iyan." Sabay bitaw sa kabilang braso ni Maloi kaya muntik na naman sila ma-out of balance ni Colet.

"Piskit! Lumayas na nga kayong dalawa, ako na bahala dito." Pareho namang nagtawanan sina Mikha at Aiah bago nagtatakbo palayo sa dalawa.

Habang naghihintay sa elevator ay nagsalita si Mikha.

"So, Aiah. You said, I used to persuade you before my accident?" nginitian siya ni Aiah at tumango.

"Yes, and correction it was OUR accident," medyo napataas ang mga kilay ni Mikha. Hindi niya alam na kasama niya noon si Aiah, may mga tanong na namang namumuo sa utak niya.

"Shush, enough information for today. Saka na tayo mag-fill in the blanks ng mga nangyari. Magpahinga na muna tayo." Nararamdaman niya naman na mapagkakatiwalaan si Aiah kaya sumang-ayon na lamang si Mikha.

"Paano pala tayo?" Muling tanong ni Mikha nang makapasok sila sa elevator.

"Hindi pa naman tayo humantong sa ganoon before." Turan ni Aiah at pinindot ang floor ng suite nila.

"Hindi 'pa' so, ibig sabihin may possibility na na mag-kakaroon pa lang?" Ngising-ngising tanong na naman ni Mikha kay Aiah na inirapan lang siya nang pabiro. Ganoon lang ang inasal ni Aiah para maitago ang kilig na nararamdaman.

Hindi talaga mauutakan ang isang Mikha Lim.

Tumahimik na sila nang may ibang pumapasok na sa elevator. 

Nang naglalakad na sila ni Mikha papunta sa pinto ng suite nila nang mag-vibrate ang phone niya. Nagmessage sa kaniya ang Dad niya.


Dad: Aiah, I won't be returning sa resort tonight. I have to go somewhere, but I will be back tomorrow.

Aiah: Okay po, Dad. Ingat po kayo.


Nang nasa tapat na sila ng pinto at hinahanap na ni Aiah ang susi ay parang biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Si Ian ay bumalik na sa Manila, habang ang tatay niya ay nasa hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas. Si Colet naman ay wala pa rin dahil hinahanap ang cottage ng babaeng lasing na kasama nito kanina. Hindi niya mapigilang makaramdam ng malisya sa katawan dahil ibig sabihin ay sila lamang ni Mikha. 

Ano ka ba, Aiah? Wala naman kayong gagawing masama ni Mikha. It's not like mga bata pa kayo. Sermon ng isang boses ni Aiah sa utak.

What are you talking about? Wala namang mangyayari na kung ano! Sabi naman ng isa.

Aiah shook her head to clear her thoughts. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya, nararamdaman niya nang umiinit ang mukha niya.

"Are you okay?" Napatalon siya nang marinig niya ang boses ni Mikha sa likod niya.

"H-huh? Oo naman, bakit?" Nauutal-utal pa niyang sagot. Aiah, get a grip.

"You sure? Kanina mo pa kasi hawak yang key pero hindi mo pa rin ino-open yang door." Turo ni Mikha sa kamay niya na nakaporma lang na ipapasok na ang susi sa keyhole.

"I just feel guilty about Colet dahil iniwan natin siya." Pagpapalusot niya para hindi pa muna sila makapasok sa loob.

"Pero siya mismo ang nagpalayas sa at--" before Mikha could finish her sentence ay bumukas ang pinto at may babaeng tumutili na yumakap kay Aiah.

Pareho silang nabigla dahil pinaghahalikan pa nito si Aiah sa mukha.

"I missed you sooo muuuch!" tuwang tuwa at kinikilig kilig pa nitong sambit.

"Who the hell are you?"






~~~~~~~~~~~~~~

Sino kaya yon haha


You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon