14: Yakapsul

649 13 2
                                    

Aiah's P. O. V.


Nang umalis si Ian ay sinabi ni Dad na kailangan naming ilayo si Mikha dahil delikado ang kapatid ko. Ganito rin daw ang asal ng Mom namin dati, na-obssess.

I was shocked when I heard the revelation about my Mom from my Dad. No wonder kaya hindi niya nagawang ipakilala sa amin ni Ian ang nanay namin ay dahil hindi rin naging maganda ang experience niya rito. Suddenly, all the hate that I used to have against my Dad from all the love and attention that Ian and I couldn't get from him started to fade away. Napaltan ng guilt, and admiration on how brave my Dad was while raising his two children on his own. Sigurado ako na hindi naging madali sa kaniya ang desisyon na ginawa niya, pero proud ako at siya ang naging tatay ko.

I hugged him tight, "I love you, Dad." I said before we made our way pabalik ng Batangas.

Pinapunta kami ni Dad sa isang rest house sa Batangas. Ito yung reason bakit hindi na siya nakabalik sa beach. Mukha raw kasing nagustuhan ko talaga ang beach ng Batangas so hinahanapan niya ako ng place of my own na hindi kalayuan as a gift. It was really touching, but it's a shame na ngayon ko pa ito magagamit dahil sa mga nangyayari.

Colet and Sheena insisted na sumama para may kasama kami ni Mikha. Hindi pa rin kasi bumabalik ang parents niya kaya hindi ako papayag na maiwan siya mag-isa sa bahay nila. 

Over my dead body.

Mikha is silent the entire ride. Para siyang tuliro at sumusunod lang sa bawat sinasabi ko. Nag-aalala ako sa kaniya. Malamang kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya. I hate Ian for doing this to Mikha. Walang kapa-kapatid sa ginawa niya. 

Hindi ko alam na magagawa ng kapatid ko ang mga bagay na iyon. Masyado ba ako naging mabait? Masyado ko ba siyang na-baby? Siguro tama si Colet, masyado ko na nga pinahalagahan ang kasiyahan ng kapatid ko kaya humantong na rin sa ganito. Hindi ko man lang nakita ang mga maling ginagawa niya.

"Aiah.." Napalingon ako kay Mikha na nakaupo sa tabi ko. She looks exhausted, I feel her squeeze my hand. I pulled her in to give her a tight hug. 

"Shh... I'm here, Mikhs. Everthing's going to be fine." She hugged me back.

Nakarating kami ng rest house nang mga alas sais na. Muntik na kaming maligaw mabuti na lang magaling na driver si Colet. Hindi na kami nagpa-drive sa driver namin dahil mabuti na rin na kami-kami lang ang nakakaalam ng kinaroroonan namin para sa kaseguraduhan ng bawat isa. 

"Wow, ang ganda rito Aiah." Ani Colet  at tinuro pa ang maliit na pool sa sulok. 

Medyo malaki nga itong nakuha ni Dad. Mukha ring safe dahil nasa loob ng village. Malawak ang bakuran at kumpleto na rin ang mga gamit sa loob. Wala pa nga lang mga food supply, pero may nakita naman akong grocery malapit. 

Pagpasok ay may maaliwalas na sala na konektado sa kitchen at dining hall. Meron ding rest room sa kaliwa sa baba ng hagdan paakyat. Sa second floor naman ay may dalawang kwarto at balcony na kita ang bakuran na may pool.

"Aiah dito na lang kami ni Sheena." Turo ni Colet sa unang kwarto.

"Sige magpahinga na muna kayo, Colet. Magpapadeliver na lang din ako ng hapunan natin, tawagin ko na lang kayo. Thank you talaga sa inyo." I hugged them both, and ganoon din ang ginawa nila kay Mikha bago sila pumasok sa kwarto.

"Mikha share na lang ulit tayo ng room, ah? Okay lang ba sa'yo?" She nodded in response and pumasok na kami. Ipinasok ko na rin ang isang maleta na nadala ko. Ito lang ang nabitbit ko sa pagmamadali, papahiramin ko na lang si Mikha ng ibang mga damit ko habang wala pa ako ibang spare. Oorder na lang din muna ako online sooner kasi hindi pa rin namin alam kung hanggang kailan kami mananatili rito.

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon