11: What Does The Fox Say

676 17 0
                                    

Aiah's P. O. V.


I was taken aback when the door opened and Sheena came crashing into me. She is hugging me so tight while giving me a lot of kisses. It's been so long since nakita ko ang pinsan ko na ito. Adopted sister siya ni Colet. When Dad, Colet and Tito Vincent visited an orphanage in Isabela, they came across Sheena. She was a talented kid even before. Nagkasundo rin sila agad ni Colet noong unang beses na nagkita sila, and asked Tito Vincent na isama na lang daw nila pauwi ng Cebu si Shee. 

Nag-aaral pa nga lang siya kaya hindi siya madalas nakakasama kina Colet kapag napunta dito sa Manila.

"Who the hell are you?" Napalingon ako kay Mikha na salubong ang kilay habang masamang nakatingin sa amin ni Shee.

"Who the hell are you ka din. Sino ka ba?" Kumalas ako kay Sheena at pinamewangan niya si Mikha. Never pa naman sila nag-meet kaya kahit si Sheena ay walang idea kung sino si Mikha.

"Hey! Calm down. Shee, this is Mikha. Mikha, this is Sheena. Adopted sister siya ni Colet." I introduced them to each other.  Mikha is still glaring at Sheena, and Shee sticks her tongue at her.

"Ate Aiah, ano mo ba yang fox na iyan at kung maka sama ng tingin sa akin akala mo pag-aari ka niya." Loka talaga itong si Sheena at inaasar pa talaga si Mikha.

"Yeah, Aiah. Tell that cousin of yours kung ano mo ba ako." Haynako kapag talaga nagsama pa ang dalawang isip-bata.

"Wag mo na ngang asarin si Mikha, Shee. Kaibigan ko siya, okay?" Tumawa nang malakas si Sheena bago pumasok ng suite.

"HAHAHA friend naman pala." Rinig na rinig na asar ni Shee habang papasok.

Nilingon ko si Mikha and she's just staring at me in disbelief.

Uh-oh.

"Mikh--" before I could say anything ay pumasok na siya ng suite. 

"Good night, friend." pinagkadiinan niya pa talaga yung word word na 'friend'. Before ko pa siya malapitan ay she hurriedly went to her room and locked the door. 

"Lagot, mukang LQ ang mag-kaibigan," pinalo ko sa braso si Sheena.

"Ikaw kasi pang-asar ka." Pinapasok na niya ang gamit niya sa room namin ni Colet.

"Aba bakit ako? Ikaw itong nang-friend zone sa kaniya eh," tatawa tawang sambit ni Shee.

Are we even friends? After ng mga nangyari ngayong gabi ay hindi ko na rin alam kung ano ba kami ni Mikha. Alam ko medyo nahurt siya nung sabihin ko siyang friend, pero hindi ko nga kasi alam at that moment, eh. I guess wala namang nagbago after ko ireveal sa kaniya ang truth.

Siguro, yes. We can be labeled as friends.

For now.

Tinulungan ko na lang mag ayos ng gamit si Sheena. Dalawa lang ang bed dito sa room namin ni Colet kaya I will try to use the room Dad and Ian are occupying since wala naman sila pareho. 

"Shee, nakita mo ba yung isang susi dito?" Tawag ko sa kaniya mula sa kitchen. Hinahanap ko kasi sa ibabaw ng fridge yung susi ng room nina Ian dahil baka locked, kaso wala. Nandito naman ang ibang susi ng rooms, and even the bathroom pero yung sa room na lang na iyon ang wala.

"Huh? Alin? Wala." Dungaw niya naman sa room namin ni Colet.

Pinuntahan ko na lang muna yung room nina Dad, hindi naman pala naka-lock.

"Okay na pala, Shee. Hindi naman pala naka-lock. I'll stay here na lang muna para hindi tayo cramped sa iisang kwartong tatlo." I went inside sa room namin ni Colet to inform Shee.

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon