Third Person's P. O. V.
"Mikhaela Janna Lim!" Natigalgal si Mikha nang marinig ang tinig na iyon.
Kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan, at sa pag aninag ni Mikha sa bumabang dilag sa kabila ng nakakasilaw na ilaw ng headlights ay ang paghinto ng oras. Ang lahat ng mga sasakyan na dumaraan ay naglaho na sa kaniyang paningin, pati na rin ang mga ingay na dala nito ay hindi na rin niya alintana. Silang dalawa lang ang naroon at ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ilang hakbang mula sa isa't isa.
"Aiah!" Naiiyak na tinakbo ni Mikha ang distansya sa pagitan nila ni Aiah at kinulong ito sa kaniyang mga bisig. Hindi na rin napigilan ni Aiah ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata niya.
Akala niya ay hindi niya maaabutan si Mikha. Nang sabihin ni Colet na si Mikha ang kikitain nito ay dali-dali niyang tinahak ang daan patungo roon, ngunit nanlumo ito nang wala siyang nadatnang Mikha. Sinabi ni Jhoanna na nasa bahay pa raw ito nila at nagtatago lamang kaya agad na bumalik si Aiah sa bahay nila. Hindi pa man siya nakakalayo ay napansin na niya agad ang pamilyar na pulang buhok ni Mikha at agad na binusinahan ito sa pagbabaka-sakaling tama nga siya, at hindi nga ito nagkamali.
"I thought I'd never get to see you again, Aiah." Bulong ni Mikha sa pagitan ng mga hikbi.
"Please, Mikha. Don't ever get out of my sight ever again. You'd be the death of me." Ani ni Aiah habang hinahaplos ang buhok ni Mikha habang patuloy sila sa pag-iyak.
"I know, Aiah. I'm sorry. I'm so sorry. Hindi na ako aalis." Tugon naman ni Mikha at pinunasan ang luhaang muka ni Aiah. Muli siyang mahigpit na niyakap ni Aiah.
"Ah.. Ma'am excuse mo ho. Di ko man gusto putulin ang moment nyong magshota pero baka meron kayo dyang kahit magkano? Magpapa-tow na po sana ako." Napatingin silang dalawa sa driver ng taxi na sinakyan ni Mikha.
"Uh, kuya natanggap ka po ba ng card?" Pag-tatanong ni Mikha habang kinukuha ang wallet sa kaniyang bag.
"Nako, Ma'am. Iyan ho ang problema, hindi ho eh." Kakamot-kamot ulong tugon naman ng driver.
"Here, Kuya. Have this na, keep the change na po." Inabot ito ni Aiah ng limang libo.
"Maraming salamat, ho! Ingat po kayo mag-shota, bagay na bagay kayo." Natawa sina Mikha at Aiah sa sinabi ni manong bag sila nagtungo sa kotse ni Aiah.
Pabirong binunggo ni Mikha ang balikat ni Aiah.
"Pano ba 'yan, we're mag-shota raw." Ngisi nito kay Aiah na inirapan siya.
"Uhm, no?" Sagot ni Aiah nang pagbuksan nito si Mikha ng pinto sa passenger seat. Nakita niya ang pagbagsak ng balikat ni Mikha.
"Stop sulking, silly. Pang bagets at mga jejemon lang yang term na iyan. I want you to be my girlfriend, not shota." Agad namang nagningning ang mga mata ni Mikha at nagturan, "Ok, sige. Girlfriend na kita, ikaw na iyan oh, Miss Aiah Arceta. Tatanggihan pa ba kita?"
"Huh? Grabe ka, Mikha Lim. Bakit parang ako pa ang nagtanong kung gusto mo ba maging girlfriend ko?" Pagmamaktol ni Aiah at may pag halukipkip pa."Bakit, ayaw mo ba?" Paghahamon niya rito.
"Of course not." Pagtataray-tarayan kuno ni Aiah. Napatawa naman nang malakas si Mikha sa kacutean nito bago ito halikan sa pisngi.
"Tara na, grilfriend." Palambing na sabi ni Mikha. Pinisil naman ni Aiah ang ilong nito bago pumunta s driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
Tahimik lamang silang dalawa sa biyahe. Walang tensyon, o ano mang negatibong aura. Komportable ang katahimikan, at kunteto na sila sa ganoon na pareho nilang alam na nariyan ang presensa ng isa't isa. Ilang minuto na ring nagmamaneho si Aiah nang magsalita si Mikha.
BINABASA MO ANG
You Caught My Attention
FanfictionMikha Lim lost her memories from a car accident. Desperate to regain her memories, she finds herself attracted to her lover's older sister, Aiah Arceta. Will Mikha remember her past? How will she live in a world where she can not remember anything...