16: Snatched

559 9 1
                                    

Aiah's P. O. V.


"What were you thinking, Jennel?! Bakit pati ako pinaniwala nyo sa kasingungalingan niyo ng Ian na iyan?!" Dinig na dinig ang sigawan ng parents ni Mikha sa kabilang kwarto.

"Mike, I only did that because I don't want her to be immoral. You really think papayag ang mom mo when she found out na her only granddaughter is in a relationship with a woman?!" Kanina pa sila nagsisigawan. 

"Eh, ano kung magkaroon ng karelasyong babae si Mikha? Matagal naman nang sinabi niya sa atin na nararamdaman niyang may pagka-lesbyana si Mikha. Matagal na rin natin itong napag-usapan, Jennel. Wala namang problema sa akin, hangga't masaya at hindi napapabayaan ang anak natin. Ikaw lang ang ayaw tumanggap." Lumabas ng study room si Tito Mike. He saw me sitting here sa sala with Sheena at nilapitan kami.

I'm going crazy. 

Nagising na lang ako kahapon na wala na si Mikha sa tabi ko. Wala na rin siya sa buong bahay. We immediately reported it to the police, dahil napaka imposible na umalis na lang si Mikha nang biglaan habang tulog ang lahat, at hindi man lang talaga nakapagpaalam sa akin. Nagpaiwan si Colet sa Batangas incase magkaroon ng update kung nasaan si Mikha at dumeretso kami ni Sheena pabalik ng Manila para i-inform din ang mga parents ni Mikha sa nangyayari.

"Aiah, where is your Dad? May update na ba siya?" Tito Mike asked.

"Wala pa po, Tito. Hindi pa rin po nahahanap ang kapatid ko. We need to look for Mikha asap dahil hindi po biro ang situation niya ngayon at isang buong araw na po siyang nawawala." My voice weaken as I speak.

Images of Mikha helplessly crying in my arms flash in my mind. I can't help but to feel anxious and knowing all well na Ian is still out loose didn't help at all. Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang magagawa ko sa kapatid ko kung magkataon na may gawin siyang hindi maganda kay Mikha.

I felt a light pressure on my shoulder and saw Tito Mike's hand patting me.

"I know you're worried, Aiah. We all are, but I don't think Mikha will be delighted if she sees you in your current state. Kahapon pa kayo narito ng pinsan mo, pero mukhang hindi ka pa man lang nakakaagpahinga o nakakakain man lang. Go rest up for a bit, let the elders handle this." He asked the maid to guide me and Sheena sa guestroom nila.

Sumang-ayon si Sheena at nagpaalam sa akin na uuwi muna siya ng bahay namin para ikuha ako ng gamit. Nag-aalala na rin daw siya sa akin dahil napapabayaan ko na raw ang sarili ko.

Can you blame me? 

Parang kagabi lang yakap-yakap ko si Mikha at umiiyak siya dahil sa trauma ng mga nangyari, tapos biglang pagdilat ng mata ko wala na siya?

How selfish of me to eat if I don't even know if she's being well fed?

How can I sleep kung sa bawat pag pikit ng mga mata ko mukha niya ang makikita ko,wishing na sana pagdilat ko kasama ko na ulit siya at hindi sa kung saang lupalop ng mundo. 

God, please wag niyo pabayaan si Mikha. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kaniya.



Third Person's P. O. V.


"Sir, kaano-ano niyo po ang patient?" Tanong ng isang nurse. Nauutal na sumagot si Ian. "A-asawa, asawa ni-ya ako."

Napatigil ang nurse sa pagsusulat sa clipboard ito at napatingin kay Ian dahil may kamukha ito. Kahina-hinala ang mga ikinikilos nito dahil bukod sa pangangatal, at bumubulong-bulong rin ito sa kaniyang sarili. Naging maingat ang nurse at sinubukan tanungin ang pangalan ng lalaki sa harap niya. 

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon