My love, So Sweet
This is a work of fiction, Names, Characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is pure coincidence.
Start
"Akira Reese, anak! Bumaba ka na at kakain na!"
Dala ko ang bag ko at nagmartsa na ako palabas ng kwarto. Dinouble check ko muna kung wala ako nakalimutan sa kwarto bago bumaba ng tuluyan. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si papa na may suot na pink na apron na hindi bumagay sa maskulado niyang katawan.
"Bakit mo na naman suot ang apron ko papa?" may sarili naman siyang apron pero ewan ko ba kung bakit ayaw niyang suotin.
"Ang cute kasi e." malaki ang ngiti niyang sagot sa akin at nag-puppy eyes. Napa-iling na lang ako, hindi siya cute tignan, ano nga ba term na tawag ng iba 'nakakata-cute'.
"Hayaan mo na beh, alam mo naman pink ang favorite color ni papa." napalingo ako kay kuya na kumaian kain na, sinulyapan ko ang mga bakanteng upuan sa lamesa bago umupo.
"Saan sila kuya?"
"Na-una na sa trabaho alam mo naman 'yung apat na 'yun busy magpa-yaman." sagot sa akin ni kuya Rui at inabot sa akin ang plato na may laman fried rice.
Tinignan ko siya, gaya ko naka-ready na din siya pumasok sa university. "Ikaw?"
"Aalis na ako nito hinintay lang kita. Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya at tumingin sa relo niya. "Okay lang naman ma-late ako ng kaunti, mag-almusal ka muna."
Sa iisang university lang kasi kami pumasok, second year na ako habang siya ay pang-fifth year na niya. Magkaiba kami ng course civil engineering siya habang ako ay Hospitality management.
Tinignan ko ang plato niya mukhang kanina pa siya tapos kumain.
"Hindi na kuya, ma-una ka na."
"Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin, nakangitig tumango ako. "Sige," tumayo na siya at nilagay sa lababo ang pinagkainan. "Tawagan mo ako kung may kailangan ka, ingat sa school." ginulo niya ang buhok ko at nagpaalam na din kay papa bago siya tuluyan umalis.
Nagpatuloy na ako kumain, ayos lang naman na ma-late ako, ayaw ko naman pumapasok sa room na maghihintay pa ako ng professor ang gusto ko pa nga e sabay kami ng prof ko.
"Kamusta naman ang school? Busy ba?" tanong sa akin ni papa, umupo na siya sa kabisera at sinabayan na ako mag-almusal.
Ngumiti ako ng hilaw. "Hindi pa naman po gaano ka-busy saka kaya ko naman po."
"Sige, kapag may nahihihirapan ka na subject magpa-turo ka lang sa mga kuya mo." tumango ako.
May lima ako'ng kuya at ako lang ang ka-isa isahan na babae sa pamilya. Isang taon lang ang agwat ng kuya ko sa isa't isa pwera sa amin ni Rui, mas matanda si Rui sa akin ng tatlong taon. 24 na siya habang ako ay 21 years old, sila kuya ay nasa mid-twenty's na pero dito pa rin sila umuuwi sa bahay may mga sarili na silang apartment pero mas gusto nila na kumpleto kami sa bahay.
"How about your friends? Baka naman puro aral lang kayo ah."
"Hindi po," tipid ko sagot.
"Kung gusto mo pwede mo sila papuntahin dito, para naman maipakita ko sa kanila ang cooking skills ko at makilala ko na sila." malaki ang ngiti ni papa habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...