- 3-

9 0 0
                                    


Clyde 

"Papa may kanin pa?" tanong ko sa tatay ko na kasalukuyan malaki ang ngiti habang yakap yakap ang rice cooker namin. 

"Naiiyak ako, nagustuhan ni bunso ang ulam natin!" ma-drama na sabi ni papa habang nilalagyan ako ng kanin sa plato. "Kain ka lang ng marami bunso," malambinng niyang sabi. 

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ng tahimik, aware ako na pinapanood nila ako kumain pero wala na ako pake, kanina pa ako nagugutom ang hirap kaya ng hindi nag-lunch sa school. 

"Madami ka din kinain kanina sa almusal, takaw mo yata ngayon?" nagtatakang tanong sa akin ni kuya Rui, siya kasi lagi ko kasabay sa almusal. 

Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko bago sumagot. "Hehehe wala lang saka masarap kasi lagi luto ni papa." palusot ko pero pinaningkitan niya lang ako ng tingin. 

Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain sa harapan ko. Kinakain ko lahat ng problema ko sa school. Mabilis na kumalat ang chismis sa department namin, sa tingin ko naman ay hindi iyon umabot sa department ni kuya Rui kasi wala naman siya nababanggit sa akin, mabuti naman kung ganoon.

On the bright side, sa tingin ko ay hindi na pupunta doon sa mga tao dahil takot nila sa akin pero hindi ko lang sure kay Clyde sana naman makarating sa kaniya ang chismis para hindi na siya bumalik sa hideout ko. Ayoko na magutom sa school.

"It's good that you're eating well pero dahan dahan baka mabigla ang sikmura mo." tumango na lang ako sa sinabi ni kuya Rhys. 

"Hayaan niyo nga si bunso!" saway ni papa sa mga kuya ko at binalik ang atensyon sa akin, tuwang tuwa siya sa ginagawa ko. 

"Huwag ka muna umakyat sa kwarto mo, maglakad lakad ka muna ang dami mong kinain." agad na sabi sa akin ni kuya Ren habang nagliligpit sila. 

Napahawak ako sa tyan ko, grabe ang tigas napasobra nga yata ang kinain ko. 

"Tara lakad lakad muna tayo." Aya sa akin ni kuya Ryu at sumunod naman ako sa kaniya, dahan dahan lang kami maglakad makapag-baba lang ng kinain. 

Pumunta kami sa bakuran at naabutan ko doon si kuya Rui na nag-sisigarilyo, pagkakita niya sa akin ay kahit hindi pa siya tapos ay tinapon niya iyon. 

"Tsk. Tsk. dahan dahan lang sa pag-yoyosi Rui baka ma-adik ka." agad na sabi ni kuya Ryu sa kaniya. 

"Oo, medyo stress lang sa school." last year na ksi ni kuya Rui ang alam ko may thesis pa siya at nag-oojt siya. 

"Huwag mo kakalimutan mag-pahinga kuya," paalala ko sa kaniya. "Need mo ba ng tulong ko?" 

Ginulo ni kuya Rui ang buhok ko. "I can manage, focus on your studies first. Ako nga dapat magtanong sayo. Okay lang ang school mo?" 

Tumango ako. "Oo naman," sanay na sanay na talaga ako mag-sinungaling tungkol sa school. 

Maya maya pa ay nakasunod na din ang iba pa namin na kapatid. Naglalakad pa din ako sa bakuran at nakasunod lang sila sa akin, hindi ko tuloy mapigilan na matawa naka-linya pa kami para kaming bibe. 

Alam ko na hindi ako swerte sa paghahanap ng kaibigan, buong school life ko ay hindi ako nagkaroon ng kaibigan dahil sa mga kumakalat na balita sa school tungkol kay papa, nalulungkot ako minsan pero kapag nasa bahay naman ako ay nawawala iyon agad. Swerte naman ako sa pamilya kaya hindi na ako mag-rereklamo. 

Meron naman akong limang kuya okay na sa akin 'yun hindi ko na kailangan ng iba pa. 

Kaharap ko ang laptop ko at abala sa tapusin ang mga essay na iniwan sa amin ng aming professor, Unang subject palang ay wala na kami prof pero may substitute naman na nakabantay sa amin, binilin na tapusin lahat ng school works bago kami umalis. 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon